Sunday ngayon. Yes! Makakapag pahinga na 'ko. Pagod na pagod ako buong linggo eh.
Bumaba na ko ng hagdan habang nagtotooth brush. Pansin ko kasi, hindi nag iingay yung dalawang babae sa baba. Eh alam ko maaga sila magising lagi at palaging nag eexcercise sa baba, mga nagsisigawan. Bat ngayon hindi? Na curious ako, kaya bumaba ako.
O______O
"G-g-g-gian.. Anong ginagawa mo dito?"
Nakaupo siya sa dining table at si Kath at Marie naman kakwentuhan si Gian.
"Ay tapos alam mo ba yan, napaka baboy niyang si Samantha!" Sabi pa ni Kath. Si Gian naman tumatawa lang.
"Walangya ka, siniraan mo naman ako kay Gian. Hahaha."
"As if naniniwala yung Gian mo."
"Good morning babe. :)" Lumapit siya sakin at kiniss yung noo ko. Omg umagang umaga eto bubungad sayo! Shet.
Tapos yung itsura ko ngayon, bagong gising na bagong gising. Buti nga nakapag toothbrush pa ko.
"Good morning din babe. What brings you here so early?" Tanong ko sakanya.
"Babe, maligo ka na."
"San naman tayo pupunta? Rest day ngayon eh. Sarap mamahinga."
"This will take an hour babe."
Oh my god. Baka inaaya niya kong mag simba? Nakakahiya naman. Ako pa naman yung babae. Tapos ako pa yung ganito. Baka ma turn off tong babe ko. T____T
"A-a-ayyy! Oo naman babe. Dyusko akala ko Saturday ngayon. Sunday pala. Wait lang talaga babe. Wait mo ko 10 minutes!"
"No wag kang magmadali. Maaga pa naman at malapit lang naman yung church. Just take your time."
"Ok, thank you."
"Kayo Kath at Marie, magbihis na kayo." Sabi ni Gian.
"Eh Matthew kasi may kanya kanya kaming lakad pag Sunday. :)" Sabi ni Marie.
"Oo nga, next time nalang pag kasama na si Josh." Sabi ni Kath
"Hahahaha! Sige isasama ko siya next time. Kaso Kath, may girlfriend yun eh."
"What?! Totoo?! :( Bakit wala sa ig niya?"
"Ay ewan ko ba dun. Loko kasi yun eh!"
"Haha. Sige."
Nadidinig ko silang nag uusap. Close close agad sila. Natapos na ko at nagbibihis nako. Biglang pumasok si Kath sa kwarto habang naka bra at panty palang ako.
"Wahhhhhh!!!! Kath naman!"
"Hoy pokpok ka, hindi ka nagsasarado ng pinto!"
"Nakalimutan ko eh."
"Lul. Alam mo ikaw, halatang halata ka kanina. Sinungaling ka! Hahaha."
"Hoooy bakit naman Kath?!"
"Sinabi na namin ni Marie na hindi talaga tayo nagsisimba every Sunday. Tapos ikaw todo palusot ka pa!"
"Omg! Pakshet naman to eh. Nakakahiya, di niyo manlang sinabi eh de nagmukha akong tanga sakanya!"
"Ok lang yun. Swerte mo gago! Bait ng jowa mo. Hindi ko akalaing ganun pala si Matthew. Dabest siya!"
"Syempre dabest ako! Haha."