SAMANTHA JOIE's POV
Pumasok ako sa room ni Gian at nakita kong nakahiga siya, habang nakaupo naman si Natalie sa gilid niya at hawak hawak niya ang kamay ni Natalie.
Ang sakit sakit. Parang dinudurog yung puso ko. Knowing that he used to love her so much. Tapos ngayon sila yung magkasama </3
Pinipigilan ko ang sarili kong 'wag umiyak. Kasunod ko na pala sa pinto ang mama ni Gian. Pumasok siya at tumayo si Natalie.
"Ma." Sabi ni Gian. Napatingin ako, mama niya nga pala yun. Akala ko 'mahal' T_______T
"Anak, mabuti naman at ok ka na. Pwede ko ba munang makausap si Natalie?" Sabi ni mama kay Gian.
"Sure ma."
Lumabas sila at iniwan nila kaming dalawa. Napatingin sakin si Gian.
"Miss?" Sabi niya.
Lumapit ako sakanya at tumulo yung luha ko. Umiiyak ako sa harapan niya ngayon. Bigla siyang napaupo at nagulat sakin. Parang kinikilala ko ng mga mata niya eh.
"Miss, bakit ka po ba umiiyak?"
"G-g-gian naman... Gian. Ako to... *sniffs* Si Joie to... Si Samantha. Gian, di mo ba talaga ko matandaan? *sniffs*" Pag iyak ko.
"Joie? Or Samantha? Sorry talaga. Pero, hindi talaga kita kilala. Wag ka namang umiyak."
"Pero. Gian, ako yung girl------"
"Girl na nakabangga satin. Matthew. Siya yun." Sabi ni Natalie.
"Hah?! Truck ang nakabangga satin Natalie!" Sabi ko.
"Wag ka nang pumunta dito." Sabi ni Natalie at hinila ako ni Natalie papunta malayo kay Gian at malapit sakanila.
Bakit pumayag si tita Mercy na sabihin ni Natalie yun?
Lumapit ako sakanila, "Bakit niyo sinabi yun? Mama, di ba alam mo naman ang nangyari? Mama bakit mo hinayaang sabihin ni Natalie yun?" Tanong ko sakanila.
"Samantha. Umalis ka na dito. At wag na wag ka nang magpapakita sakin, lalong lalo na sa anak ko. Wag na wag mo na silang guguluhin ni Natalie." Sabi ni mama na parang galit. Ngayon ko lang siya nakitang ganung kagalit.
Grabe anong ginawa ko?
"Mama, anong ginawa ko? Natalie? Bakit ganito?" Sabi ko habang umiiyak.
"Mama, Natalie, anong nangyayari?" Biglang sinabi ni Gian. Hindi niya kasi nadidinig yung pinag uusapan namin.
"Ay wala Matthew, kinakausap lang namin siya." Sabi ni Natalie.
"Samantha, sana respetuhin mo nalang yung desisyon ni tita. Para din naman sa anak niya yun eh." Sabi ni Natalie.
Tangina bakit ba ganito?! Ano bang ginawa ko? Ako na nga yung kawawa dito, ako pa yata yung masama?! Nagkanda gulo gulo ang buhay ko at buhay namin ni Gian ng dumating yung Natalie na to eh.
"Nirerespeto ko naman. Ikaw Natalie, sana marunong ka ding rumespeto ng relasyon ng iba. Hindi porket ex mo si Gian, kayo pa din! Kaya nga ex eh! Kami ni Gian, Natalie. Hindi kayo. Kaya ako ang may karapatan sakanya."
"Girlfriend ka lang niya, hindi ka niya magulang. Eh pano yan, nakalimutan ka na niya eh? Kawawa ka naman."
"Ang kapal ng mukha mo---" sasabunutan ko na sana siya sa sobrang inis nang biglang nagsalita si mama.
"Wag naman kayo dito mag away! Respetuhin niyo naman yung anak ko. Umalis ka na nga Samantha. Tandaan mo yung sinabi ko, wag na wag kang magpapakita sa kin lalong lalo na sa anak ko. Ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo!"
"Ma, ano bang kasalanan ko? Di ba ako nga tong hindi maalala ng anak niyo? Nagmamahalan kami diba?"
"Narinig mo naman yung sinabi ko Samantha. Ayaw kong makita yang pagmumukha mo! Kaya umalis ka na!" At nakita kong napangiti si Natalie habang papalapit kay Gian. Ang kapal niya, siya ang may pakana ng lahat ng to.
"Ok po! Mama pa din kayo ng boyfriend ko at maganda ang lahat ng pinakita niyo sakin, kaya gagalangin ko kayo. At makukuha niyo pa din ang respeto niyo, KUNG RERESPETUHIN NIYO DIN PO AKO. WALA PO AKONG GINAGAWANG MASAMA, MAHAL KO LANG ANG ANAK NIYO. KAYA HINDI AKO TITIGIL IPAALALA SAKANYA ANG LAHAT. Aalis nako."
Umalis ako at sinarado ang pinto ng may pagdadabog. Nakakaiyak.
Nung papalabas ako ng ospital, may nakabunggo saking lalaki.
"Samantha?"
Pero di na 'ko lumingon nagdere derecho lang ako.
Patawid na sana ako nang biglang may sasakyan pala sa kalasada.
"Magpapakamatay ka ba?! Wag mo kamin idamay!"
"Samantha." Bigla akong hinawakan ng isang lalaki at siya ang nag iwas sakin sa sasakyan.
"Sorry po." Yun lang ang nasabi ko. At naglakad na ko patuloy.
"Samantha, ok ka lang ba?" Tumingin ako sa nagsasalita at nakita ko si Kevin.
Siya yung nanghingi ng number ko noon. Mabait naman siya eh, kakilala ko siya. At schoolmate, nurse siya at kakagraduate niya lang.
Nginitian ko siya ng konti at naglakad na ko.
"Mukhang matamlay ka? Hindi ka pa yata kumakaen?" Sabi pa niya.
"Mauna na ko, Kevin." Sabi ko.
"Samantha, alam mo kasi delikado eh. Muntik ka nang masagasaan kanina. Ok ka lang ba talaga? Gusto mo ba ng kausap? O ihahatid nalang kita sainyo? Mamili ka? O bubuhatin kita?" Ang joker ni Kevin.
"Hehe. Ok pa naman ako."
"Samantha, I heard what happened to you and Gian."
"He's ok."
"Talaga? Eh bakit ka nagkakaganyan?"
"He's fine even without me."
"Di kita maintindihan. Tara mag usap muna tayo. I bet hindi ka pa kumakain. Namumutla ka na oh, papangit ka nyan. Joke lang. Pinapangiti lang kita." Hinawakan niya ko kasi para kong tutumba sa hina.
Dinala niya ko sa restaurant at umorder siya ng madami. Pero ni-isang subo hindi ako makasubo. Hindi ako makakain.
"Kumaen ka naman kahit konti lang oh. Kahit isang subo lang." Ang cute niya, para siyang si Gian. Naaalala ko si Gian. Si Gian yung naiisip kong kasama ko. Para siyang si Gian, nagpapacute din. Pinipilit niya din akong kumaen.
Naiyak nalang akong bigla, at niyakap ako ni Kevin. Ang bigat ng nararamdaman ko, kasama pa dun yung nagalit sakin si mama ni Gian ng hindi ko alam ang dahilan.