27

45 3 0
                                    

SAMANTHA JOIE's POV

Pasukan na pala sa isang araw. Haay nakakatamad naman. Wala akong gana. Hindi pa din ako ok. Nagpapasalamat lang talaga ako sa mga bagong taong nakakasama ko ngayon.

Kapag inaalala ko yung mga masasayang nangyari samin ni Gian, hindi lang yun. Lahat lahat kasama ang buong tropa hindi ko mapigilang malungkot ng sobra. Hindi na 'ko naiiyak, naubusan na siguro ako ng luha. Wala na kasing pumapatak, kahit gustong gusto kong umiyak.

Ang sakit sakit sobra. Naisip ko, dumating siya sakin bigla at bigla din namang nawala. Wala nga talaga sigurong permanente sa mundo. T________T

Kung alam lang siguro ni Gian lahat ng nangyayari sakin ngayon. Alam kong hinding hindi siya papayag na mangyari lahat ng 'to.

Naniniwala pa din ako na makakasama ko si Gian habang buhay. Pinanghahawakan ko pa din ang mga pangako namin sa isa't isa. Lalo na ang magpapakasal kami at magkakaroon ng pamilya.

"Lord, ganito po ba talaga? Kailangan ko po ba talagang maramdaman 'to? Alam ko pong mali ang ginagawa ko. Alam ko pong mali ang kwestyunin ko kayo sa mga ginagawa niyo, pero bakit po? Napakasakit po kasi. Wala naman po akong ginawang masama. Mahal na mahal ko po si Gian, sobra po. At siya din po ang nagturo sakin sainyo. Siya po ang dahilan kung bakit ko kayo nakilala ng lubusan.

Simula po noon, hindi ako naniniwala sa inyo patawarin niyo po ako. Pero simula nung dumating si Gian, nagbago ang lahat. Tinuruan niya akong lumapit sainyo. Madami po kasing masasakit na nangyari sakin noon, at hindi ako natutong lumapit sainyo.

Isa lang po ba siyang way para mapalapit ako sainyo? Talaga po bang mawawala din siya sakin?

Bakit ko po ba to nararamdaman? Bakit ako pa yung nasasaktan ng ganito? T________T

Miss na miss ko na po si Gian. Sana po, wag niyong hayaan na hindi niya ko matandaan. Sana po matandaan ako ni Gian, sana po malaman niya na mahal na mahal ko siya. At miss na miss ko na siya. Gustong gusto ko na po siyang mayakap."

T_________T

Hindi ko namalayan na umiiyak pala ko. At nakayakap ako sa isang unan ko.

*knocks*

Sino kaya ang kumakatok?! May nakapasok kaya sa apartment. Nakuu

"Samantha! Namiss kita!" Si Kath at tumakbo siya papunta sakin.

"Haay kinabahan ako. Akala ko kung sino nang nakapasok dito. Namiss din kita bes!"

"Bakit ka na naman umiiyak? Haay. 2 months na ang nakalipas bes."

"Ang bilis ng 2 months no? Napapagod na ko."

"Siguro.... Kailangan mo ng sumuko?"

"Hindi Kath eh. Parang may nagsasabi saking wag akong sumuko. Huhuhu."

"Haay, i love you bes."

"I love you too. Bakit ka ginabi ha?"

"Eh may naghatid kasi sakin. :')"

"Sino naman?"

Biglang pumasok si Josh at niyakap ako.

"Samantha, how are you?" Josh

Ngumiti ako. "Ok na pala kayo. Buti pa kayo." Sagot ko.

"Magiging ok din kayo. Kilala ko si Matthew."

"Pero hindi niya ko matandaan. Hindi niya nga ako mahal eh."

"Wag kang mag alala. Tutulungan kita. Pagsasabihan ko si Matthew. Wag ka ng malungkot ha."

"Salamat Josh. Teka buti naman ok na kayo?"

"Iniwan ko na si Jane. Si Matthew lang ang nagturo sakin kung pano magpakatotoo."

"Mabuti naman. Sige matutulog na ko." Sabi ko.

"Sige, good night bes." Sabi ni Kath.

"Good night, magpahinga ka na." Sabi naman ni Josh at nginitian ko nalang sila. Lumabas na sila ng kwarto ko.

Mas lalo akong nalungkot. Aaminin ko kasi nainggit ako sakanila. Buti pa sila. Sa tingin ko hindi ako makakatulog kakaisip nito eh.

Kahit naman simula nung nawala sakin si Gian hindi na ako nakatulog ng maayos eh.

Nagtext sakin si dags.

From: Dags pogi <3

Mads

Ano na naman kayang kinukuda nito?

To: Dags pogi <3

Bakit?

Dags pogi's calling....

Siya: Food trip tayo.

Ako: Hmmm.... Tinatamad na kong lumabas eh.

Siya: Sinabi ko bang sa labas? De dyan tayo sa apartment mo.

A: Correction not my apartment. It's ours. Tska nandito na si Kath.

S: Ah sorry naman! Eh de ayos. Tara na oh?

A: Nangungulit ka na naman! Wag nga akong kulitin mo. Grabe kang mag aya ng food trip, 11 pm na!

S: Eh nagutom ako bigla eh.

A: De kumaen ka! Hay!

S: Gusto ko may kasama.

A: Ang dami mong arte. Matutulog na ko dags.

S: Pwede ba kong makitulog dyan?

A: Tang ina naman oh. Di na ko nakikipagbiruan.

S: Sorry. Sorry po. Di mo na ba ko mapapatawad?

A: Baduy mo. Ibababa ko na t----

S: Wait lang naman! Bukas kita tayo.

A: Bakit naman?!

S: Birthday ko bukas. Haay

A: Naku ikaw mga reasons mo!

S: Totoo nga!

A: Kung totoo yan eh di sana kanina mo pa pinagyabang sakin!

S: Haay kung di ka maniniwala de wag. Sige. Bye na.

A: Weh totoo ba yan?

S: Ibaba mo na.

A: Huy dags. Seryoso ba?

S: Ako na magbababa.

Tapos pinatay niya yung call. Aw, totoo kaya? Haay masyado ko yatang nainis si dags. Ang clingy neto!

To: Dags pogi <3

Dags pogi <3. your name in my phone says it all. Seryoso ka ba? Kasi naman ginagawa mong joke lahat eh. Akala ko tuloy pati yun joke lang. So, sorry na dags. Ok makikipagdate na ko sayo bukas. Sasamahan na kita bukas. Wag ka lng magalit ha. See you tom! Good night. Mwah

Hirap amuhin ng malanding lalaking 'to. Sa lahat ng lalaking nakilala ko, yung totoong lalaki ha, si Kevin ang pinakamalandi. Malandi talaga siya pero hindi siya gay. Hahahaha. Ang dami lang landi sa sarili.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon