From: Samantha
Bakit matutulog ka na agad?
Nagtext siya after 20 mins. Gising pa pala siya. O baka nagising lang. Tinawagan ko ulit siya.
Me: Hi
Sam: Hi Gian.
M: Joie
S: Uhhh. I love your sleepy voice. Sounds sexy
M: How about me?
S: It's a different story.
We both laugh. Damn I love her laughs.
"HOY MATTHEW LUMABAS KA NGA DYAN! Ikaw nag aya nito eh." Sigaw ni Josh mula sa labas. Actually hindi talaga ako nagpapakalasing, kasi ok na ko. Hindi ko na kailangan pang mag pakalasing. Kausap ko na siya. <3
"Saglit lang!" Sigaw ko naman.
S: Hinahanap ka na nila?
M: Okay lang. Hindi ko naman ipagpapalit ang kausap ko sa mga yun.
S: Totoo? Parang hindi naman eh.
M: Bakit naman?
S: Kasi you're with them.
M: You want me to be with you?
M: I mean, you want me to go to you now
S: If you want to.
M: Um, 9 palang naman eh. Kala ko kanina nakatulog ka na, naisip ko ang aga naman.
S: Nag empty bat kasi ako, Gian. Sorry.
M: Okay lang. Kumaen ka na ba Joie?
S: Oo pero nakakainis nagugutom pa din ako. Haha.
M: kailangan mo na daw kasing magpataba! Payatot ka na e.
S: Yabang mo ah. Ayoko. Badtrip nga nagcrave pa ko sa green tea frappe atsaka mcdo fries! Huhuhu. Gabi gabi nalang ganito ako.
M: Dami mo kasi yatang iniisip puro naman pagkain eh. Hahaha. Isipin mo naman ako minsan.
S: I'm thinking of you.
Biglang namatay yung phone call namin, hindi ko nalang muna siya tinawagan, maglolowbat na kasi ako wala naman silang charger.
Lumabas na muna ako at tumagay.
"Oy ang dami mong pass!"
"Sorry na. Tatagayin ko na lahat, ilan ba?" Sabi ko.
"3 shots ng jack daniels at 2 cups ng redhorse!"
"Hoy ang dami naman!"
"Matagal ka kasing nakipaglandian kung sino man kausap mo." Sabi ni Leon
Tumawa ako, "kala ko ba may sasabihin ka at may problema ka? Mukhang wala naman eh! Ang ganda ng mga ngiti mo eh." Sabi pa ni Josh
"Haha nevermind nalang yun. Teka lang nga, uuwi muna ko samin kukunin ko yung charger ko. Maaga pa naman eh!" Sabi ko.
"Baka hindi ka bumalik? Iwan mo sasakyan mo!" Carl
"De mas magtatagal ako. Mahirap mag commute!"
"Sige na nga. Bilisan mo gago ka ah!"
"Oo na hahaha!! Mamimiss niyo agad ako eh. Gays."
"Ulol!" Sabi nila hahaahaha!
Naisip ko, bakit ba si Samantha lang yung nakalimutan ko? Sa lahat ng tao na kilala ko bakit kailangang yung pinakamamahal ko pa ang mawala sa memorya ko? Nagtataka din kami ng mga kaibigan ko. Bwiset