Parang napikon yata si Gian sakin kasi babagsak ako, pero hindi naman totally. Ang ibig sabihin ko nangangamba yung grade ko kay Ms. Asuncion.
Hindi ko din alam kung papayag ba siya na sumali o hindi. Haaay
Sinundo ako ni Gian ngayong umaga pero wala siyang dalang sasakyan. Hm?
"Hi mahal." Bati ko sakanya.
"Good morning ma. Tara na." Sabi niya at nagsimula kaming maglakad.
Sumakay kami tricycle at pagdating sa mrt station tinanong ko siya. Hindi kasi kami nagkikibuan eh, alam niyo yun. Ang awkward! Bakit ba? Hahahhaa.
"Mahal, ayos mag commute di ba?" Tanong ko sakanya.
"Oo naman ma. Ayos, ang saya. Lalo na kasama ko ang mahal ko."
"Naks."
Sumakay na kami sa mrt at sobrang siksikan. Nakayakap siya sakin kahit sobrang siksikan namin, alam niyo yung parang siya yung shield ko sa mga madaming tao, haaay. Sarap sa feeling, sana nga eh wag nang maubos yung tao dito. Ang bango bango nung kayakap ko at ang gwapo pa.
Kinikilig yung mga babae dito sa mrt, grabe kiring kiri sila. Hindi ba nila nakita, may niyayakap nga oh! May girlfriend nga eh. Bwiset hahahaha. Jk
Nakarating na kami sa school at syempre naglakad ng medyo malayo building namin eh, so medyo malayo ang lalakarin namin.
"Ayyyy for sure siya na ang Mr. University this year! Ugh napakagwapo."
"Oo nga eh, nakakainis nga ngayong 3rd year pa siya sumali kung kelang last 1 year nalang niya dito."
"Hindi kasi ata sumasali yan kahit nung 1st year. Ngayon lang talaga."
"Walang kalaban laban yung mga kalaban niya, baka mag back out lahat. Hahahaha."
Nadinig namin ni Gian sa mga nadaanan namin, daming tsismosang frogs. Feelers duh.
Teka! Si Gian? Sasali? wooooahh!
"Ma, totoo ba yun?! Sasali ka na? :D" Tanong ko.
Masaya ako kasi bukod sa na realize ko na dapat maging proud ako sa mahal ko, ay may dagdag grades yun sa lahat ng nangangailangan. Hindi nako insecure, he teaches me anyways. Heehehehe.
Ngumiti lang siya sakin at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Hahahaha! Ikaw talaga. Ang arte mo,"
"Ayoko kasing bumagsak ka! And I wanna make you proud."
"Yabang mo! Porket pasado kalang dun."
"Wala akong sinasabi. Hahahaha."
"Fine! Pero. Thank YOU TALAGA MAHAL KO!" Niyakap ko siya nang mahigpit in public. Yay! I loved it.
"Yiiieeee, ang sweet nila!"
"Let's go girls!"
Mga tao nga naman, may mga matutuwa. At meron din namang mga bitter. HAHAHAHA so funny
Pagkatapos nung klase, kakain na kami ni Gian. Teka, nasan yung wallet ko?! Nawawala yung wallet ko shet.
"Ito ba?" May pinakita si Gian, yung wallet ko.
"Yea! That's mine mahal. Salamat at nakuha mo, nandiyan pang bayad ko sa tuition fee ko hahahaha."
"Tingnan mo nga, kung hindi pa kong nakakuha niyan? Ma, mag iingat ka ok? Wag kang maging clumsy. Alright?"