Hindi ako sinundo ni Gian :( Pumasok ako mag isa. Tinext ko na lang siya.
To: Gian<3
Gmorning Gian ko. :* otw nako. Siksikan lang kasooo sa mrt. Loveyou
Ayan text ko. Hindi naman siya nagreply. Hmp. Binagalan ko na nga lang. Nakakawalang gana kasi. Nakakainis siksikan kasi sa mrt. At nakasabay ko pa yung bwiset na si Luke.
"Good morning!!!" Bati niya.
"Anong good sa morning? Ikaw pa kasabay ko! Badtrip."
"Sam, pansin ko inis na inis ka kapag makakasabay mo ko?" Tanong niya nung pababa na kami ng mrt.
"Eh bad vibes ka kasi."
"Itong mukhang to? Sam naman."
"Ayan ka na naman. Luke ganda ganda ng gising ko. Please lang wag mong sirain ha."
"Hooooo. Dati ako yung nagpapaganda niyan eh."
"Lul, kilabutan ka! Hahaha."
Bumaba na kami ng mrt. At naglakad n konti. Sumakay na kami ng jeep.
"Anong oras bang pasok mo?" Tanong niya.
"8. Omg! 8:49 na? Shet hindi na ko aabot sa klase ko."
"Kaya pa yan! Bilisan mo nalang!" Pucha. Ang gwapo ni Luke ngayon. Taena ang landi ko! Hm. MAS GWAPO PA DIN PALA ANG MAHAL KO.
Bumaba na kami ng jeep, at siya din.
"Ano? Kaya mo yang takbuhin?" Tanong niya.
Hinawakan niya yung kamay ko at tumakbo siya. Napatakbo din ako.
"Luke!"
"Akala ko ba late ka na? De bibilisan nating makarating sa room niyo."
"Wag na. Dito nalang ako."
"Tamad mo!" Hinawakan niya ulit yung kamay ko at pilit akong hinihila.
LUKE's POV
Nakasabay ko si Samantha. Parang may nagbago sakanya ha. Di ko alam kung ano.
Tamad pa din pala 'to. Walang pinagbago. Pinilit ko nalang siyang pumasok.
"J-j-j-joie? What are you doing here?" Tanong nung isang lalaki na naglalakad papalabas. Siya lang mag isa. Napahinto siya samin ni Samantha. Teka bakit Joie? Pangit naman nun! Hahaha.
"Ay babe. 'To kasing si Luke kinukulit ako. Eh labasan na naman natin di ba?" Babe? Babe? May boyfriend na siya?
Tumingin sakin yung lalaki. Nagpakilala naman ako.
"Luke, pare. Samantha's ex boyfriend." Pagpapakilala ko at napatingin siya sakin, mukhang nagulat sila ni Sam.
"Nice to meet you. I'm Matthew." Sabi naman niya habang may ngiti.
"Sige, may pasok pa ko eh. Mauna na ko sainyo." Paalam ko sakanila.
"Waaaaag hoy!" Sabi ni Sam. Napatingin kami ni Matthew sakanya.
"Bata ka pa. :D"
"Gagu! Sige. Ingat kayo. Nice meeting you, pre." Sabi ko naman.
"Same pre. Salamat." Sabi ni Matthew.
Walang pagbabago si Sam. Napakaluko pa din niya. Mukhang ok naman si Matthew. Mukhang mahal na mahal naman niya si Sam.
GIAN's POV