Chapter 39: House

2.5K 56 0
                                    

Linch POV

After another 15 to 20 minutes ay nakarating na kami sa isang bahay. Hindi ko alam kung kanino to. Hindi siya gaanong malaki. Bungalow. Simple ang design. It's painted with cream and gray. Mababa din ang wooden fence nito like sa America na mga bahay. May simple garden lang with bermuda grass and those violet and white flowers that I don't know their names and single car garage.

Pumasok ang sasakyan sa gate at diretso sa garage na automatic din naman bumaba ang grills door nito to lock it.

Nagsibabaan naman silang lahat. Kaya bumaba na rin ako. Nangalay ata ang dalawang braso ko kakaipit ni Mees and Fam kanina. Pati yong mga binti at paa ko namamanhid dahil sa walang humpay na sipaan nila ng paa na ako naman ang natatamaan. Tsk! Baka patay na yong mga kuko ko dito. Pahirap talaga ang dalawang yon! Arrrggghhh

Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako. Bakit parang ang close-close nila at parang magkakakilala sila base on their actions and words? At bakit pula na ang buhok ni Fam and Mees. E black naman yan dati tapos mahahaba pa ngayon kesa dati. At bakit Fare ang tawag kay Fam? Naguguluhan talaga ako. Parang ako lang ata ang walang alam dito. Midnight blue! Tsk!

Fare: Ang sakit sa likod! (Sabay liyad)

Mess: Ang sakit sa binti! (Sabay stretch ng mga binti)

O those sexy long legged legs. ^-^

Puro sila reklamong dalawa pero si Pej and Ece tahimik lang. At ako gusto ko namang sumigaw na "Tangna niyo! Mamamatay ako ng maaga sa inyo!". Tsk!

Anla! May tattoo pala si Pej sa may left neck niya? Ganda ng tattoo ah. Napatingin ako kay Mees ng bigla siyang nagpatugtog ng music at nag-bang ng ulo niya. Don ko nakita na may tattoo din siya. Kapareho ng kay Pej. Na curious naman ako kaya isa-isa ko silang tiningnan. Si Ece meron din. Teka! Pati si Fam din meron. Pero si Keen wala? Ano ba talaga? Naguguluhan na talaga ako sa kanila. Sino ba talaga sila?

Tiningnan ako bigla ni Ece. Honestly speaking, ang creepy talaga ni Ece. I don't know why. But the way she look, she speaks and move ay iba. Tila mahinhin na hindi naman. Na parang bawat galaw ay slowmo. Pero nakakatakot na parang anytime ay may masamang gagawin pero hindi mo malalaman kung ano. Tsk!

Linch: By the way kaninong bahay to?

Tanong ko bigla ng isa-isa silang nagsipasukan sa loob. At wala ni isang sumagot. Pero lumingon si Fam.

Fare: Bahay namin. Why? (Nakatungong tinatanggal ang sneakers niya)

Mess: Gosh! Nasira ang nail art ko!

Sigaw ni Mees habang di maintindihan ang mukha na nakatitig sa kuko niya. Sanay na ako dyan. Sa dami ba naman ng nakadate ko na babae kaya sanay na ako dyan. Pero ngayon lang ako nakakita ng pinta sa kuko na bear ang itsura. Ayos din trip nito eh.

Nakapasok na silang lahat except kay Mamoth. Papasok na din sana ako ng pigilan niya ko.

Keen: Before you enter I would like to say that never ever tell anyone about what you might know inside or else I kill you myself. In short, what you see, what you know, what you hear, LEAVE IT HERE. Understand?

Linch: Y-yes?

Keen: What did you say?!

Linch: YES!

Napa-yes nalang ako bigla. Ikaw ba naman bigyan ng nakamamatay na tingin hindi ka kaya mapapa-oo lalo na kung galing kay Keen? Ewan ko nalang.

Papasok na sana ako ng magsalita pa siya. Nasa likuran niya ko dahil nauna na siyang maglakad kaya rinig na rinig ko.

9 Assassins: When the Coldest Get WarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon