SAMANTHA JOIE's POV
Bakit ba kasi walang pasok ngayon? Hindi tuloy kami magkikita ng mahal ko. Ang aga ko pa naman magising tapos hindi ko alam na wala palang pasok.
Mahal's calling.... (I changed Gian's name. Hihi.)
"Rise and shine mahal!" Gian
"Morning ma."
"Oh bakit matamlay ang boses ng mahal ko?"
"Kasi hindi tayo magkikita ngayon. Wala kasing pasok eh."
"Ayan. Ako lang ba ang dahilan kung bakit ka pumapasok? Pano na kapag hindi na ko nag aral pano ka na niyan?"
"Aya! Mahal baka maubusan ng tao sa school kung ganun kaya wag mong ggawin yun."
"Hahaha! Masyado mong pinapalaki ang ulo ko."
"Matagal nang malaki ulo mo ma."
"Ganun! Ang liit kaya neto!"
"Joke lang."
"Eh bakit malungkot ka pa din, kala ko napatawa na kita."
"Eh kasi nga hindi tayo magkikita ngayon eh."
"Sino bang nagsabi sayong hindi tayo magkikita ngayon?"
Binuksan niya yung pinto. May dalang flowers at pagkain! Omg omg omg. Lumapit siya sakin.
"Para sa napakagandang babaeng nasa harap ko ngayon. ^____^"
Niyakap ko agad siya. Napakaganda daw eh, kung makikita niyo yung itsura ko ngayon sobrang gulo ng buhok ko nag bun nalang ako.
Kumaen kami ng breakfast at bumaba naman si Kath at Marie dahil kakagising lang.
"Dyusko, umagang umaga happy couple ang makikita, NAPAKASAYA." Kath said with sarcasm.
"Haha. Kath, Marie kumaen na din kayo oh." Aya ni Gian.
"Ang bitter mo Kath! Lalo na samin." Sabi ko naman.
"PASENSYA! Ibigay niyo sakin si Josh mananahimik ako dito." Kath
"Kath, sa iba ka nalang. Wag kay Josh. Hehe." Gian
"Bakit naman?" Kath
"Kasi nga may GIRLFRIEND yung tao! Kaya wag ka nang mag inaso diyan! Ok?" Ako
"Huy Sam! Matthew! May nag aaya sakin mag bar eh, dun daw sa bagong bukas. Ganda daw dun!" Marie
"Punta tayoooo! Ooooy kayong dalawa, walang kj! Isama mo Matthew si Josh at yung mga kaibigan mo pang iba ha. Papupuntahin ko sila Luke yung mga barkada natin." Kath
"Sige pag iisipan namin." Ako
Nakaupo siya sa couch ako naman nakatayo after kasi kumaen tumatayo ako eh. (Baka mamayat. Haha.)
"Ma, alam mo dati nagbabar ako." Ako
"Talaga mahal? Kamusta yung bar?"
"Hindi ka pa napasok?"
"Napasok na. Pero as in napasok lang, tapos hindi ko nagustuhan ang dami kasing lumalapit na babae eh. Alam mo naman gwapo."
"Ehem! Ang kapal talaga ng mukha mo! Haha. Ayun, madami talagang bitch dun eh. Actually, nagbabar lang ako pag na aaya, or napag tripan. Usually, inom lang kasi talaga ako. And I'm not a party girl. But THAT WAS BEFORE. Everything has changed since you came into my life." And I hugged him.