SAMANTHA JOIE's POV
Hindi kami magkasama ni Gian ngayon! -_____- He is busy kasi eh. I understand naman yun. Anyway pinapag handle na din kasi siya ng mommy niya sa business nila eh.
Medyo sad tuloy ako, kasi valentines bukas tapos wala siya. T______T
Nandito ko sa sala ngayon, gabi na kasi nanunuod kami nila Kath at Marie. Si Kath, I don't think she's alright. Para kasing hindi.
Tinwagan ako ni Gian, awwh :')
Gian: Hello mahal!
Me: I super miss you mahal ko! (My voice sounds sad)
Gian: Awh don't be sad mahal. I so miss you more!
Me: Pero ang hirap ma eh. Nasanay ako na nandito ka palagi huhu.
Gian: Malapit na naman akong umuwi. Hug baby Gian nalang.
Me: Im hugging him right now anyway
Gian: Ahh, I can feel it mahal. Mwah!
Me: Sige mahal baka may gagawin pa kayo diyan.
Gian: I just checked you mahal. Sige, call ka pag may problema ok?
Me: Ok po. I love you mahal.
Gian: I love you Mahal kong Joie. Mwa!
I ended the call.
Biglang nagsalita si Kath, "nag SOP pa yata kayo."
"Hah? Anong SOP?"
"Wari ka pa! Nakipag ganun ka din naman sa ibang lalaki mo dati."
"Hoy gago ano yun!"
"Sex on phone!"
"Hoy tangina mo ba! Ganyan lang kami ka sweet! Pati yuck Kath, baka ikaaaw. Never pa 'kong nakipag ganun no!"
"Huuuuu!"
Bumabalik na si Kath sa dating siya. Sa pagiging bully. Pero ok lang. I love her the way she is. Namiss ko nga yung Kath na bully eh. Hindi ako sanay kapag hindi siya ganyan.
Niyaya ko silang lumabas, punta lang sa 7/11 para bumili ng chichirya tapos kumaen kami sa labas ng apartment kahit madilim na. Mas masaya nga e, nagkwentuhan din kami. Namiss namin 'to. Ang tagal naming hindi nagkabonding na tatlo.
Nakakatawa nga kaming tatlo eh. Magkakasama lang kami sa iisang bubong pero ang dalang naming magkasama or what. Hahahaha.
"Eh kamusta na ba kayo ni Josh?" Tanong ni Marie out of the blue kay kath.
"Girls. Walang kami ni Josh."
"Eh ano yung 3 months na palagi siyang nandito. Ginagaya na niya si Matthew?" Sabi ni Marie
"Hindi ko din alam. We all don't know, kung anong tumatakbo sa isipan niya. Iniwan niya 'kong bigla nung dumating si Jane. And that's enough reason para hindi na 'ko umasa pa."
Nakikita ko yung tapang sa mga mata niya. She's really in pain pero nilalabanan niya.
"Kath Im glad you did." Sabi ko naman.
"Hanggang kelan ko kaya 'to kakayanin?" Sabi niya at umiyak.
Hindi na niya napigilan, at lumabas ang tunay na nararamdaman niya.
Niyakap namin siyang dalawa. Umiiyak ang bestfriend namin at nasasaktan kaming dalawa para sakanya.
Hindi naman namin siya masisisi kung bakit siya nagkakaganto. She really loves Josh, and sa nakikita ko nung magkasama sila masaya sila. Sobra. Then suddenly, Jane came back. Na 3 years na naging girlfriend ni Josh. One of my fears, ang dumating si Natalie, Gian's ex girlfriend. Though, almost 3 years na silang break alam kong minahal ni Gian si Natalie ng sobra at nasaktan siya ng sobra kay Natalie.
Kaya 'pag bumalik siya, alam kong babalik din yung sakit na naramdaman ni Gian kasama na dun yung pagmamahal.
Haay ano ba 'tong naiisip ko! Mahal ako ni Gian ng sobra, kaya siguro oo babalik yung sakit na naramdaman niya kay Natalie pero yung pag-ibig siguro, malabo na.
12:43 na, still nagkkwentuhan pa din kami. Reminiscing and whatsoever.
"Nagtext si Josh." Sabi ni Kath na ikinagulat namin ni Marie. Halata sakanya ang pagkasabik na basahin ang laman ng message ni Josh.
"Talaga?! Anong sabi?" Sabay naming nasabi ni Marie.
"'Kath. I'm sorry kung bigla nalang akong naglaho na parang bula.' Yan yung sabi niya."
"Yun lang?! Di man lang sinabi kung bakit ganun?" Tanong ko.
"Sige rereplyan ko. Sasabihin ko, bakit bigla kang nawala?"
"Sige."
After mga 8 minutes siguro, nagreply na si Josh.
"Eto nagreply na! 'Hindi naman kasi-----talaga kita gusto.-----" Hindi na nabasa ni Kath yung reply at binasa niya sa sarili niya lang ng umiiyak.
Hindi naman kasi talaga kita gusto. Si jane lang ang gusto ko, mahal ko wala ng iba pa. Bumalik siya kasi mahal niya ko. Ginawa lang kitang panakip butas. Ngayong bumalik na siya, tigilan mo na ko. Masaya na kami. Ok?!
Binasa namin, grabe bakit ganun? Parang hindi naman lalaki yung nagtext nito. Hindi ganito ang pagkakakilala kong Josh. He's honest but in a way na hindi siya makakasakit ng damdamin ng tao.
"Kath, wag kang maniwala thru text na yan. Mukhang hindi siya yung nagtext oh pambabae." Sabi ko
"Pinapaiyak mo lang si Kath eh. Alam mo ba, sa ginagawa mo. Pinapaasa mo siya. Pinapataas mo yung expectations niya. Sam you're lucky kasi you have the cheeziest, sweetest, hottest and perfect boyfriend ever! Pero hindi lahat ng lalaki ganyan Sam. So don't give her so much to expect na ganun din si Josh sakanya. Hindi porket si Matthew at Josh ay magkaibigan parehas na sila sa babaeng mahal nila. Nasasabi mo yung mga yan, kasi hindi mo nararanasan kay Matthew yan. May boyfriend kang perfect eh!" Sabi ni Marie na ikinagulat naming dalawa ni Kath. Napahinto si Kath sa pag-iyak at napatingin lang siya kay Marie.
"M-marie, may problema ka ba? S-sakin? S-sa boyfriend ko? A-at s-sa r-relasyon namin?" Tanong ko na parang sobrang nagtataka bakit nasabi niya sakin yun.
"Wala!" Pumasok siya sa loob at malakas ang pagsarado niya sa pinto niya sa kwarto niya.
Ano bang problema? -_____-
"Kath, a-anong problema?" Tanong ko kay Kath.
"Hindi ko alam eh." Pumasok na din si Kath at umakyat na sa kwarto niya. Bakit hindi nila ko pinapansin? Bakit sila nagalit sakin? Is it because I have the sweetest boyfriend ever? Seriously my friends are insecure? Oh why? T______T
Pumasok na din ako at pumunta sa kwarto ko. Nagtext na si Gian na matutulog na siya, pagod daw kasi siya. Kaya I didn't bother him na. I'm just wondering they're my bestfriends and I thought they're proud of me and they're happy for me pero lumabas na I'm giving them disappointments because I always want them to expect even though its really impossible to happen.
Masama na bang palakasin ang loob ng kaibigan ko? Can't stop crying. Hindi ko kaya ng ganito kami. Hindi talaga.
Naisip ko tuloy parang ang sama kong kaibigan.
Hanggang mag umaga hindi nila ko pinapansing dalawa like, I'm invisible sa paningin nila. Can you not!
Tapos bad vibes pa kasi hindi man lang ako binati ni Gian. Valentines kaya ngayon, I mean bakit ngayon pa? I want to feel special tapos ngayon pa siya nawawala. Kung kailang kailangang kailangan ko siya, I need a friend to lean on tapos wala pa siya.
I understand na busy siya pero sobrang hirap bang magtext kahit for 10 seconds kaya niyang gawin yun. T_____T
This is so saaaaad. They are mad at me pa. Sina Kath at Marie yun. Naging masama ba 'kong kaibigan sa tingin niyo?
I'm about to cry. Bumalik nalang ako sa room ko at nahiga. Parang kahit umiyak ako ng umiyak walang makakarinig sakin. Aaminin ko nagiging matapang lang ko kapag nandito si Gian sa tabi ko and my bestfriends. Pero sa panahong pare parehas silang wala. Dito ko na yata hindi makakaya.
Giaaaaan please? Where are you! Pansinin mo yung calls and texts ko. Hindi ko na kaya. I feel so empty. I want to suicide. Chos!