31

36 3 0
                                    

Nandito 'ko sa kwarto ko ngayon. Nag iisip kung paano yung sinasabi ni Kevin na mag move on kung kaklase ko si Gian. Napakahirap nun, araw araw ko siyang makikita. Haay

Tinawagan ako ni Kevin. Hindi kasi niya 'ko basta basta mapupuntahan dahil nasa Tarlac ako. Oo dito ako nagpahatid, hindi ako umuwi sa apartment namin. Bukod sa ayoko na dun dahil ang daming ala-ala ayoko din muna makita si Kath.

"Mads."

"Bakit Kevin?"

"Mag ready ka. Aalis tayo."

"Hah? Saan tayo pupunta? Hayaan mo muna kong mag isip, pasukan na namin bukas."

"Di ko naman sinabing ngayon eh. Atsaka 'di ka na naman papasok."

"Hah? Anong pinagsasasabi mo Kevin?"

"Kinausap ko yung parents mo, at gusto ka din nilang maka move on."

"Tapos?"

"Pupunta tayong Singapore."

"Hoy loko! Seryoso?"

"Oo nga seryoso nga. Naaawa na sayo magulang mo gago."

"Di ko akalaing papayag sila. Wala naman silang pera para papuntahin ako dun ah, maliit lang kita nila sa business namin."

"Kung maliit lang, bakit ka nila bibigyan ng pera? Syempre tinitipid lang nila kayo para din sa future niyo! 'Di ka talaga nag iisip kahit kailan."

"Oo na! Na excite ako ah. Anong gagawin natin? Gaano tayong katagal dun?! :)"

"Sabi ng mama mo, kahit daw buong sem kalang mawala. Okay lang daw kahit hindi na mabawi yung binayad mong installment sa school, mura lang naman yun. Buti hindi ka nag full payment."

"Ano?! 5 months? Woaaah! Seryoso sila? Akala ko kasi mga 1 week lang eh. Hahahaha!"

"Tanga mo talaga, 'di ka makakamove on non kung ganun lang dahil after 1 week makikita mo pa din si Matthew at mahihirapan ka padin."

"Ikaw na matalino! Ge na! Hahahaha. Na excite akong masyado. Kelan pala tayo aalis? Eh teka pano'ng trabaho mo? At pag aaral ko?"

"Magreresign ako. Maghahanap nalang ulit ako ng bagong trabaho. Ikaw naman next sem ka papasok. Kasabay si Mocky."

"Hah? Uy 'di nga? 'Di mo naman kailangang gawin yun dags. Kahit 'wag mo nalang akong samahan. Ok lang!"

"Gago may pupuntahan din naman ako dun. Hahahaha! 'Di lang dahil sasamahan kita. Tsaka naisip ko kailangan mo din ng kasama, tatanga tanga ka kasi eh."

"Quota ka na ah! Napakasama mo! Ugh."

"Hahaha joke! Sa isang araw aalis na tayo."

"Hala ang bilis naman!"

"Oo nga kaya, maligo ka na. At samahan mo 'kong umuwi sa Davao."

"Ano? Parang dyan lang ang Davao ah! Kaw nalang kaya?"

"Tss ito lang hinihiling ko e, 'di mo pa magawa."

"Oo na po. Wait lang, pwede ba mamayang after lunch nalang? Sasabayan ko lang mag lunch family ko. Mamimiss ko sila. Lalo na si Jelly T______T"

"Sige, susunduin nalang kita."

"Okay. Bye."

"Bye."

Binaba na niya ang phone, nakita ko nakasilip sa pinto ko si Jelly. Haay, grabe ang tagal kong hindi nakita ang batang 'to. Miss na miss ko na siya.

"Baby, i saw you na 'wag ka nang magtago tara dito kay ate."

Tumakbo siya at niyakap ako nang mahigpit. Ugh sarap!!!

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon