51

17 1 0
                                    

May pagkakataon na kong kausapin si Matthew kasi katabi ko siya ngayon sa room kaso nakikipag kwentuhan siya sa nasa left niya, si Kylie kahit may professor sa harap. Pagkatapos, kakausapin ko na sana siya nang biglang nilabas niya yung phone niya tapos nakita kong nag text siya. Magsasalita na sana ko, nang biglang may tumawag sakanya.

"Yes please. Ang boring dito sa class na to eh. Okay, wait for me in 3 mins. Bye!"

Nadinig kong sinabi niya sa kausap niya. Sino kayang kausap niya? At aalis siya habang may klase? Nakita kong nag aayos siya ng gamit tapos patayo na, nang bigla akong nagtaas ng kamay.

"Yes ms. Madrigal?"

"Ms. Lopez, i think... Matthew is leaving." Pagsumbong ko sakanya. Ugh grabe hindi ko alam kung bakit ko nasabi to! Ano ba Samantha!

Biglang napatingin sakin si Matthew.

"WHAT THE HELL?" Reaksyon ni Matthew halatang upset.

"Is that true Mr. Marasigan?! Sit down. Ang dami mo nang absent sa klase ko!"

Umupo siya tapos halatang naiinis siya sakin. Bahala na nga. Basta hindi siya pwedeng umalis.

Napatingin ako sa side ni Mocky, napakalungkot niya. Nasa gilid siya at nakita kong napatingin siya sakin nung nagtaas ako ng kamay. Haay. I hope he's fine.

"Matthew."

Hindi siya tumitingin sakin.

"Matthew."

"What?" Sagot niya sa pangalawa kong tawag sa name niya.

"Pakiabot daw kay Kylie." Sabi ko habang pinapaabot yung paper na hinihiram ni Kylie sa katabi ko. Inabot niya pero hindi siya tumitingin sakin.

"I'm sorry." Bulong ko nang mahina sakanya. Pero hindi niya pinansin.

Tumayo si Matthew at nagulat ako.

"Ms. Lopez I'm sorry to bother you, but I will drop this subject. I can't take this class anymore." Sabi ni Matthew na sobrang ikinagulat naming lahat.

"What are you talking Matthew?! You are kidding me, right?"

"No ma'am. It's not you. Sorry." Sabi pa niya at tuluyan nang umalis.

Grabe, ganon na bang ka major yung ginawa ko sakanya ngayon? Siya nga noon napagalitan ako ng librarian dahil sakanya. At muntik na din ako ma drop sa isang subject dahil sa kagagawan niya tapos ngayong hindi naman ganun kasama yung ginawa ko sakanya eh nagkakaganito siya. As in galit siya sakin. Parang iba na to eh. Para kasing hindi na siya yung kilala kong Matthew. Dati kahit suplado siya sa iba except sakin. At hindi niya kayang magalit sakin, kasi halata naman tinatry niya pero wala pa din. Ngayon naman, it's like I'm a total stranger to him.

Tumayo ako at lumapit sa prof, nagpaalam ako sabi ko pupunta lang akong restroom.

Sinundan ko si Matthew, hinabol ko siya.

"MATTHEW GIAN!" Sigaw ko tapos tumingin naman siya. Hingal na hingal ako, ang layo na niya kasi.

"What's so important?" Tanong niya. So cold -_____-

"I'm sorry."

"I don't care." Sagot niya.

Pagkatapos may lumapit na babae kay Matthew at kiniss niya si Matthew sa cheek. Wow this is getting serious. I mean this 'stranger me' thing.

"Hi Matt." Sabi nung girl at ngumiti naman si Matthew sakanya. Kung paano siya tumingin sakin noon ganon niya tingnan yung babae. Ouch.

Pagkatapos ay iniwan na kong nakatayo.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon