KATH's POV
From: Sammy <3
Kath, i wanna go home. Really. Sobrang saya ko for you, you know that. but I did my part. Nakisama ako dito pero hindi ko na kaya, 4 days pa tayo dito pero parang hindi ko na kaya na makita si Matthew at Holly. Can i just.. Go home?"Babe, sino naman yang katext mo? Umagang umaga?" Tanong ni Josh habang nasa cr.
"May nangcocongratulate lang satin babe, yung friend ko nung high school. Si aubrey."
"Ah, okay. Thank you kamo. Pag uwi natin manila mag celebrate tayo with your high school friends, hindi kasi sila nakapunta nung kasal natin di ba?"
"Okay lang yun no. Hamo na sila."
"Ano ka ba, dapat grateful tayo babe..."
Di na ko sumagot, tapos i just kissed him sa lips. Tapos biglang nagsalita ako after.
"Babe, you know what i was so excited na umuwi si Matthew dito. Alam mo yan. Pero si MATTHEW lang. I mean, bakit biglaan na may girlfriend siyang isasama? Bakit hindi natin alam. We were supposed to know that. Nakakainis." Sabi ko kay Josh.
"Sabi na eh, you're bothered... Babe, di ko din kasi alam. Pero tanggapin nalang natin? Kasi he's family to us. Di ba. Kung ano yung desisyon niya." Sabi niya tapos tumingin siya sa labas. Alam ko yung mga ganyang style e, nagsisinunging siya pag hindi siya makatingin sakin.
"Sakin ka pa talaga mag sisinungaling? Ganyan pambungad mo sa buhay mag asawa natin?"
"wag ka na magalit. Wag na lang natin isipin yun. Ang mahalaga mahal natin ang isat isa at asawa na kita." Niyakap niya ko. Pero inalis ko to.
"Tama ka dyan. Pero hindi naman ibig sabihin ng mag asawa e kakalimutan ko na yung ibang taong MAS nauna kong makilala sayo, at hindi ibig sabihin nun e hahayaan ko nalang masaktan yung bestfriend ko. Mahal ko din yung taong yun. Hindi ako katulad ng ibang babae."
"Haay. Alam ko naman yun, sorry mahal ko.. Kaibigan ko din si Samantha at Matthew. Pero kasi, komplikado eh? Kaya ayoko nalang isipin. Naniniwala naman ako na in the end mahal pa din nila ang isat isa. At magkakabalikan sila."
"What?! Naniniwala ka sa ganon? Alam mo bang sobrang nasasaktan si Samantha ngayon? At alam mo din bang pain can make people change?! Or hindi mo alam? So ngayon alam mo na! Wag ka maniwala sa fate mo na yan na in the end mahal nila ang isat isa. Kasi ako kaibigan ko din si Matthew at ayokong mapunta siya sa maling babae! Kaya hanggang maaga pa gusto kong maayos to. At matulungan ko yung mga kaibigan ko."
Tumingin sakin si Josh, "I'm really sorry... Mahal ko alam ko naman yun.. I'll just help you too.."
Lumabas na lang muna ako ng kwarto, sinundan niya ko pero hindi ako pumayag.
Pumunta ako sa kwarto ni Samantha, wala naman si Tyler. Nasa labas sila nagswiswimming.
"Hi." Sabi ni Samantha nang nakita niya kong pumasok sa kwarto niya habang nagbabasa nakaupo sa kama at nakasandal sa wall.
"Ano yan? Fifty shades?" Ngumiti siya at tiningnan ko lang siya.
"Pumapayat ka na Sammy. I hate it. You used to be chubby and fluffy." Ngumiti siya,
"Pinaghirapan ko to no. Matagal kong pinangarap to, alam mo yan haha."
Kinuha ko yung book na hawak niya at niyakap ko siya.
Habang magkayakap kami, naramdaman ko nalang na tumulo yung luha niya at humigpi yung yakap niya sakin. umiiyak na siya.
"....Natatandaan mo nung high school tayo? I was such a cry baby... Nung break time natin, nakita ko si Luke sa may canteen may babaeng kasamang maglakad tapos biglang nag ring yung bell.. English time natin yun kay Mrs. Lopez bawal malate dun di ba, kaya pumasok na agad ako ng room.. Tapos sa unahan ako nakaupo sa harap ng teacher di ba, nasa likod kita at katabi ko si Luke.. Wala pa siya, tapos habang nagdadasal tayo, bigla akong naiyak." Natawa siya ng bahagya kahit umiiyak siya habang kinekwento niya yun. Hinayaan ko muna siyang magkwento.
"Naiyak ako, tapos natandaan ko yung mga nag abot sakin ng panyo, ikaw, si Carla. At si Luke... Akala ko yun na yung worst na iiyakan ko pagdating sa relationship.. High school palang pala yun, puppy love.. Walang wala dito sa sakit na nararamdaman ko ngayon.."
Patuloy siyang umiiyak at nasasaktan. Nasasaktan ako para sakanya pero nilalakasan ko yung loob ko kasi pag naging mahina ako walang tutulong sa bestfriend ko.
"Pero nun magkatabi na kami ni Luke di ba nadinig mo yung sinabi niya sakin? Sabi niya bakit daw ako umiiyak. Papangit daw ako nyan. Tapos hindi ako sumagot. Pero may inabot siya sakin na mood necklace, moody daw kasi ako.. Bigay daw yun ng pinsan niya sakanya, yung kasama niyang babae sa canteen. Pinsan niya lang pala yun... Pero sobrang nasaktan ako kasi hindi ko alam.. Tapos naging masaya na ko ulit kasi hindi naman pala niya ko niloko... Sana ganun nalang din ngayon.... Ang sakit sakit kasi."
Nagpupunas siya ng luha habang nagsasalita..
"Kaya ko pa yung, si Natalie yung girlfriend niya. Kasi noon alam kong wala siyang ala ala. At alam kong ako pa din ang laman ng puso niya. Pero ngayong alam kong naaalala na niya ko, it kills me... Kath, it kills me to know that, kahit nakakaalala na siya, hindi na niya ko mahal. I'm so stupid to believe na pag uwi niya, ako pa din. Akala ko kasi sakin umiikot yung mundo niya, inakala ko kasing sobrang mahal niya ako at hindi niya makakayang humanap ng kapalit ko. He made me feel that... Kath alam mo ba yun.. He made me feel everything... And he was my whole life, now he's gone with me... And I don't know.. I just want to be gone too... Gusto kong lumayo sa lahat ng tao... Especially sakanya..."
She's so crying.. I hate my self, bakit hindi ko alam na ganito na palang kabigat yung nararamdaman ng bestfriend ko. I was so busy to my marriage.
Tiningnan ko siya, magang maga na yung mata niya at hirap na siya magsalita sa pag iyak. Tapos natawa siya habang umiiyak.
"I'm overacting.." Sabi niya.
Pinunasan ko yung luha niya at hinawi ko yung buhok niya, "Ssshhhh. No you're not. Samantha.." At niyakap ko ulit siya para gumaan pakiramdam niya.
"Samantha, don't worry... Madami pa ding nagmamahal sayo. Look at me, Josh, Mocky, Marie, Kenneth, all of us... And Tyler, sobrang mahal ka niya. I know that kasi nakikita namin yun. Kahit nasasaktan na siya, okay lang makita ka lang niyang nakangiti. Maybe it's time, na matutunan mo siyang mahalin."
"I know, but it's not that easy.. Right?" Sabi niya.
"I know, just take your time.. And Samantha, you keep on praying.. It really helps. Talk to God about everything."
"Thank you so much Kath... I love you so much." Niyakap niya ko. At alam kong gumaan na yung pakiramdam niya kahit kaunti. Pagkatapos nagtanong ako sakanya about sa book na binabasa niya at ipapahiram nalang daw niya sakin. Haha.
*knocks*
Binuksan ni Tyler yung pinto.
"Breakfast is ready. Tama na muna yang pagbabasa niyo ng fifty shades na yan! Kain na tayo!"
"Yup! Susunod kami wait." Sabi ko tapos sinarado na niya ulit yung pinto.
"What? All this time hindi nakalock yung pinto? Kaaaaathhhh!!!!" Sabi ni Samantha, haha.
"I thought... Nalock ko eh. Haha. Sorry naman."
"Ugh, kainis ka. What if may magbukas niyan while i'm crying like a baby!!! Hate you."
"Eh wala naman, okay na yun tapos na eh! Tara na nga kain na tayo."
Tumayo na kami at lumabas na ng kwarto.
Nung nasa may table na kami, bumulong sakin si Samantha "I'm feeling better now." Tapos nakangiti siya ng todo, yun bang parang may evil plan tong babaeng to. Chos! Pero iba kasi yung ngiti niya ngayon, parang she's so better na nga talaga. Kasi noon halatang fake smiles e, ngayon iba e.
"Great." Sabi ko naman, nalakasan ko yung sagot ko kaya napatingin sila sakin.
"Great breakfast....." Palusot ko, tapos natawa naman si Samantha. At tawang tawa siya. Ano ba yan nasasapian ba to, kanina lang iyak ng iyak pero ngayon masaya na. Hindi naman plastik yung kasiyahan niya ngayon e, kilala ko kasi siya.
But I should be happy for her kasi she's better now.. :)
Siguro kailangan lang talaga niyang mailabas yung sakit na dinadala niya, look at her now. Happy!