10

68 4 0
                                    

LUKE's POV

Nandito na kami ngayon sa resort kung saan gaganapin ang birthday ni Audrey, barkada namin. Hindi naman 'to private resort ang gusto lang namin may matutulugan kaming maayos.

"Audrey! Happy birthday ha!" Bati ko sakanya.

"Salamat! Huy Luke nasan na ba sila Sam?"

"Bakit sakin mo tinatanong? Di ko alam eh."

"Ah kala ko kasi kayo na eh. Mga posts niya kasi sa twitter inlove eh. Hihi. Pero sa facebook naman hindi siya nagpopost ng picture."

"May boyfriend na yun, tsaka sa instagram lang ata nagpopost yun eh. Ewan ko, sige puntahan ko lang sila John dun ha."

"Bitter! Sige."

Bitter daw, sus. Hindi ah, may girlfriend nga ako eh si Aria. Hindi ko siya kasama ngayon eh, magkaaway kami. Napakatoyoin nung babaeng yun at nakakairita na. Sobrang bitter pa niya kay Samantha. Kaya pag nagpaalam lang ako dun, at pag nalaman niyang birthday ni Audrey hindi papayag yun at gera na naman.

Nakakasawa kaya yung ganun, sus. Pag ako nag sawa, bahala na siya. Hindi ko na siya hahabulin.

Dumating na pala sila Kath at Sam.

"Hooooy natulala ka na naman sa kagandahan ko!" Panggugulat ni Sam.

Akala ko kasama na naman niya yung perfect boyfriend niya! Sus kala ko hindi na maghihiwalay yun, napakadalas kong makitang magkasama.

"Ge!" Sabi ko sakanya.

Tumawa naman siya at pinuntahan na si Audrey. Sinundan ko siya, bakit gusto ko siyang makita? Bakit gusto ko siyang kausapin?

"Tara na, magsimula na tayong uminom!" Sabi ni Kyle.

"Lasinggera! Gago! Kaen muna tayo." Sabi ni Audrey.

Shet yung mga barkada ko mga walangya yan, yum bang pangkalye ang ugali. Ampota!

Kumain na kami at nagkwentuhan, at nadaan na sa inom. Ang daming kwento eh.

"Pero teka lang talaga, sobrang nakakaproud eh. May kaibigan akong parang artista sa ganda eh." Sabi ni Jay

"Hayup sa ganda!" Kyle

"Ay salamat guys." Sabi naman ni Kath hahaha.

"Hindi ikaw gago! Si Samantha, ang ganda ganda niya lalo ngayon. Blooming!" Kyle

"Wala eh, ganyan talaga 'pag inlove." Kath

Ngumiti si Samantha na parang kinikig siya, tumingin naman sila sakin.

"Nagkabalikan na kayo? :)" Sabay sabay nilang tanong.

"Hoooooy hindi ah." Sagot ni Sam.

"A-a-ahhh... O-o-oo h-hindi." Sabi ko din.

"Bat ba ako! Tumigil nga kayo, birthday ni Audrey." Sabi ni Sam.

"Kasi ang lihim mo masyado samin! Ikaw nasa hot seat ngayon." Sabi naman ni Audrey.

"Putangina niyo! Dati walang nililihim sainyo nagrereklamo kayo kesyo eka lahat nalang. Ngayong malihim yung tao may reklamo pa din. ANONG KLASENG BUHAY BA TO" sabi ni Kath, puta! Nagtawanan kami dun, kahit totoo naman.

"Easy Kath. Syempre magkakaibigan tayo dito. Hahahaha." Sabi ni Mike.

"Anong point? Hahahaha."

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon