23

59 3 0
                                    

KEVIN's POV

Habang papunta ako sa hospital para mag duty, nakasalubong ko si Samantha. Teka, si Samantha nga ba?

Kasi naman parang baliw. Joke! I mean parang hindi siya, wala sa sarili at pale. Ang oa naman niya eh, ang balita naaksidente sila ng boyfriend niya kasama nung ex ng boyfriend niya at ok naman daw silang tatlo. Eh bakit kaya ganun ang itsura niya?

Tinawag ko siya pero hindi niya ko pinansin. Hayaan ko na nga lang. Tumingin ulit ako sakanya at nakita kong may sasakyang dadaan sa harap niya at hindi man lang siya nakatingin, kaya iniiwas ko siya duon. Kasi baka naman matuluyan na 'to.

Kinausap ko siya, at ayun. Nalaman ko din, kaya pala siya nagkakaganun e dahil hindi siya maalala ni Matthew.

Ang sakit nga pala talaga ng nangyari, nangyayari at mangyayari sakanya.

Habang kumakain ako nakatingin lang siya sa labas.

"Samantha, gusto mo bang subuan pa kita? Para lang kumaen ka kahit konti oh. Lagot ka kay Matthew kapag nalaman niyang hindi ka kumakaen habang may amnesia siya. Hala ka." Sabi ko sakanya.

"Hehe." Sabay kaen niya sa maliit na subo lang.

"Salamat ha. Hindi naman tayo ganung magkakilala pero pinagtiyagaan mo pa din ako. Salamat talaga, Kevin." Sabi pa ni Samantha.

"Ano ka ba. Wala yun. Kahit sino naman sigurong nasa harap mo gagawin ang ginawa ko. Muntik ka nang masagasaan kanina e, at wala ka din sa sarili mo. Makokonsensya pa ko kung hindi kita tutulungan. Sa susunod mag iingat ka."

Ngumiti lang siya at hindi nagsalita. Nakikita kong sobrang bigat talaga ng nararamdaman niya.

"Samantha, simula ngayon magkaibigan na tayo ha?" Sabi ko sakanya.

"Sure Kevin. It'd be nice." Sabi niya.

"Thanks. Tara na ihahatid na kita, at magpahinga ka ha." Sabi ko pa at umalis na kami at hinatid ko na siya.

Nang makarating kami sa apartment nila, tinuro niya lang sakin yung way hindi ko kasi alam eh. May tumawag sakin, kakilala ko pala kalaro ko ng basketball.

"Dags! Laro tayo!"

"Sensya na may duty ako eh."

Napatingin siya samin ni Samantha. Ooooppppss.

"Hinatid ko lang siya."

"Ah, hahaha. Sige!"

Tumingin sakin si Samantha at ngumiti ng kaunti.

"Dags. Bakit dags?" Tanong niya.

"Dags kasi Dagit surname ko, nakasanayan na ng mga kaibigan kong Dags ang itawag sakin."

"Ah. Hehe. Ayos pala Dags. Salamat ulit ha."

"Walang anuman, Mads."

"Mads?"

"Madrigal surname mo diba? Hahahaha."

"Oo,"

"Yun nalang itatawag ko sayo. Haha. Tawa ka naman."

"Hehe. Kaw talaga. Sige Dags. Salamat sa pagpapatawa mo sakin, kahit napilitan lang ako."

"Aw!"

"Joke lang. Pero seryoso, thanks for making me smile today."

"Everyday na 'to mads."

"Weh?!"

"Oo nga. Sige na alis na ko. Late na late na late nako."

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon