Chapter 43: I saw it!

2.4K 48 23
                                    

Thanks to Gethcalrinco ^-^

Linch POV

Limang araw na kong patuloy na nagte-training dito. Kung training talaga ang tawag dito o pinagkakatuwaan lang ako ng mga to. And honestly, I don't fucking know why they're doing these to me!

Nakaupo ako ngayon sa bench na halos gusto ko ng yakapin at matulog buong maghapon. Nananakit na yong binti ko at kalamnan. Can you imagine running like 3 or 4 hours NOT alone but with a tier tied on a rope and the rope was tied on my waist and you need to run like hell. Bwisit! Hindi pa yon maliit na gulong. Malaki talaga. Ang pang 4x4 na gulong ng sasakyan. And I'm not running once but twice! TWICE! Na halos hindi na nga ako makausad!

Ang scenario lagi namin every morning is igisingin ako ni Pej ng 4:00 A.M. tapos mag-uumpisa nako niyan. Start from swimming 1km sa sarili din nilang pool na halos tulog pa ang kaluluwa ko. Hindi talaga naawa. Tsk tsk tsk

Tapos magpapahinga lang like 30 minutes that includes my bath and eat at magstart na naman ang takbo ko na may nakataling gulong. At habang nagte-training ka ay nasa gilid mo naman ang dalawang asungot na nanunukso ng pagkain. Tsk!

Pagkatapos non ay sunod naman ang shooting. Bumubuti na ngayon ang pagbaril ko. Natatamaan ko na ang target. Mula sa malapit na distance na pagturo sakin ni Mamoth ay inunti-unti nila ang paglayo ng target hanggang sa nasasanay na ko at natatamaan ko na.

Tapos kakain ng kunti. Pagkalipas ng 30 minutes simula na naman ng training. Yong aakyat ako sa mataas na hagdan. Tapos tatawirin ko sa kabila gamit ang 6 inches na lapad na kahoy. Mga 50 meters din ang haba non. Pabalik-balik ako for 8 times. At kailangang di ako nakatingin sa baba o kaya nakayuko para tingnan ang dinadaan ko. Pag ginawa ko yon ay susulpot na naman bigla-bigla ang flying knife ni Pej. Tsk!

Pagkatapos non ay magpapahinga lang ako at tatakbo na naman na may nakataling gulong. Yong totoo? Papatayin ba nila ako? Tsk!

All of those ay dito ko ginagawa sa underground house nila.

Pero sa loob ng limang araw na yon ay hindi ko na nakita pa si Mamoth. Huling kita ko sa kanya ay nung tinuruan niya kong bumaril. Nong tinanong ko naman si Mees at Fare ay wala naman akong matinong sagot na nakuha. Pero nung si Pej ang tinanong ko kung nasan si Mamoth ang sagot niya lang ay "Nasa tabi-tabi lang yan. Susulpot lang yan kung kelan niya gusto. Bakit? Miss mo na siya?" The fuck with that! Ako? Mami-miss siya? Seryoso ba sila? Tsk!

Pero kasi e....ano...Leche! Oo na! Oo na! Nami-miss ko na siya. Tsk! -_-

Nasan na ba kasi siya?

Pumasok na lang ako sa loob at dumiretso ng kusina para makakain na. Nakakagutom ang pinaggagawa nila sakin. Wala ba silang balak na itigil to? Tsk!

Dumaan muna ako sa sala para kunin yong Coco Krunch na naiwan ko kanina. Buti at di nakita nong dalawa at kinain.

Tak!

Napalingon ako sa may pinto ng marinig kong may nalaglag.

Keen: Tsk!

That voice! I knew it!

Then I saw her getting her slam phone on the floor. Nang makatayo siya ng tuwid ay don ko lang nakita siya ng buo. What the-

Linch: Hoy! Anong nangyari sayo? Why you look like a mummy?

Puro kasi siya benda. May benda sa ulo. Pati yong kanang kamay niya meron din. Naka-cast pa. Meron din sa may leeg at kaliwang braso. Sa'n ba to nakipagbasag ulo?

Instead of answering me ay tumalikod lang siya. I even heard her saying "Tsk!". Kainis!

Nakita ko sa may couch si Pej kaya I ask her.

9 Assassins: When the Coldest Get WarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon