28

45 3 0
                                    

SAMANTHA JOIE's POV

Ano ba 'to! Hindi ako makatulog, pinipilit kong matulog pero ayaw talaga. Bakit ba ganto? Ayoko na ng gising, overthinking is killing me. Ang daming pumapasok sa isip ko.

Ang sakit, miss na miss ko na si Gian. Pero wala siyang pakealam sakin. Ano bang kasalanan ko?

Pati malungkot ako ngayong gabi, wala kasing nagpapasaya sakin eh. Alam niyo yun yung one day, sobrang daming nagpapasaya sayo tapos biglang mawawala lahat ng sabay sabay. Woaaah!

Hindi ako kinukulit ni Dags ngayon. Galit pa din yata, bukas na nga yung birthday niya eh. Hindi ko naman siya ma approach kasi laging siya yung nauuna eh, pati ayoko ng ako yung mauuna.

Haay grabe 6am na gising pa din ako, maliwanag na oh! Nakakainis talaga, makatulog nga muna.

*knocks on the door*

Ugh ingay naman nung katok sa kwarto ko, ang oa ah! Pagtingin ko sa phone ko 6:58 palang. Pucha almost 1 hour palang akong nakakatulog eh. Enebe!

Pero binuksan ko yung pinto at shet si dags lang pala. Bihis na bihis ang luko at may dalang starbucks. What the!

"Good morning!" Dags

Si Gian agad pumasok sa utak ko, Gian na Gian ang dating niya pati yung gigisingin ako sa umaga dadalhan ako ng breakfast. T_______T

"Teka nga, bakit ba ang aga mo?! Grabe yung 7:00 palang ha!" Ako

"Yan ang isasalubong mo sakin? Maging mabait ka naman sakin birthday ko ngayon eh!" Dags

Ay oo nga pala birthday niya ngayon. Baka tuluyan nang magtampo sakin 'to eh.

"Sorry na G--- uh dags... Happy beeeeeertdeeeeeey!!! At dahil birthday mo, im spreading good vibration and i will make your dreams come truee." Biglang nagbago yung mood ko from, inis na inis to super saya! Wala eh, birthday niya nga pala.

"Thank youuu! Ano naman ang dream ko ha?"

"Ang maka date ako. Ang makasama ako. Ang maging iyo ako kahit isang araw. BWAHAHAHAHA!" Tapos tumawa ako. Pero yung reaksyon niya parang nag aabang ng iba ko pang sasabihin.

"Yun lang?" Sabi niya.

"Tapos bibigyan kita ng power hug!" Niyakap ko siya ng malaki at mahigpit. Hahahah

"Kinikilig ka, I can feel it. Nararamdaman kong ngumingiti ka. Hihi." Pang iinis ko pa sakanya.

Bigla niyang tinanggal yung yakap, at nagsalita.

"SOBRANG KAPAL MO!"

"Oa ah ang oa mo. Hahaha." Tumingin ako sa dala niya at ngumiti.

"Ang bait naman ng may birthday na 'to, siya na ang may birthday siya pa ang nagdadala. Napaka sweet mo dags."

"Kapal mo talaga. Ano ba nangyayari sayo ha?"

"Birthday mo kasi. Hihi."

"Wala ka sigurong tulog."

"Buti alam mo! Matutulog muna ko 1 hour, please? Tapos balikan mo ko."

"Hahaha, ayoko nga. Nagtext text ka pa sakin eh, at sinabi mo ngayon lang na you will spend your day just for me lang. Understand?"

"Ang yabang mo! Dags maawa ka naman sa mata ko. Or sakin."

"Sanay ka naman mag puyat eh. Bawi ka nalang tulog mamaya. Kumaen ka na oh, tapos maligo at aalis na tayo."

"Ugh, saan ba tayo pupunta?"

"Kahit saan."

"Tsss, kainis. Sige wait mo ko, 1 hour."

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon