Ganun ganun lang naka 3 months na kami dito sa SG. Masaya lang akong kasama sila palagi. Ang bait bait nila sakin.
"Samantha, ang taba mo na! I'm so happy for you. You've changed a lot. Bagay na bagay sayo!" Sabi ni Mocky sakin.
"Talaga?"
"Naniwala ka na naman."
"Tse!"
"Joke lang syempre totoo, ganda mo at nagkalaman ka na din. Yieeeeee! Happy ka ba?"
"Oo naman! Salamat ah, sino bang hindi tataba neto eh palagi tayong kumakaen! Hahahaha."
Bigla akong niyakap ni Mocky. At pinipisil pisil niya 'yung braso ko.
Tinanggal ko 'yung pagkakayakap at hinampas ko siya. Pano tinutukso lang ako!
"Kapal ng mukha mo!"
"Hahaha baboy!"
"Ugh!"
"From butiki to baboy. Galing no?"
"Bahala ka nga dyan!"
Iniwan ko si Mocky sa kwarto at lumabas ako. Nakita ko si Kevin nakatayo, siguro hinihintay niya si ate Patty. Umuuwi kasi si ate Patty 'pag lunch break niya.
"Uy dags, nandyan ka lang pala."
"Wala, kita mong nakatayo ako dito eh."
"Sus! Hahaha. Uy totoo ba 'yung sinabi ni Mocky, tumaba na daw ako?"
Niyakap niya din ako. Grabe, kailangan ba talagang yakapin para lang makita kung tumaba na talaga? Natatawa ko. Hahahahhaa
"Oo nagkalaman ka na. Wow Mads ah, level up. Im so proud of you."
"Hihi, thanks!"
Nandiyan na pala si ate Patty, 'di namin napansin. Nag hi ako sakanya, pero mukhang pagod siya kaya pumasok na ulit ako ng kwarto. Nanunuod kami ni Mocky ng movie. Naiihi ako ang lamig kasi sa kwarto msyadong malakas 'yung aircon. Lumabas muna ako sandali.
Nakita kong nag uusap si Kevin at ate Patty. Mukhang seryoso 'yung pinag uusapan nila kasi halata sa mga mukha nila. Hindi ko mapigilan, papakinggan ko.
"I hate the way she is very close to you." Sabi ni ate Patty.
Hindi nagsalita si Kevin, sino kaya 'yun? Hmm.
"Ganun ba kayo magtreat 'pag wala ako?"
"What's wrong with that? Walang malisya 'yun Patrice naman."
"Really? Bakit sa lahat ng friends mo sakanya ka lang ganyan?"
"Kasi iba siya. She's fragile. Wala siyang tiwala sa sarili niya simula nung nawala sakanya si Gian."
"Ano, ikaw 'yung pumapalit sa Gian niya?"
"Hindi syempre magkaiba kami nun... Pero you know, since nung nalaman ko na ganun siyang kahina. Hindi ko na kaya na iwan siya. Kasi sa tingin ko hindi niya kakayanin."
"Pero hindi ka niya boyfriend, hindi ka niya tatay, nor brother! May buhay siyang sarili hindi pwedeng ganyan siya sayo."
Aray ko. Ako na pala 'yung pinag uusapan nila. Parang sumakit 'yung dibdib ko bigla, ayoko nang pakinggan. I heard so much. Ang sakit pala 'pag ikaw 'yung pinag uusapan no? Akala ko, totoo 'yung pinapakita nila sakin. Pero, ang sakit na sa mismong bibig pa nila nanggaling. Gusto kong maiyak.
Pumasok ako ng kwarto at tinanong ako ni Mocky. Haay ang hirap naman ng may kasama sa kwarto wala akong privacy. T________T
"Sam, nood na tayo! Pinause ko pa ng napakatagal e tas hihiga ka lang diyan?! may problema ba?"