Chapter 9
Vine's POV
Tapos na ang klase ng magkita ulit kami ni Tbuce pero nagpaalam muna ako na pupunta sa cr.
Dinaanan ko na rin ang auditorium, kung saan nagpapraktis yung mga vocalist.
Ngunit imbis na pagkanta or pagtugtog ng banda ay hindi ganoon ang narinig ko.
"I'm sorry Marrene, i already told you about that before" sabi ni Aider habang nakatingin sa nakatungo at medyo humihikbi na si Marrene.
Lumapit pa ako nang unti upang tignan sila mula sa pinto.
"I just trying, i-i didn't mean to broke our friendship but, i really li-like you i think i lo-love you na" kahit na medyo humihikbi ay maarte parin ang pagkakasabi niya.
"Ang kulit mo naman eh!" inis na tono niya pero halata ang pagpipigil.
"Alam ko naman, bago ka pa magsabi sa akin nung una. Pero ano ba ang sabi ko sayo, ayaw ko ng ganung ugnayan lalo na at kaibigan kita. Kapag kaibigan, kaibigan lang" dire-diretsyong sabi niya, na mas ikinalakas ng paghikbi ni Marrene.
Bumuntong hininga si Aider at hinawakan ang magkabilang balikat ni Marrene at pinapatingin niya ito sa kaniya.
"Look in my eyes" utos nito ng ayaw sumunod ni Marrene nung una.
"I don't want to be your partner. I like you as a friend. If you think i'm being harsh to you, i'm sorry i just don't want to make any conflict to our friendship or anything that will bother your mind" sabi ni Aider na kinatango tango niya.
Bumuntong hininga ulit siya at pinag patuloy ang sinasabi. "Cheer up, you're not like this, ayusin mo yang sarili mo" pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na siya palapit sa direksyon ko dahil malapit ako sa labasan, tinignan niya lang ako at nilagpasan, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka alis si Aider.
Nang makaalis na ito ay binalikan ko ng tingin si Marrene, na ngayon ay nakatingin sa akin na parang galit. Kaya tinignan ko rin ito ng may magtataka at gulat.
"You trash, why you keep on following me?" diretsyong sabi niya sa akin na para bang hindi siya umiyak, sabagay hindi din naman siya mukhang umiyak sa itsura niyang yan.
"Trash like you should be put out of this Academy, you are worse than other who steal" diretsyo niyang sabi.
"Ow, limit your word" sabi ko sa kaniya, habang naglalakad papunta sa kaniya.
"Che! di ka lang pala mahilig sa gulo, chismosa ka den" dagdag niya pa.
"That thing, yeah you're right. I'm what's that again, chismosa? whatever. So let's be true here, i don't really care if you confess to him, ow wait confess? you confess? HAHAHAHA, don't worry no one will know about you being busted" panggagaya ko sa paraan niya ng pagsasalita.
"What!?" malakas na sigaw niya, kaya kinover ko yung mouth niya na kinagat niya naman.
"Wild" bulong kong sabi habang minamassage ko yung kamay ko.
"Ew! ang dirty ng hands mo, I don't like your hands, it's also trash" sabi niya na naman na dinugtong nanaman ang salitang trash, paulit ulit ha.
"Ang sakit naman nun kung di mo gusto yung kamay ko" kunwaring malungkot kong sabi. "Pero mas masakit kasi ikaw ang di ko gusto, ikaw mismo"
"What the h*ll, how can you have a guts to say those words to me? ha ha ha ha, do you really think that i like you? my gosh, what's wrong with your brain, i just only like what are in mine, even the words that comes out of my mouth. It tells who am i and how many people like and love me like a goddess, so shut up" mataray niyang sabi sa akin.
"Oww really? now i know why you always say the word trash" nakangisi kong sabi at tumalikod na sa kaniya para lumabas ng makita kong nakatayo si Tbuce sa labas ng pintuan at nakasandal doon sa hamba ng pinto.
"You just killed her twice, baby" mahina niyang sabi sa akin ng magkapantay na kaming naglalakad papalayo sa auditorium.
"Grabe ka kay Marrene, busted na nga ginalit mo pa, masyado mo naman siyang dina down" sabi niya ulit, na kinainit ng tenga ko.
"What? i've never put down others just because of simple thing" sabi ko sakaniya, na kinatahimik niya.
"Umuwi nalang tayo" sabi ko nalang sa kaniya.
"Sa akin ka uuwi?" tanong niya sa akin
"Ayaw mo? kahit ayaw mo doon padin ako matutulog, may binili ka daw na caramel cake sa bahay kaya doon ako" sabi ko sa kaniya, kahit nakasimangot parin ng kaunti, na kinatawa rin namin matapos.
"Sana pala lagi akong bumibili ng caramel cake" sabi niya na tatawa tawa.
"You want me huh?" pabiro kong sabi, at ngingisi ngising nakatingin sa kaniya..
"Tara na nga" sabi niya sa akin at inakbayan niya ako para hilain papunta sa sasakyan niya.
Nasa loob na kami ng sasakyan ng mag tanong siya tungkol sa kung sino ang nagsabi sa akin tungkol sa cake.
"Paano mo nga nalaman?" tanong niya ulit.
"Gusto mo talaga malaman?"
"Oo, sino nagsabi sayo?" tanong niya
"Wala, naisip ko lang HAHAHAHA, pero ayos naman at hindi ako nagkamali" sabi ko na dinugtungan ko ng "Meron naman talaga diba?" tanong ko.
"Wala, binibiro lang din talaga kita" sagot niya naman na sinamahan ng tawa.
"What? bumili nalang tayo, tara" pag aaya ko na sinunod niya rin.
"Punta muna tayong grocery" aya ko ulit ng matapos na kaming makabili ng cake.
"Eh? may stock pa ako ng cup noodles sa bahay" sabi niya naman kaya di nalang kami tumuloy dahil cup noodles lang naman talaga ang bibilihin ko sa grocery store.
Nang nasa tapat na kami ng pinto ng bahay niya ay nakarinig kami ng mga tawanan muna sa loob, kaya si Tbuce na ang nagbukas ng pinto para makita niya kung sino ang tao sa loob ng bahay niya.
"Oo nga, madalas kaming lumabas dati" sabi ng lalaki.
"Talaga lang, eh hindi ka nga niya maalala then sasabihin mo pang may gusto siya sayo?" sabi naman ng babae na sinundan ng tawa ng buong grupo nila.
"Kilala mo naman siya eh, alam mo kung anong kaya nun" sabi ng isa pang lalaki, na kinangisi ng unang lalaking nagsalita at kinatawa nilang lahat.
Lima silang naroon isang babae at apat na lalaki. Lahat sila ay hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita, lalo na rito sa bahay ni Tbuce.
Nang maramdaman nila ang presensya namin ay tumigil sila sa pagtawa at tinignan kami. Nasa likuran lang ako ni Tbuce dahil unang una hindi ko ito bahay, pangalawa mahangin pa sa bandang likuran ni Tbuce dahil bukas pa ang pinto.
Hindi ko nakita yung mga expression ng mukha nila pero nakita ko nalang na nagsisi tayuan sila at isa isang lumabas sa bahay at dumaan sa back door, na parang kabisado at kanila itong bahay.
"Who are they?" tanong ko sa kaniya.
"Mga dating kakilala lang" sabi niya habang diretsyong naglalakad papuntang kusina at ako naman ay sa inuupuan ng mga bisita niya rito kanina.
"Ang bango ng upuan mo ah, parang nag-iba ka ata ng pabango?" tanong ko sa kaniya.
Tinignan niya ako at sinabing "Hindi ako nagbago ng pabango and wala naman akong naaamoy na ibang pabango ah?"
Nagtataka ako sa sagot niya dahil may naaamoy talaga akong iba, sobrang bango nito. Para itong kakaibang bulaklak na ngayon ko lang naamoy. Samantang ang mga pabango naman ni Tbuce ay amoy ng pahina ng libro.
Nilapag niya na sa coffee table ang caramel cake at nagsalang na ng palabas, siyempre action ulit ang pinanood namin, na hindi ko inaakalang makakatulugan ko agad.
|~|•|~|
The L&L Academy
![](https://img.wattpad.com/cover/251909702-288-k749774.jpg)
YOU ARE READING
The Lier & Lyer Academy
VampireWorld Of Vine Book 1: The Lier & Lyer Academy | COMPLETED The academy that divided into two, the LIER and the LYER ACADEMY, they have different deans but the head dean never been seen. Start: 12.13.20 End: 05.02.22