34

40 4 0
                                    

SAMANTHA JOIE's POV

"Hello ma! Pa!"

O________O

"Samantha?" Sabay nilang sinabi.

"Yes, ako pa naman 'to. Bakit ganyan mga reaksyon niyo?"

"Ang akala kasi namin next month ka pa uuwi eh. Hindi ka man lang nagsabi para nasundo ka namin." Sabi ni papa.

"Atsaka nag iba ang itsura mo, nak. Gumanda kang lalo. Manang mana sakin."

"Syempre naman ma, mag aanak ba kayo ng pangit? Hahahahaha!"

Niyakap ko sila. Alam kong masaya sila dahil alam at ramdam nilang masaya ako. At nakakatawa na ulit ako sa harap nila ng masayang masaya.

"Bagay sayo 'yung katawan mo at 'yang buhok mo, nak. Parang ibang tao na tuloy ang kaharap ko ngayon." Sabi pa ni mama

"Para na kayong may kaharap na artista? Hahahahaha."

"Mas maganda pa sa artista!" Sabi ni papa.

"Ugh, i love you papa, mama!"

"Mahal ka din namin anak." Sabi nila. Sweet no? Namiss ko 'to. Ganito kasi kami dati.

"Ma, may mga pasalubong ako sainyo. Pati kay Jelly nasan siya?"

"Nasa school eh."

"Ako nalang ang susundo sakanya!"

"Sige anak."

Papunta na sana ako sa labas nang biglang hinawakan ako ni mama at niyakap.

"Masaya ako at masaya ka na ulit." Haay, kahit 'di ko pa sinasabing masayang masaya ako dahil kasama ko sila alam na alam na agad niya. Mom knows best. <3

"Nako, 'wag tayo magdradrama ah baka pumanget ka ma hahahaha. Joke! Mwa, sige sunduin ko na si Jelly." Tumawa siya and she nodded.

Nung nakarating na 'ko sa school ni Jelly hindi pa nila labasan kaya hinihintay ko siya sa labas. Nakaupo lang ako sa may bench dun.

"JELLY!" Tinawag ko si Jelly, lumapit naman siya sakin. Nakita kong nirerecognize niya ako. Tapos sumigaw siya.

"Ate Sam?!!!!!" Um-oo ako at niyakap niya ko bigla bigla nang mahigpit na mahigpit. Kinarga ko siya.

"I missed you!" Sabi ko sakanya

"Ate, where have you been? Hindi mo ko binibisita every month. Dati naman every month."

"Sorry, may ginawa lang si ate. But don't be sad. I'm back, and with you na baby. Baba na kita ha big girl ka na!"

"Ate, you are so beautiful and sexy! I love your hair your everything ate. I want to be you!!!" Sabi ni Jelly tapos hinahawak-hawakan pa 'yung mukha at buhok ko. Hihihi ang cute!

"Thank you baby! Awww you're beautiful too. And you will be more beautiful than me Jelly. I love you!"

"I love you ate!" Hinug niya ulit ako. Ang sweet!

"Uwian niyo na ba Jelly?"

"Hindi pa ate. Recess pa lang po."

"Ay ganon ba, balikan nalng kita 'pag uwian mo na ha. Balik muna ko sa bahay. Be good ha."

"Sige ate. Bye!"

Bumalik na siya ng room nila at kumaen. Umupo ako saglit inayos ko 'yung dress ko tumaas kasi eh. Amp.

"Samantha?" May guy na tumawag sakin.

"Yes?" Sagot ko sa kanya na walang reaksyon 'yung mukha ko. Si Luke pala....

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon