Chapter 27: Remembering her

2.3K 30 0
                                    

Pej POV

It's been weeks at same routine lang kami. Clubbing, drinking, at pangbabae ng Linch na yon na nauuwi sa hotel. After that ay iuuwi nalang namin siya sa condo niya.

Palagi din kaming tumatambay sa condo niya. Hindi na ko nagulat ng makita kong puro tusok ng kutsilyo ang doorknob, dining table, couch, cabinet at kung saan-saan pa. I can imagine her fiercely throwing those knives on the air.

At nang minsang magawi ako sa kitchen nila ay hindi na din ako nagulat ng makitang iilan lang ang pinggan nila at baso. The typical Keen.

Pero ang hindi ko malilimutan ay yong unang araw namin na pagtambay don ay naka tatlo agad siyang babae na bwisita! Yeah! BWISITA!

Hindi din biro ang mga babae niya. May sinabi din sa buhay at katawan. HOT is the definition.

At isa sa tatlo don ay anak ng Dean namin. Kala mo kung sinong mahinhin sa school pero may tinatago din palang kalawang sa katawan. Tsk!

Nagiging ganyan na ang routine namin sa loob ng isang bwan. Hindi pa naman kami nagsasawa. At malabong magsawa ang Linch na yon. Sa dami ba naman ng babae niya malabong mangyaring magsawa yon.

Pero nasan na nga ba siya talaga? Sanay naman kaming umaalis siya palagi dati kasi ganyan na talaga yong ugali niya noon pa man. Pero I think it's too long na. To think na sa kanya talaga tong assignment na to at nasama lang kami.

Where the hell are you Keen? And what are you planning to do?

Linch POV

It's been a month mula ng umalis si Mamoth. And I don't know where the hell she is. Nagpaalam nga siya ng umalis siya pero she didn't mention na ganito katagal siyang mawawala. Akala ko may pupuntahan lang siya pagkatapos ay babalik din. Pero hindi eh.

And now, I'm sitting here on the couch still waiting for her to come home. Maybe if someone sees me in my position they'll surely think I'm crazy.

I look at my watch. It's 4:00 in the morning already. But still I'm wide awake watching t.v. but with the sunglasses on my eyes. Isn't it weird? Yeah weird. But I don't know, I just want to wear it.

Since she left malaya nakong nakakapasok sa school. Like a normal days. Back to the old self of mine. Clubbing, drinking 'til I sleep and hitting girls one by one. And all those times ay kasama ko yong four weird girls.

Wala na rin akong nakikitang mga bodyguards na nakapalibot sakin. Wala na ring tumatangkang patayin ako. It was as if it's just a nightmare at nagising nalang ako na normal na ang lahat. But there's one thing na hindi normal. And it's myself. I don't know why but I felt empty since she left. Lagi ko siyang hinahanap-hanap. Lalo na pag gabi. Dati tuwing hatinggabi na lalabas ako sa kwarto madadatnan ko nalang siya dito sa sala na ka one on one ang laptop niya with those legs na nakapatong sa center table at merong pizza and rootbeer beside her.

Minsan nga iniisip ko kung nakakatulog pa ba siya sa dami ng inaasikaso niya.

I miss those times na pagsinasabihan niya ko at di ako nakikinig e lumilipad nalang bigla ang kutsilyo sa ere. Lalo na pag tinatangka kung tumakas.

Hindi na rin nababawasan ang mga pinggan namin kasi wala naman siya dito. Kung nandito siya araw-araw may natatapong pinggan. Tamad kasing babaing yon! Tsk!

I remember also nung gabing-gabi na kong umuwi dahil sumama ako sa pagpapatrol kay Layla. I thought I'd be dead but she just let me sleep.

Tanda ko din yong unang araw naming nagkakilala sa school. I couldn't really believe it na may bodyguard ako. Ang saklap pa ay babae and that was her.

And she's really unique among the girls in school. Siya lang ang may outfit na ganon. And it really fits her.

She's really sexy and hot.

I smile of the thought.

I touch my heart. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok nito like there are horses racing inside.

Tsk! This is enough!

Pumunta akong kusina to search some foods. Total hindi na din naman ako makakatulog. But when I opened my ref I saw that pizza box and rootbeer kaya naalala ko lang rin siya bigla.

Isinara ko nalang din ulit yon at kinuha ang jacket ko couch at tumungo palabas. Pupunta nalang ako sa 7 Eleven. Kampante din naman akong lumabas na dahil nitong mga nakaraang linggo ay wala namang signs ng pagpatay sakin.

Don na nga ako nag-agahan. Hinintay ko nalang din ang oras ng pasok ko.

I was busy looking at the crowd thinking. Sa dami ng taong nagpapabalik-balik lahat naman siguro sila ay may problema. Hindi lang ako nag-iisa.

May nakita akong couple. Naglalakad. Parehong naka business suit. Ang lalaki yong nagdadala ng bag ng babae at sa kabilang kamay nito ay may hawak ng cofee and a box of pancake ata yon. Habang ang babae ay sinusuklay ang mahaba nitong itim na

itim na buhok. Huminto ito sa paglalakad at ang lalaki naman ay pinainom siya ng coffee. That's sweet.

Then they walk again. She fix her hair into a bun. Yeah a bun hair. Naaalala ko naman siya.

Napatungo nalang ulit ako. But then I look at those couple again. I find them really sweet.

Ting ting ting ting!!

Tumingin ako sa pinto ng may pumasok. At sakto namang napatingin ako sa wallclock. Malapit na palang mag alas syete. Tumayo nako at binitbit yong slurpee ko.

9 Assassins: When the Coldest Get WarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon