Chapter 35: Outing

3K 65 1
                                    

Linch POV

It's saturday.

Maaga kaming gumising-ay hindi pala! Maaga AKONG GINISING ni Mamoth! Tsk! Pasuray-suray pa ko kanina pero ng maalala kong aalis pala kami at pupuntang beach ay parang nabuhay ang natutulog kong kaluluwa.

Kagabi ko pa kinukulit si Mamoth kung san ba talaga kami pupunta pero ang sinasagot lang sakin ay "somewhere" at isang death glare lang naman. Tsk!

Ang sure lang ako ay sa beach kami pupunta.

Kinuha ko sa kwarto ang backpack ko na naglalaman ng mga damit ko. Swimwear dude. Hahaha sabay kuha ng polarized sunglass ko sa bedside table. Bago lumabas ay tiningnan ko muna sa body length mirror ang sarili ko.

Fitted sando- check

Short- check

Slippers- check

Sunglass- check

Backpack full of extra clothes and sunblock- check

Cellphone for selfies- check

Whew kompleto lahat. Kaya lumabas nako.

Pagkalabas ko ay nakita kong nakaupo sa dinning table si Mamoth habang ang dalawang paa ay nakapatong sa mesa at nilalantakan ang pizza niya. Kailan kaya siya mauumay sa kakakain ng pizza?

Lumapit ako sa kanya. Pinakiramdaman siya. Nang masiguradong walang bayolente o kaya nakamamatay siyang gagawin ay kumuha ako ng isang slice ng pizza. Buti naman at-

Tsak!

Linch: Whoahh!! Ang aga aga ang hot mo! Isang slice lang naman eh!

Walang paki siya. Kain lang siya ng kain. Tsk! Tiningnan ko nalang ang cabinet sa likod ko kung san tumama ang kutsilyo niya. Hayy mabubutas na siguro lahat ng kasuluksulukan ng unit ko bago siya matapos sa pagiging bodyguard ko. Tsk!

--------------------

Kaka-lock niya lang ng unit ng mapansin ko ang suot niya at automatikong nagsalubong talaga ang mga kilay ko.

Linch: Ba't nakaganyan ka!?

Keen: Why? What's wrong? It's my usual.

Linch: Anong what's wrong? Nakaganyan ka na usual attire mo with that boots samantalang ako e naka summer wear? Nahahalata mo naman siguro diba? At ikaw pa tong nagyaya mag-beach!

Keen: So?

Linch: Anong so!? Tingnan mo nga parang timang ako dito na naka-summer wear tapos ikaw nakaganyan!

Keen: Tsk!

Narinig ko lang siyang nag-"tsk" at lumakad na palayo. Ang babaeng talagang yon! Tsk!

Wala nakong nagawa kaya sumunod nalang rin ako sa kanya.

-----------------

Magdadalawang oras na ng magsimula kaming bumyahe kanina. And it's eight o'clock already. Naiinip nako. Nagugutom na rin. Tiningnan ko si Mamoth. Parang di naman nakakaramdam ng gutom. Palibhasa ang daming kinain na pizza samantalang ako isang slice lang huhuhu. Nararamdaman ko na ang gutom talaga kaya humarap ako kay Mamoth na seryoso sa pagdadrive.

Linch: Malayo-

Keen: We're here.

Ahhh yon naman pala eh.

Nagpark lang siya at pagkalabas ko sa sasakyan ay tumungo ako diretso sa receiving area para itanong kung san may restaurant na malapit lang. Kaagad namang tinuro ng receptionist ang kitang restaurant mula dito. Kaya dali-dali akong tumakbo. Gutom na talaga ako.

9 Assassins: When the Coldest Get WarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon