1

99 3 0
                                    

Ilang linggo na din kaming ganito ni Gian. Super close at palaging magkasama. Babae kaya ako, kaya hindi ko maiwasang bigyan ng kahulugan yung iba nyang pinapakita sakin.

Pagpasok ko sa school, parang may naramdaman akong tamlay. I'm not feeling well. Bat ngayon pa? Ayokong umuwi kasi may quiz kami dito eh.

@______@

*BLAAAAAAG*

GIAN's POV

"May babaeng nahimatay!"

"Tara tingnan natin."

"Kawawa naman!"

Nilapitan ko yung babae. Ano? Si Joie? B-b-bakit?! Pinatabi ko agad yung nakapalibot sakanya at binuhat si Joie. Sinakay ko siya sa sasakyan ko at dinala sa clinic. Medyo malayo kasi kung lalakarin.

"Kamusta po siya?" Tanong ko sa nurse.

"Nahilo lang siya, maybe stress. Mahina kasi ang resistensya niya. Konting pahinga lang."

"Ganun po. Sige po, salamat."

Napakakulit kasi ni Joie. Walang kahilig hilig sa vegetables at fruits. At healthy foods. Tsk tsk. Oo, ilang linggo palang kaming magkakilala pero kilalang kilala ko na siya.

Siya kasi yung tipo ng babae na, kapag magkakilala kayo lahat ng sikreto sasabihin niya sayo. Yun bang ang bilis mag tiwala. Pasalamat siya at ako ang nakilala niya. Hindi ko sinasabing ako lang ang kilala niya, pero kami ang palaging magkasama.

Nung una ko siyang nakita sa room, tinitingnan ko siyang mabuti. Hindi siya mawala sa isip ko lalo nung nagpakilala siya, paulit ulit yung pangalan niya sa utak ko.

*flashback*

Napansin ng mga kaibigan ko yung pagkatulala ko habang nasa labas sila at nagyoyosi. Ako, hindi ako nagyoyosi eh. Kaya nakaupo lang ako.

"Ooooy! Ikaw ah. Daydreamer!" Sabi ni Leon.

"Brad kasi parang tinamaan ako eh." Ako

"Tinamaan ka? Saan? Aba! Iba yan ah!" Pagsingit naman ni Josh.

"Hulaan ko?" Sabi ni Carl at napatingin kaming lahat sakanya. "Kay Samantha?"

"Ayun lang! Chix ampota." Sabi ni Josh.

Napatingin naman ako sa sinabi ni Josh.

"Joke lang pre. Di ko na sya gugustuhin para sayo." Sabi ni Josh.

"Dapat lang. May girlfriend ka eh." Ako.

"Pwede namang makipagbreak eh." Bulong niya.

"Joke lang! Oh pano? Sure na ba yan?!" Josh.

"Kilala niyo naman ako. Ngayon lang to nangyari."

"Mukha nga! Ngayon ka lang tinamaan."

Kung yung mga tropa ko, mga umiinom, babaero, naninigarilyo, nag cucutting classes. Sila lang yun. Basta kaibigan ko sila at wala akong pakealam sa ginagawa nila, basta masaya sila ayos lang sakin. Hindi ko sila jinujudge kahit ano pa man.

Back to Joie. Ang sarap niyang titigan. Alam niyo yung sobrang gaan agad ng loob ko sakanya at ganun din siya sakin? Bakit kaya ganun.

*end of flashbakck*

Buti nalang nagdala ako ng sasakyan ngayon. Ngayon lang kasi ako nagdala simula nung magpasukan, ang galing talaga nasakto pa. Maihahatid ko si Joie sa apartment nila.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon