41

23 0 0
                                    

MATTHEW's POV

Samantha's back. Pinuntahan ko siya sa dorm niya.

*knocks*

Binuksan niya ang pinto at tiningnan ako. Kinakabahan ako kasi alam kong galit siya sakin. Pero tinititigan niya lang ako.

"Hi." Sabi niya.

"Samantha.. Alam kong hindi pa tayo ganun ka-okay pero I'm here to apologize. But if you don't wanna see me, I'll just leave." Sabi ko, paalis na sana ako dahil wala naman siyang reaksyon nang bigla siyang nagsalita.

"Come in."

Umupo ako at nakita kong naghahanda siya ng pagkain.

"Hmmm. Mukhang mabango yan ah. Ikaw ba ang nagluto niyan?" Tanong ko sakanya habang nasa malapit siya sa stove.

"Yes."

Nakita kong may tumatawag sa phone nya, nakalagay kasi sa table malapit sa inuupuan ko.

"Sam, your phone is ringing."

Tumingin siya sakin at bigla niyang kinuha yung phone nya.

"Hey, i can't make it. I have something to do. Sorry. Bye." Nadinig kong sinabi niya sa kausap niya. Tsismoso much? Hindi ko naman sinasadyang madinig eh.

"Dito ka na mag lunch? :)" Sabi niya sakin.

"Pwede ba?"

"Iinvite ba kita kung hindi pwede? Pero kung ayaw mo naman okay lang. I'm gonna call-----"

"Hmmmmm!! Tara na baka lumamig pa yung niluto mo."

Nakita kong ngumiti siya. Pagkatapos kong maubos yung niluto niya, nagkwentuhan kami. Busog na busog pa din ako.

Kung makipagkwentuhan siya sakin parang walang nangyari. Siguro kinalimutan na niya yun, humingi na din naman ako ng tawad eh ok na yun.

Kung ano yung mga pinagkekwentuhan namin? Secret! :P Hahaha joke. Tungkol lang sa mga hilig niya na sakto namang nahihiligan ko din. Tulad nang magbasa kaya ang dami naming napapagkwentuhan tungkol sa mga librong nababasa namin.

Naging madalas din ang pagkikita namin ni Samantha. She's so kind to me. I love this, feels like we're having a fresh start again.

One afternoon, nagpunta ako sa dorm niya nagdala ako ng pizza at bff fries habang nanunuod siya.

"Wow, i love your shirt." Ang ganda nung suot niyang oversized shirt bagay sakanya.

"It's from you. :)"

Ang awkward. Hindi ko naman kasi alam.

"Gusto mo milkshake?" Tanong niya sakin.

"Sure. Ayos yun habang nanunuod tayo ng tvd. Anong season ka na?"

"4 palang. Tinatapos ko kasi yung pll eh. :)"

"Ay ayoko naman nun. Pambabae." Tumawa lang siya.

"Vanilla lang ang ice cream ko dito, gusto mo ba sa milkshake yun or bibili pa ko? Favorite mo naman yun eh."

Bakit ba I find it awkward pag about sakin na. Kasi parang wala nga akong memories eh tapos ganon. Basta! Ang gulo haha.

"Ah oo naman ok na yun."

Lumapit ako sakanya habang nagshashake siya ng ice cream. Dinala ko yung bff fries at inaalok ko siya.

Pinaglalaruan niya yung fries sa bibig niya.

"Sam..."

"Yes, Matthew?"

*sighs* "ahm. Is this okay to you?"

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon