11

73 4 0
                                    

SAMANTHA JOIE's POV

"Sure ka ba na susunduin tayo ni Matthew mo? Kasi kung hindi e magsimula na tayong lumuwas!" Sabi ni Kath.

"Eh sabi niya eh. Hindi naman yun nagsinungaling sakin kahit kelan."

"Eto na! Eto na ang simula nang pagsisinungaling niya sayo. Simula nung nakita niya kayo ni Luke na magkausap na KAYONG DALAWA LANG!"

"Hooooy! Hindi ganun si Gian. He's not jealous because he trusts me! At alam niyang siya lang ang mahal ko."

"Bahala ka nga diyan, mauna nalang akong lumuwas!"

Lumabas siya, nakaayos na kasi kami pabalik ng Manila. Si Gian nalang hinihintay namin, tinetext ko siya pero hindi siya nagrereply iniisip ko baka naman nagddrive lang.

1 week na kamidito sa Tarlac, oo nga pala sa nangyari nung birthday ni Audrey, masaya lang kaming lahat lalo nung dumating si Gian at sinurprise niya ko. Pagkatapos nun, umuwi na din kami sa bahay at siya naman bumalik na din sa Manila.

Wala naman akong nakikitang naging problema sakanila ni Luke, atsaka si Luke? Sus. Yun pa? 3 years na kamin break non, kaya kung sabihin man niya sakin na ako pa din, lokohan nalang yun at talagang alam kong wala na kaming nararamdaman sa isa't isa.

Bumabalik si Kath dito sa loob,

"Oh bakit?"

"Andito sila Matthew at Josh. Kasama yung bestfriend ni Matthew si Alyssa. Silang tatlo lang, girlfriend ba ni Josh yun? Huhuhu."

Girlfriend? Hindi siguro. Hindi naman kasi siguro papayag si Gian na yung kapatid niya ay gaguhin ni Josh di naman ganung kagago si Josh.

Hindi din alam nila Kath at nang kahit na sino na magkapatid silang dalawa.

"Hindi sila. May boyfriend yata yung si Alyssa eh."

Natuwa si Kath sa nadinig niya at nagmamadaling lumabas. Pumasok si Gian at nasa likod niya si Alyssa at Josh.

"Hi mahal ko!" Bati ni Gian at nilapitan ako.

"I missed you ma, bakit di ka nagrereply?"

"Sorry nagddrive kasi ako eh."

"Ok lang ma. Pagod ka ba? Gusto mo ba magpahinga na muna tayo?"

"Hindi na ma. Tara na."

Napansin ko may mga bags sa likod,

"Kaynino yung bags dun sa likod?" Tanong ko.

"Samin yan bes." Sabi ni Alyssa.

"Ahhh, hehehe."

"Ma, hindi dyan yung daan." sabi ko kay Gian.

"Ma, alam ko yung daan. Kaya don't worry ok? Matulog ka nalang dyan." Sabi niya, as I did. Haha.

Pagkagising ko, ang daming taong nadadaanan namin. Parang alam ko tong lugar na to ha? Huminto kami sa isang parang bahay na malaki.

"Ma tara na." Sabi niya.

May buhangin. What the, nasa Subic bay kami! Shit

"A-a-anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sakanya.

"Hmm, wala. Wala naman tayong ginagawa dito mahal. Hahaha." Sabi niya.

"Ugh. Bakit tayo nandito?"

"Magsiswimming po."

Pumasok na lang ako napaka pilosopo kasing kausap. Pagpasok ko sa pinto nung bahay nakita kosa loob sila Leon, Carl, (sila yung kaibigan ni Gian) Marie, Kenneth (boyfriend ni Marie) isang lalaking hindi ko kilala. At dalawang babaeng katabi ni Carl at Leon, girlfriend siguro nila.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon