56

23 0 0
                                    


1 year after...

Nakatayo ako sa tapat ng simbahan at ang ganda ganda. Perfect. Naimagine ko yung sarili ko naglalakad...

"Samantha!" Tawag ni Marie sakin. Lumapit ako at niyakap niya ko.

"Today is the day." Sabi ko at huminga ng malalim.

"Ok ka lang Samantha?" Tanong niya sakin.

"Yes. Thanks Marie."

Lahat sila nag-aalala sakin, kasi akala nila malungkot ako dahil mag isa lang ako. Pagkatapos akong iwan ni Matthew, si Tyler naman. But I'm okay. I'm really okay. Tama, hindi na sila nagparamdam, even Tyler. But I'm okay with that.

Tinawagan kami ni Kath at pinapunta niya saglit sa hotel room niya. Nagpunta kami ni Marie.

"Wow! Look at this bride, so lovely!" Sabi ko.

"Totoo? Thank youuuu Sam!!" Niyakap niya ko, ang lamig niya. Kinakabahan siguro siya.

"Ang ganda ganda mo Kath!" Sabi ni Marie.

"Thank you Mariee!!" Pagkatapos umupo muna si Marie.

"Anong feeling mo?" Tanong ko kay Kath.

"Kanina okay ako. Walang kaba, pero nung suot ko na tong wedding dress ko parang... Ugh basta. Kinabahan na ko." Sabi niya.

"Kinakabahan ka lang it's natural, pero okay lang yan. Isipin mo lang si Josh, at yung future niyo. You will get through this. Okay?" Sabi ko kay Kath at niyakap niya ulit ako.

Bumulong siya sakin habang nakayakap, "Ready ka na ba makita si Matty?"

Nagawa pa talagang magpatawa, "I love you, bes. Your wedding will be perfect." Sabi ko.

"I love you too, Samantha and thank you so much for being a great bestfriend. Anyways, ang ganda mo lalo!" Sabi niya sakin.

May pumapasok sa isip kong mga iniisip kong mangyayari. Handa na nga ba kong makita siya? Ano kayang una kong gagawin pag nakita siya, sasabihing mahal ko din siya at magbalikan na kami. Or no talking? Hahalikan ko agad siya, kasi sobrang namis ko siya. I want to feel him. His warm body, and everything about him. Damn, gusto kong huminto sa pag iisip. Ayokong mag isip.

Nasa church na kaming lahat.. What am I looking? It's Matthew. Blur lahat ng nakapaligid sakanya, tanging siya lang nakikita ko. Lahat ng iniisip ko kaninang gagawin ko 'pag nakita ko siya, nawala. My heart is beating so fast. Hanggang sa nagsalita siya. Damn, I wanna kiss him.

"Hi Samantha. Hi Marie." Sabi ni Matthew. Hindi ako makasagot.

"Si Holly nga pala, girlfriend ko canadian siya, pero sa new york kami nagkakilala and marunong siya magtagalog, hindi nga lang fluent hehehe." Sabi niya. Tyaka ko lang napansin na may kasama pala siya. Para kong nabingi. Napatingin ako sa left niya, may kasama nga talaga siya. What the hell is wrong with me? Bakit hindi ko nakita nung una palang na may kasama siya. I looked liked stupid.

"Hi, Samantha! Hi Marie!" Sabi nung girlfriend ni Matthew, she's blonde. And pretty. Nakita ko din kung paano tingnan ni Matthew yung girl, ganun siya tumingin sakin. Nakatitig lang siya kay Holly, at finefeel niya kung gaano siyang kaswerte kay Holly. Kasi ganun yung feeling ko dati. Yung parang *walang aagaw sa mahal ko look* ganun siya kung tumingin kay Holly.

Ouch. Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko, pero this time it hurts. Bakit ba ang sakit pa din? Kasi umasa akong pagbalik niya, ako pa din? Ugh. Damn it Samantha!

It's really over. We're really over. His feelings for me are really gone. He looks at me, and it's nothing special, parang normal na kaibigan nalang. No sparks at all, like he used to. He really moved on. Why not me also?

"Punta muna kami kay Josh, nice seeing you both by the way." sabi ni Matthew at nag smile si Marie.

Nung nakaalis na sila alam kong icocomfort ako ni Marie nang biglang may nakita siya.

"Heyy, Sam. Look who's here!! He make it today."

Napatingin ako at nandun si Tyler. Biglang gumaan yung pakiramdam ko, parang nawala yung lahat ng sakit. Parang gusto kong tumakbo at yakapin siya. Nakatingin siya sakin, at nung makalapit siya samin niyakap ko agad siya. Hindi ko alam na umiiyak pala ako.

"Tyler. I missed you so much!" Bulong ko sakanya habang nakayakap ako sakanya.

"Sam, are you okay?" Tinanggal ko yung pagkakayakap ko sakanya at nandun si Alyssa.

"Alyssa, I'm okay.. Thank you." Sagot ko. Magkasama ba sila ni Matthew?

"I missed you," sabi ni Alyssa sakin.

"Same." Sagot ko naman.

"Tyler, samahan mo naman ako puntahan ko sila kuya." Sabi ni Alyssa at nag nod naman si Tyler.

"Wait, um.. You two are???" Tanong ni Marie kila Tyler at Alyssa.

Ngumiti si Alyssa, "We're dating.." Sagot ni Aly.

"Okay.:)" tumingin ako kay Tyler at napayuko siya.

Niyakap ako ni Marie nung makaalis na sila. At nagpunta muna kami ng restroom.

"Heyyy, okay lang yan. You're very beautiful, Samantha." Sabi ni Marie.

"Is this my karma? Ang sakit kasi eh. I'm so alone. It's like hindi na nila ko kilala. Iba pala yung pakiramdam, pag alam mong minahal ka ng sobra and now it's gone kasi may iba na. Wala na sayo yung atensyon nila. I sounded like a little girl crying for her doll who's taken by other girl, I'm sorry Marie." Sabi ko sakanya habang umiiyak. Pinupunasan at inaayos naman niya ako.

"It's okay Samantha. Nasanay ka lang kasi na nasayo yung atensyon nila. Pero nakita ko kung pano ka tingnan ni Tyler. He's still into you." Sabi niya.

"But, Matthew.. he's so in love dun sa blonde girl. Marie, tell me tanga ba ko? Sobrang tanga ko ba na sinayang ko yung mga pagkakataon na ako yung gusto nila pero binalewala ko?"

"Samantha, hindi naman pwedeng palaging ikaw. Isipin mo may ibang tao pa din, one is enough."

"Marie kasi, I love Matthew.. I really love him, but I don't wanna lose him and Tyler. Pero ngayon, parehas silang wala."

"Isa nalang ang magagawa mo dyan Sam... Move on.. Look at you, ang ganda ganda mo always and now kahit umiiyak ka still beautiful." Sabi niya,

"Thank you so much Marie. I know I'm better than this.. Sige mauna ka na, susunod nalang ako."

"Sure?" Tanong niya nag nod ako. Umalis na siya.

Naghilamos ako, tinanggal ko na yung make up ko at inayos ko yung buhok ko. Nakita ko si blonde girlfriend ni Matthew pumasok sa restroom.

"Hi," sabi niya.

Hindi ko siya pinansin, "You're Samantha, right?" Sabi pa niya, nag nod lang ako at nag hihilamos pa din ako.

"Are you okay?" Tanong niya. Ugh, iniinis niya ba ko? If I know tuwang tuwa siguro siya na nagkakaganito ako. Nagmamabait.

"*sigh* I'M NOT. And you don't care, okay?" Sabi ko at lumabas na ko.

"Wait.." Pag pigil niya. At inabutan niya ko ng tissue.. Mukha namang hindi plastik.. :( She's really nice, kaya siguro nagustuhan siya ni Matthew.

"I'm sorry, but thanks for this." Sabi ko.

"It's okay, hope you'll be okay. You're Matthew's friend, right?" Tanong niya.

"Yes,"

"Can we be friends too?" Tanong ng american girl ni Matthew.

Ngumiti nalang ako at umalis na. Dumerecho na ko sa church. At nag sstart na yung wedding.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon