61

33 0 0
                                    

SAMANTHA's POV

Nung kinagabihan, lumayo muna ako at may nakita akong empty house, na curious ako kasi nakabukas yung ilaw pero walang tao. Kaya pumasok ako.

"Hm."

Pag tingin ko nakita ko si Matthew. hay.

Napipikon na ko. Lagi nalang siyang sumusulpot kapag gusto kong mapag isa. Hindi ako nagsalita nung makita ko siya, wala din akong reaksyon. Nahiga ako sa may terrace nito at pumikit ako and I'm trying to relax.

Nagising ako sobrang lamig! Nakatulog pala ko, tapos pag tingin ko sa bintana ang lakas ng ulan, sobra. Yung tipong nakakatakot lumabas dito kasi sobrang lakas ng ulan. Pag tingin ko may kumot ako. At nakita ko si Matthew naka upo sa may pinto.

"May bagyo." Nagsalita siya.

"Ano?! Babalik na ko don." Sabi ko

"No Samantha. Delikado pang lumabas. May tumawag sa telephone dito na delikado na daw ang maglakad pa lalo at may bagyo. So we're gonna stay where we are." Sabi niya habang nakatingin siya sakin ng seryoso.

Nilabas ko yung phone ko, NO SIGNAL. Damn it!

Tapos biglang nawalan ng kuryente.. Malas naman!

"Matthew?" Sabi ko... Kasi natatakot ako.

"Matthew!! Sumagot ka naman!!"

Nag sindi siya ng kandila, at lumapit siya malapit sakin.

Nakatingin lang siya sakin at binaba na niya yung kandila sa lamesa malapit samin.

Walang nagsasalita saming dalawa pero magkatabi kami.

"Alam ba nila na nandito tayo?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko alam." Sagot niya.

"Why are you here anyway?"

"I don't know. Gusto kong mapag isa, but then nandito ka pala." Sabi niya, so hindi pala niya ko sinundan. Feeler lang eh.

"Bakit gusto mong mapag isa?"

Natagal ang pagsagot niya pero nakatingin lang siya sa kandila.

"Ikaw, bakit gusto mong mapag isa?" Tanong niya sakin.

Hindi ako nagsasalita pero nag uunahan sa isipan ko lahat ng gusto kong sabihin sakanya. Tang ina naman eh.

May nakita akong beer sa ilalim at kinuha ko to. Inalok ko siya pero tumanggi siya.

"Healthy living ka ah." Sabi ko sakanya, tapos uminom ako ng beer.

"Ano bang mapapala mo dyan?" Sabi niya tapos muntik ko na mabuga kasi nahihiya ako sakanya. Ako pa naman tong babae, nag aaya sakanya uminom ng isang boteng beer. Bitch ko ba haay!

Inubos ko nalang yung isang bote, pero hindi ko din naubos kasi di ko na kaya pero feeling ko may lakas na ko ng loob para masagot yung mga tanong niya.

"Kamusta ka na ba?" Tanong pa niya.

"Kamusta na ba ko? Ahm... Right here, I'm okay, I guess."

"Mabuti naman. Are you happy?"

Tinatanong ba niya talaga sakin 'to! Bumibilis yung tibok ng puso ko, o dko alam kung nagpapalpitate lang ako dahil sa ininom ko.

"I was." Sagot ko.

Ugh naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko nasabi yun. Mukha akong tanga.

"Why not now?" Tanong niya.

"Why are you happy?" Sagot ko sa tanong niya.

"Hindi ko alam.. I'm just happy." Sagot niya.

"Really? I'm happy for you..." Sabi ko pero hindi ako nakatingin sakanya, bigla nalang kasi tumulo yung luha ko pero pinunasan ko agad.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon