Ang bilis nang panahon, sembreak na! At malapit na din mag 2nd semester, sa loob ng almost 4 months syempre kami pa din ni Gian. Getting stronger, heheheheh!
He taught me everything. Parang hindi ko na kaya kapag nawala pa siya sakin. He is my bestfriend/brother/father/classmate/buddy/everything and my boyfriend.
Naalala ko lang si Gian, mamimiss ko kasi siya. Huhuhu, kasi sa Tarlac muna ko ng 1 week. Hindi ko naman sya pwedeng isama kasi nakakahiya sa family niya.
Hindi man lang kami nagkita ni Gian ngayon, ibig sabihin 1 week kaming hindi magkikita? Huhu, umalis kasi sila ngayon eh.
Nandito lang kami sa sala nila Kath at Marie nanunuod ng movie.
*knocks*
"Buksan mo na Marie baka 'yan na yung pinadeliver natin." Sabi ko.
"Kath, ikaw na magbukas baka yan na yung hinihintay mong bisita." Sabi ni Marie.
"Baka si Matthew yan." Sabi ni Kath, at bigla naman akong tumayo para buksan yung pinto.
"Good vening mahal ko, Kath at Marie! :)" Bati ni Gian. Awww :')
May dala siyang bulaklak at pagkain.
"Mahal, dumerecho lang ako dito from Laguna." Sabi niya.
"Hindi ka pa nakakauwi sainyo? Or nakakapagpahinga?"
"Hindi pa, pero makita lang kita nawawala na yung pagod ko."
"Awwww ang sweet!" Marie
"Sana ganyan din sayo yung Kenneth mo no?! Hahaha! Effortless eh!" Kath to Marie
"Grabe ka naman!" Marie
"Eh totoo naman! Kelan nagpunta yung boyfriend mo dito oh? At pagdalan ka nang pagkain ha!"
"Hm... Hindi pa."
"Oh tignan mo! Simpleng effort lang yun eh. Buti pa si Matthew!"
"Mahal ko labas muna tayo, ingay kasi nung dalawa eh. Hahaha." Me to Gian.
8 o'clock pa lang naman kaya medyo matagal ko pang makakasama ang mahal ko.
Umupo kami sa kalsada at nakasandal sa kotse niya.
"Mahal, I'm wondering what if we never met?" I suddenly asked him.
"Mahal ko, I would search for you. Hahanapin kita kahit saan pa man. Kung sa Tarlac kita makikita, araw araw akong pupunta doon makita lang kita." Siya.
Sinandal ko yung ulo ko sa kotse niya at kumaen ng icecream.
"B-b-bakit mo ko tinititigan ng ganyan? Baka malusaw ako ma!"
"Kasi ang ganda mo. Sobrang ganda mo."
Ahhhhhh, kilig much.
Hinawakan niya yung mukha ko ng dalawa niyang kamay habang nilalapit yung mukha niya sa mukha ko.
We're gonna kiss each other when,
"Ate ganda! Kuya pogi! Namiss ko kayo. Anong ginagawa niyo dyan sa lapag?!" Nagdaan si Candy.
"Candy! Bakit ka nasa labas? Gabi na ha." Si Gian.
"Eh bibili po kasi ako sa tindahan. Ngayon ko lang kayo nakita ulit. Magkikiss kayo no? Bad yun! Sabi kasi ng kaibigan ko wag bad daw yun paglalaki at babae ang magkikiss. Pero sa tingin ko naman po, hindi bad yun. Kasi sa nakita ko sainyong mata, gusto niyo na pong mag kiss atsaka wala akong nakikitang dahilan para maging bad yun. Kiss na kayo!!! Heehehehe." Sabi niya na nagbblush pa, omg.