7

76 4 0
                                    

MATTHEW GIAN's POV

"Oh bakit ka nagkaganyan ma?" Tanong ko sakanya. Kasi parang nagbago yung reaksyon ng mukha niya.

"Wala lang." Pinipilit niyang ngumiti.

"Ma, di ba nag-away na tayo dati ng dahil sa dishonest. Sinasabi mo ok ka lang everytime na tinatanong kita pero hindi pala talaga. Ngayon I'm asking you, bakit ka nagkakaganyan? Is there any problem?"

Tumahimik siya at yumuko. Nilagay yung mga kamay sa buhok at kumunot yung noo.

"Hm. Ma, bakit kayo nagkaroon ng car accident?" Tanong niya na halatang curious siya.

*flashback*

"Matthew naman! Ilang beses ko ba sasabihin sayong me and Mel are just friends?! Bakit ba ang kulit kulit mo at ayaw mong maniwala?!" Sigaw sakin ni Natalie habang nag ddrive ako, sinundo ko kasi siya from school at matagal na din kaming nag aaway dahil sa lalaking yun.

"Kasi Natalie, I love you. Mahal kita. Boyfriend mo ko Natalie, at ayokong makikita kang may kasamang ibang lalaki na mas sweet pa kayong tingnan kesa satin."

"Sigurado kang mahal mo ko?! I love you too, Matthew! Pero bakit hindi ko maramdaman?! Simpleng efforts di mo magawa! Kung wala pang nagsabi sayo na kasama ko si Mel hindi mo ko susunduin, pag monthsary natin kinakalimutan mo and worst, nung nag anniversary tayo mas inuna mo pa yung friends mo! Bakit ka ganyan Matthew, do you think you love me sa mga ginagawa mo?!" And she starts crying.

"Efforts?! Gusto mo mag effort ako sayo? Natalie hindi pa ba sapat yung mga ginagawa ko?"

"MATTHEW naman! Sawang sawa na 'ko! Paulit ulit tayo! 1 year and 6 months na tayong ganito! Ni isang bulaklak hindi mo'ko mabigyan! I'm not asking for that pero, naiinggit nako sa friends ko, ang sweet at ang effort ng boyfriends nila pero ako yung boyfriend ko, ang tamad tamad puro barkada ang iniisip, mahal nga ako pero bakit ganto! Hindi pa sapat? Matthew you know what, I don't think na makakaya ko pang makasama ka kung ganyan ka."

"Are you breaking up with me?"

"Look Matthew. Mel will do everything for me---"

"TANGINA EH DI INAMIN MO DIN! Magsama kayo! Maglandian pa kayo!"

"Shit, tangina mo din! Pero hindi ako nakikipaglandian sakanya!"

"Hindi ka nakikipaglandian? Natalie, anong tawag dun sa alam mo naman palang mahal ka ng tao kasi gagawin niya lahat para sayo pero dikit ka pa din ng dikit?! Ginagago mo ba ko?!"

"I love you Matthew pero ang immature mo! Hindi ko kaya! Bahala ka sa buhay mo! Nagtatanong ka sakin if i am breaking up with you?! YES MATTHEW I AM BREAKING UP WITH YOU!"

Nagmadali ako sa pag-andar ng kotse kasi ang sakit.

"Ibaba mo ko, kung magpapakamatay ka wag mo kong idamay!" Sabi niya sakin.

"Ganyan ka bang katigas Natalie?!"

"Anong ganto kong katigas?! Ikaw Matthew ganyan ka bang ka manhid?! I HATE YOU IBABA MO KO! At pagnakababa ako sa kotse na 'to, WE'RE OVER!"

Tumulo yung luha sa mga mata ko at pinunasan ko ito.

"MATTHEW MAY MATANDANG TUMATAWID! TINGNAN MO NAMAN YUNG DINADAANAN MO!!!"

*BLAAAAAAAAAAAG*

"Anak, are you alright?" Si mommy.

"Anong nangyari? Bakit ako nasa ospital? Nasan si Natalie?" Bumangon ako at hinanap siya.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon