Pagkadilat ko sa mga mata ko, puro ako sugat. Basag yung salamin ng kotse ni Gian.
Teka, si Gian! Pagtingin ko sakanya, nakayuko siya. Walang malay.
"GIAN!" Sumisigaw ako habang umiiyak.
"GIAN GUMISING KA NAMAN OH. GIAN NAMAN."
Tumingin ako at tiningnan si Natalie. Siya man, walang malay.
"Natalie. Gumising naman kayo. *sniffs* Sorry na."
Nakahawak yung kanang kamay ni Gian sa kaliwang kamay ko. At tumulo yung luha ko.
"Gian... Sorry na. Sorry na please. Hindi na kita aawayin. Hindi ko na ittry yung mga walang kwentang bagay. Hindi nako magseselos sainyo ni Natalie. I trust you naman eh. Gian. Please naman *sniffs* Gian! Gumising ka naman oh? Mahal ko. :'("
Ako ang may kasalanan ng lahat ng to eh. Kung hindi ako nag inarte, kung hindi ko inaway si Gian hindi mangyayari to eh.
Ang bobo mo, Samantha! Ang tanga tanga mo! Napahamak pa tuloy yung mahal mo! Tangina naman Samantha! Hindi ka nag iisip! :'(
Haay. Gian ko. Mahal ko. Gumising ka. T__________T
Nakita kong nag ring yung phone ko, at sinagot ko ito.
"Hello? Samantha? Bakit hindi sinasagot ni Gian calls ko? Nasan kayo?"
"*sniffs*"
"Teka, umiiyak ka ba? Samantha? Anong nangyari sainyo?"
"T-tita... Naaksidente po kami. *sniffs* wala pong malay si Gian. *sniffs*"
"Hah? Naku anak. Nasan kayo ngayon? Wag mong iiwan ang anak ko ija. Samahan mo siya. Ikaw ang magpapalakas sakanya."
"Opo tita..." Sinabi ko kay tita yung lugar.
May dumating ng ambulance. Kinuha na kami.
2 days later...
Nasa apartment ako. Nandito din sila mama papa, kuya, Jelly at mama ni Gian.
"Mama, nasan po si Gian? Kath, Marie. Hindi ba siya nagpunta dito?" Tanong ko agad sakanila.
Niyakap ako ni mama at mama ni Gian. At nagsalita si Kath.
"H-hindi pa siya nagigising bes eh. P-pero ok lang naman siya. Kaya wag mo siyang intindihin ha? Magpahinga ka lang."
"Hah?! Kailangan kong puntahan si Gian. Ako ang may kasalanan nito eh! Ako! Sana ako nalang yung nasa kalagayan ni Gian ngayon. Sana ako nalang!"
"Anak, wag mong sabihing ikaw ang may kasalanan. Aksidente ang nangyari." Sabi ng mama ni Gian. At alam kong nalulungkot siya.
"Walang may kasalanan sainyo anak." Sabi naman ni mama.
Umiiyak ako, kasi gustong gusto kong makita si Gian. Bakit hindi pa siya nagigising!
"Ok naman ako eh. Nagkasugat lang ako diba? Pwede ba? Please naman payagan niyo kong makita si Gian."
"Sige anak. Pupunta tayo sakanya."
Nung magpunta kaming ospital, nandun si Natalie. Nakaupo at binabantayan si Gian.
Ako dapat yung nandun eh, bakit siya? Trabaho ko dapat yun eh. Haay. Pero pinangako ko kay Gian na hindi nako magseselos kay Natalie.
Lumapit ako kay Gian habang naka dextrose siya.
Tumulo yung luha ko, at kinakausap ko siya.
"Gian. Walang iwanan di ba? Kaya mo diba? Magiging ok ka di ba? Ako yung lakas mo di ba? Eto na ko. Gian. I love you. Pinapangako ko. Hinding hindi na kita aawayin sa mga walang kakwenta kwentang bagay. Mahal ko."