19

55 3 0
                                    

SAMANTHA JOIE's POV

Finals na eh, kaya kailangan kong humabol para wala akong failing grades. Kailangan ko lang talagang tumutok sa pag-aaral. Nakakainis kasi, hindi ako sanay mag handle ng dalawa like lovelife and studying. Lol jk! Pero alam kong maiintindihan ako ni Gian kung focus ako sa pag-aaral.

"Mahal..." Sabi ni Gian habang nagbabasa ako sa room tsaka ginagawa ko yung thesis sa major.

"Tulungan na kita mahal ko." Sabi pa niya.

"Wag na. Kaya ko naman eh."

"Eh mahal, ayokong nahihirapan ka."

"Sus. Ano bang pinapalabas mo? Bobo ako? Ikaw matalino?"

"Ma? Ang oa naman. Wala akong sinasabing ganyan. Walang ganyan."

"Para kasing ganun ang pinapalabas mo eh!" Nagalit ako kasi naman bakit siya nakikipagtalo pa? Bakit sumasabay siya sa ginagawa ko? Haay!

"Wala akong pinapalabas na ganun ma! Ganun ba tingin mo sakin? You're perfect mahal." Niyakap niya ko.

"Ma! Naiipit yung papel nalulukot na oh! Tsk." Sabi ko.

"Yiiiiiiee! Akala ko nag aaway na kayo eh." Sabi nung isa kong kaklase.

"Hindi ko aawayin ang mahal ko kahit awayin niya ko. The more na inaaway niya 'ko, mas lalo ko siyang lalambingin. Mainis siya sakin kung mainis basta mahal ko siya." Sabi ni Gian. Argh! Sweet.

"Haay kelan kaya ako magkakaroon ng Matthew?" Sabi nung isa ko pang kaklase. Tss!

"Never! Iisa lang ako Gian ko. Hahahaha joke!" Sabi ko at nagpatuloy na 'ko sa pagsusulat.

"Ma, ayaw mo ba talagang magpatulong? Kahit mag sulat lang. Sobrang haba nyan eh. Nandiyan pa din naman yung thought eh." Sabi pa ni Gian, ang kulet talaga!

"Mahal. Kaya ko naman diba? May tiwala ka sakin di ba? Mahal ako nalang ang gagawa nito. I-check mo nalng after. Ok?"

"Ok po." Tapos umupo siya na parang bata at pinapanuod lang ako. Tapos pinapaypayan niya ko kasi kahit naka-aircon kami, pinagpapawisan ako. Ang hot kasi namin ni Gian, grabe.

Pinupunasan niya pa pawis ko. Haay, ang sweet. Umupo siya sa harap ko at alam ko, na tinititigan niya ko. Nakikita ko kasi :"""""">

"Baka naman malusaw ako niyan ha." Sabi ko habang nagsusulat pa din.

"Ang ganda mo kasi."

"Alam ko matagal na."

"Hindi ako magsasawa sa kagandahan mo."

"Hahaha. Sige lang Gian."

Kiniss niya ko sa forehead ko. Tapos ayun, nag uwian na. Hindi kami masyadong nakapag bonding ni Gian dahil nga sa dami ng ginagawa ko.

Ilang araw na ding paulit ulit kaming nagkaka-away ni Gian, I mean na-aaway ko na siya dahil ang kulet niyang sobra, ok lang sana yung kakulitan niya pero sana 'wag naman yung nakakaabala sa pag aaral ko.

Pagkatapos nung two hell weeks, natapos ko na din yung mga dapat kong tapusin.

Nagkaaway nga pala kami ni Gian nung isang gabi, hanggang ngayon hindi ko pa din siya pinapansin.

*flashback*

Nasa sasakyan kami ni Gian ngayon, nagtatype ako sa phone ko nung mga naiisip kong sasabihin ko para sa report ko.

"Mahal, pakinggan mo 'tong kanta na 'to." Sabi niya, tapos nilakasan pa niya yung sounds.

"Ma! Wag ka na magpatugtog. Kasi nawawala sa isip ko yung susulat ko dito eh."

"Ok po. Sorry." Hininaan niya nga yung sounds, pero nawala na sa isip ko yung magandang pwedeng sabihin eh. UGH! Nakakainis! Haay!

Hindi ko siya pinapansin, kahit anong gawin niya.

Binaba na niya ko sa apartment nagderederecho lang ako sa loob, at sinundan niya ko.

"Mahal, sorry na." Sabi niya.

"Mahal? Wag ka na magtampo diyan." Sabi pa niya, at kikiss niya ko pero umiwas ako.

"Ok lang. Sige uwi ka na." Sabi ko na walang reaksyon.

"Mahal naman, alam kong hindi ok."

"Ok na nga diba?! Dyusko!"

"Eh bakit ka nagagalit ma? Ganun bang kalaki yung kasalanan ko sayo?"

I rolled my eyes, at tumalikod. Pumasok na ko sa kwarto ko.

"Ayan na naman, ano na naman bang problema?" Sabi niya.

"Problema? Ang kulit mo lang!"

"Yun lang pala eh. Sana sinabi mo nalang, hindi na ko mangungulit. Wag ka lang magalit diyan."

"Sige, Gian. Wag ka na munang mangungulit ha?" Sabi ko with sarcasm.

Tumalikod na siya at umalis. Bale dalawang araw na niya kong hindi tinetext at tinatawagan.

*end of flashback*

Miss ko na yung mahal ko. Makikipagbati na nga ako sakanya.

Tinawagan ko siya para mag sorry. Pinuntahan niya ko sa apartment at namasyal kami sa mall. Wala kasi pasok eh. Rest day!

"Mahal ko. Sorry talaga ha." Sabi ko.

"Naiintindihan ko mahal. Sana kasi sinasabi mo nalang yung totoo mong nararamdaman. Kasi mas lalo akong nasasaktan kapag pinaparamdam mong nakukulitan ka sakin tapos ayaw mo namang sabihin."

"Hindi naman sa ganun mahal ko. Gustong gusto kitang nasa tabi ko nung mga oras na yun kaso sorry hindi talaga ako sanay ng pagsasabayin kayong dalawa nung ginagawa ko eh."

"Ok lang mahal. Naiintindihan ko naman diba? :)" tapos kiniss niya ulit ako sa public. Pero sa forehead lang. Shet, hinug pa niya ko at nakatingin yung mga tao samin! :"""""">

Yes! Ok na ulit kami ng mahal ko. Ang saya saya. Back to normal na naman kami. Sweetipie!

At nung nasa sasakyan na kami, nakita kong nagtetext siya. Tss! Ngayon ko lang ulit siyang nakitang nagtetext kapag magkasama kami. Magtetext lang siya pag magkasama kami kapag sobrang importante nung text.

Di ko siya pinapansin. Bigla lang siyang nagsalita habang nagddrive siya.

"Mahal, nagtext si mommy." Sabi niya.

"Hah? Ano daw sabi?"

"Nandun daw si Natalie sa bahay. Binibisita sila. Tara punta tayo dun." Sabi niya.

Nagulat ako, hah? Si Natalie, nandito na sa Pilipinas? Tapos bakit kailangang pumunta pa sa bahay nila Gian? Bakit kailangan pa siyang bisitahin? Tangina naman. Nakakainis. Nabadtrip na ko.

"Ma, sorry pero inaantok na talaga ko. Next time nalang. Siguro naman, mamemeet ko din siya." Sabi ko. Kunware ok lang sakin.

"Ok sige mahal."

Nagulat ako sa sagot niya. Kasi ang ineexpect ko, hindi siya maniniwala, magtataka siya, pipilitin niya ko. Pero iba eh, parang gustong gusto niya na siya nalang makipag kita kay Natalie, yung kahit wala ako? Nagmamadali pa siya. Haay ano ba talaga? Mahal pa ba niya yun? Panakip butas lang ba ko?! HAAAAAAY.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon