5

76 3 0
                                    

KATH's POV

Ano bang nangyayari dito kay Samantha? Punong puno ng pride tong babaeng 'to eh. Napakatigas pa.

Awang awa na nga ako kay Matthew. Nagpapatulong na siya sakin dahil ayaw daw talaga siyang pansinin ni Sam kahit anong gawin niya, kahit nagmumukha na siyang tanga.

Hindi naman ganito si Sam sa mga past boyfriends niya, actually si Sam ang nagmumukhang tanga dati. Kaya niya din siguro nagagawa yung mga ganito dahil nga nasaktan siya noon ng sobra. At si Matthew ang sasaktan niya ng sobra ngayon? Mali din tong babaeng to eh.

Nakipagkita sakin si Matthew sa isang kainan, ang sobrang lungkot niya.

"Kath tulungan mo ko. Miss na miss ko na si Joie."

"Matthew kasi napakatigas talaga ni Sam eh. Sobra kahit samin ayaw niyang sabihin ang problema niya, naiinis siya kapag tinatanong namin siya."

"Hindi ko na alam kung bakit siya nagkaganun. Nasasaktan ako ng sobra pag iniisip kong wala na siyang pakealam sakin."

"Mahal ka niya sobra kaya nga siya nagkakaganun eh."

"Eh bakit kaya niya kong tiisin Kath?"

"Hindi naman sa tinitiis ka niya, matthew. Nasaktan lang talaga siya noon ng sobra kaya siguro nagkaganun siya ngayon."

"Kaya ba ako ang sinasaktan niya ngayon?"

"Hindi ka niya sinasaktan, mahal na mahal ka niya. Pero wag mo sanang sukuan yung bestfriend namin."

"Hinding hindi ko siya susukuan, Kath. Susuko lang ako sakanya, pag siya na mismo ang nagsabi sakin."

"May paraan akong alam, para masabi niya kung anong problema niya."

"Haaah? Ano yun?"

"Basta akong bahala. Mamayang 9pm, tetext kita pati yung address. Ok? Basta magtiwala ka lang Matthew."

"Salamat Kath."

Hayyy sana mag work tong naiisip ko. Kasi yun lang ang alam kong paraan, at kilala ko si Sam.

SAM's POV

"Hm? Sorry Kath pero gusto ko sanang umuwi ng Tarlac ngayon eh. You know it's a long weekend, and I'm gonna spend it to my family!" Inaaya kasi ako ni Kath eh.

"So hindi mo kaya na mag spend ng kahit ngayon gabi lang samin, hindi mo kami family? Kami ang palagi mong kasama dito.." Siya

"Kath kasi minsan lang naman kami magkasama ng family ko eh. Tayo araw araw naman. Kaya Kath ngayong weekend lang sana. Sorry ha."

"Ahh, ge." sabi niya at bumalik siya sa kwarto niya, halatang naiinis siya.

Almost one week ko ng hindi pinapansin si Gian at ganun na din siya sakin. Siguro napagod na siyang suyuin ako, kasi nagmumukhang tanga na siya sa harapan ng mga tao.

Ang daming posts sa facebook page ng school. Inis na inis sila sakin, and I don't care. Mainis sila sakin. I really don't care.

From: Mama <3

Anak, bukas ka nalang pumunta... Umalis kami nila papa mo at jelly sorry anak, kasi dun kami mkikitulog sa lolo mo... Bukas nlng ha. Lab u nak.

Ang jeje ng mama ko! Hahaha.

To: Mama <3

Ok ma. Ang jeje mo! Hahaha. See u tom, mwa!

Aalis na sana si Kath kasi gabi na din, napakalandi talaga neto. Ang suot! Napakaigsi. Hahaha. Sila ni Marie, pero nandito si Kenneth. Yung boyfriend ni Marie.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon