53

14 1 0
                                    

Simula nung nag christmas break, nagsimula na ulit kaming nagkikita kita. Kami nila Kath, Josh, Marie, Kenneth, Mocky, at Tyler.

Josh: Ssshhhhh 'wag muna kayo mag ingay, tumatawag si Matthew!!

Napatingin ako bigla at nagulat kasi first time niyang tumawag simula nung dumating siya sa US. Almost 2 months na siya dun at ngayon lang siya tumawag.

Ni-loudspeaker ni Josh yung phone call ni Matthew.

Matt: Kamusta na kayo?

Marie: Okay naman kami Matt! Ikaw ba?

Kath: Grabe buti naisipan mong tumawag no?

Matt: Okay naman ako dito. Sorry busy lang ako ngayon ang hirap mag adjust sa bagong school lagi akong late. Pero grabe ang cool.

Josh: Teka pano pala yan, next year gagraduate na kami. Ikaw?

Matt: Wag ka mag alala, sabay sabay pa din tayo ggraduate.

Hindi ako nagsasalita, madinig ko lang boses niya okay na ko.

Matt: Kumpleto ba kayo dyan? Nandyan ba si Samantha?

Tumingin sila sakin, nakangiti at pinagsasalita ako. Pero sumenyas ako sakanila na sabihin na wala ako. Hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko sakanya as friends. I mean, we're never been friends. We're always lovers. Chos!

Kath: Ay so sad, umalis na siya. Kanina pa kasi kami magkakasama.

Matt: Sige guys I have to go. Mag ingat kayo palagi. Miss ko na kayong lahat.

Marie: Sige, mag ingat ka din dyan ah.

Kath: Miss ka na din namin!

Matt: Okay bye! Love you!

Kath, Marie: we love you too!

He hangs up the phone.

"Sino pang gusto ng fries or drinks? Order ako." Tanong ko sakanila para mawala yung mga weird looks nila sakin.

Kath: WHat the hell Sam?

Tyler: Todo iwas

Mocky: Whats wrong?

Marie: Move on.

Ako: OKAY FINE. Sorry guys, hindi ko kasi kayang makipag usap pa sakanya.

Kath: Pero napansin ko he really miss you!! Nung sinabi kong wala ka, biglang nag bye siya. So it means ikaw lang talaga ang reason kung bakit siya tumawag. Ginamit lang niya kami. Grabe

Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Kath, pero ako deep inside kinikilig.

Ako: Shut up Kath. Hindi naman no, mahal din naman niya kayo eh kaya siguro naisipan niyang tumawag.

Kath: So anong sinasabi mo? mas mahal ka nya kaysa samin?

Josh: Oo nga since childhood mahal na ko ni Matt

Marie: Grabe nahuhuli ko si Matt na lagi saking tumitingin, mas mahal niya ako.

Kenneth: Sakin kaya Marie, akala mo lang sayo.

Mocky: Sa room kaya palagi akong pinapakopya ni Matthew ayaw niya kasing bumagsak ako eh.

Kath: Phone ko yang ginamit natin kaya sakin talaga siya tumawag kasi miss niya ko at mahal niya ko.

Josh: Alam niya kasing lagi kong hawak yung phone mo eh.

Kath: eh bakit sayo pa siya tatawag?

Tyler: Ssshhhhh! Tumigil nga kayong lahat dyan. Ako talaga ang pinakamahal ni Matthew eh. Kasi nag video call kami kagabi. :p

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon