SAMANTHA JOIE's POV
Sabi kasi ni Kevin nasa restaurant daw ni Natalie sila Gian. 2 weeks after na ang nakalipas, hindi ko pa din kaya. Pilit kong kinakaya.
"Mads, sabihin mo lahat kay Matthew ha. Ipakita mo lahat ng proofs mo. Padinig mo voice mails niya. Pakita mo videos niyo. Lahat. Ok? As in lahat? Hoy Samantha! Nakikinig ka ba?"
"Oo! Opo. Oo gagawin ko! At oo nakikinig ako. Ang oa mo lang talaga."
"Basta wag kang susuko hanggang hindi niya naaalala ang lahat."
"Oo na dags. Kulet."
Papasok na kami at nakita ko sa labas palang ang sweet na nilang dalawa. Si Gian at Natalie. Parang nadudurog na naman yung puso ko. Bakit ba ganito? Ayoko na yatang tumuloy.
"Oh bakit ka na naman humihinto diyan?" Sabi ni Kevin at hinihila ako papasok.
Oo close na kami ni Kevin at sobrang kulet niya! Guy best friend ko na nga siya eh. Sobrang bait niya, tinutulungan niya ko kay Gian at tinutulungan niya kong mapasaya kahit ang bully. Amp
"Ayoko na. Masaya na naman siya eh."
"Sus, ganun lang? Susuko ka na agad?"
"....."
"Hahayaan mong hindi maging masaya ng totoo si Matthew at ikaw? Ganyan ka nalang? Eh kung alam mo namang masaya talaga kayo ni Matthew noon at nagmamahalan kayo eh."
"Oo na! Dami mo pong alam."
"Kasi graduate na ko mads at nag aral nang mabuti. Ikaw, hindi! Mag enroll ka nga bukas! Binigyan ka ng nanay mo pang enroll, tapos babalewalain mo lang."
"Ayoko nga! Oo na tara na pumasok na tayo sa loob. Basta oorder lang muna tayong dalawa ha!"
"Oo na! Libre mo ha. Ubos na pera ko eh."
"Ano ka ba namang klaseng kaibigan?! Babae ako! Tapos ako pagbabayadin mo? Sobra ka dags ha."
"Hooooy hindi naman kita girlfriend no! Kaya tumigil ka. Ako na nanlibre sayo last time sineswerte ka!"
"Gay ka talaga! Ayoko na. Uuwi nalang ako."
"Tang ina mga palusot mo! Gago oo na tara na. Ililibre na po kita mads ha. Alam mo ibang klase ka e, ikaw na tong tinutulungan ikaw pa dapat pagsilbihan. Dapat ako eh."
"Kasi epic fails mga tinuturo mo sakin! Lam mo ba yun?! Pag ito fail ha, kala mo dags! Wag ka papakita sakin! Seryoso ko."
"Aya! Ano ba mads."
"Ano deal? Uuwi nalang ako or papasok tayo? At pag fail ang plano mo, wag ka papakita sakin ha? Ano?!"
"Ang daya mo! Pero sige. Naniniwala naman ako na mas aangat pa din ang puso, kaysa sa isip. Mararamdaman naman niya yun eh."
Buti pa si Kevin, naniniwala siya dun. Haay. Kinakabahan talaga ako sa pagpasok namin eh.
Umorder na kami at nakita kong napatingin sakin si Natalie. Lumaki yung mata niya and I rolled my eyes.
Nakita kong napatingin sakin si Gian, innocently at tinitigan ko siya. Nakikipagtitigan sakin si Gian.
"Why are you here?" Tanong ni Natalie sakin nung nilapitan niya ko, parang nagtataka nga si Gian kasi nilapitan ako ni Natalie.
"Bakit masama na bang kumaen dito? Natatakot ka bang may sabihin ako sa boyfri--- oooppps. Not your boyfriend. My boyfriend pala." Sagot ko naman.
"You're not supposed to be here! Get out. You're not supposed to see Matthew."