Chapter 38: That Somewhere and The Ride

3K 60 1
                                        

Salamat MysteriousDeath014

Na-no-nosebleed ako sa kasama.

Linch POV

Nasa kotse na kami ngayon. At wag niyo nang tanungin kung sa'n kami papunta kasi kahit ako, di ko din alam.

Nung umalis kami nakaraan na sinabi niyang somewhere ay talaga nga namang somewhere ang lugar. Sa isang squater area niya ko dinala. And for two days ay don ako natulog sa kakilala niya na lima ang anak, si Aling Malu, na puro maliliit na super kulit.

Ang init pa sa lugar na yon, siksikan at ang ingay. Hindi ako makatulog dahil sa kaliwa't kanan na pagsisigawan ng mga tao, araw man o gabi. Marumi din. Maraming gusgusin na bata, umiiyak dahil gutom plus wala pang suot na damit. Hindi ata marunong mag-alaga ang mga magulang nila. Tsk! I'm thankful I have Dad.

Hindi rin ako makakain kasi imbis na kainin ko ay binibigay ko nalang sa mga bata. Naawa kasi ako. At duda naman talaga ako kung malinis ba ang pagkain don. Mabuti nalang at pagdumarating si Mamoth tuwing mag-umaga ay may dalang pagkain, syempre pizza. Kahit papano nakakakain ako ng maayos.

Pero laging wala si Mamoth. Ewan ko kung san pumupunta. Kadalasan mag-uumaga na kung umuwi at matutulog nalang. Pero tuwing umuuwi siya ay may mga pasalubong siya sa limang bata. Don ko lang nalaman na mahilig pala siya sa bata. Natatandaan ko pa ang sabi ni Aling Malu na "Mahilig talaga yan sa bata. Dati pa. Masaya yan pag nagbibigay ng mga pasalubong."

Mag-uumaga na tuwing umuuwi siya. Ewan ko nga kung natutulog nga ba siya talaga. At sa iisang kwarto lang kami ha. Isang kama pa. Sabagay alangan namang magreklamo ako e ang sikip naman ng lugar.

Nung una ay nag-aalangan ako kung san ba ko matutulog pero sabi niya sa kama nalang daw. Mauna na daw akong matulog. Kaya hindi ko alam kung nakakatulog pa nga ba siya. Dahil hindi ko rin naman nararamdaman na tumatabi siya. At bago ako matulog ay gising siya at ng gumising ako kinaumagahan ay gising pa din siya.

Minsan naiisip ko kung bakit don niya ko dinala imbis na sa hotel. Sagot ni Aling Malu: "Hindi ka matutunton dito. At kung matunton man ay hindi ka mapapahamak. Dahil lugar niya to." Sasagot pako sana pero umalis na si Aling Malu. Naguluhan naman ako don sa sinabi niya. May pagkasindikato ba si Mamoth?

Malapit na kong malagutan ng hininga don. At buti naman naisipan niyang umalis na. Nagbigay lang siya ng pera don kay Aling Malu. Bayad siguro sa pagtira namin ng dalawang araw at umalis na kami.

Thirty minutes na din ang nakakalipas mula ng umalis kami don sa squater area na yon. At inip na inip na ko. Ikaw ba naman ang hindi nakakalabas ng bahay ng dalawang araw tapos nakakalabas ka nga pero hanggang pinto lang. Tsk tsk tsk kainis!!! Pero ayoko talagang lumabas. Nakakatakot naman kasi ang mga tao don. Lalo na ang mga lalaki. Ang lalaki ng katawan at parang nanghahamon lagi ng away. Malaki naman ang katawan ko pero over naman yong sa kanila. Parang mga bouncer. Tsk!

Bigla siyang lumiko sa may drive thru Jollibee. Sandamakmak ang inorder niya. 3 large fries, 6pcs. bucket chicken, 10 extra rice, 3 large drinks, may sundae, peach mango, burgers at iba pa. Seriously? Mauubos niya to?

Linch: Ang dami naman ata nito? Mauubos mo ba to?

Keen: Nope.

Linch: E yon naman pala eh. Bakit ang dami mong binili? Hindi mo naman kayang ubusin yan, kahit na ako pa. Ano ba yan. Pahingi nga!!

Akmang dudukutin ko na ang fries ng--

Keen: Dare touch my food and you're dead. (With death glare pa yan. Leche lang)

Linch: E hindi mo naman mauubos yan eh. Ang damot mo pa!

Keen: Bayaran mo muna.

Sabay nguso sa waiter na lumapit samin.

9 Assassins: When the Coldest Get WarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon