C16

25 3 0
                                    

Chapter 16
Vine POV

“Vine” sambit ng lalaki sa tabi ko.  

Dahan dahan kong minulat at nilingon ang kung sino mang ito na naupo sa may bandang ulunan ng kinahihigaan ko. Nang hindi ko ito makilala ay pinakatitigan ko ulit ito.

Lumipat ito ng kinauupuan at pumwesto sa bandang tagiliran ko at ngumisi.

Sh*t, this monster again.

Siya yung tumulong sa dalawa nung nagkaroon ng karera nung kasisimula palang ng klase. Siya rin yung tumangay sa akin ng mabilis. Kung kaya kong tumakbo ng mabilis, ganuon rin siya, double ng kaya ko. May kakaiba rin siyang karisma at tapang.

Naramdaman ko ang kamay niyang pirming nakalagay sa may ibabaw ng unan ko. Kasabay nito, meron rin itong pwersang tulad ng galit.

“Lactsvine Colays” pagbanggit niya sa pangalan ko.

“What happen to you before, will remain only to you, ang pagpalit ni Cleosmy bilang isang lobo, at yung sigaw na narinig niyo bago umulan.”

“You know what your school is. Tonight, they will cast a spell to erase the memories that happen earlier, I know you can block that spell to protect your mind on that” sabi niya at tumayo na.

Lalabas na siya ng muli siyang magsalita “Better start now”.

Maaga kaming ginising ngayon para nagligpit na ng mga gamit namin. Isa isa ko ng pinagkukupi yung mga nagamit kong damit at nilagay sa laundry bag. Naligo na rin ako at sumabay na rin sa iba pang istudyante na pumasok sa bus.

Seem like nothings happen yesterday, wala kang maririnig na kwentuhan nor bakat ng kung ano man ang nangyari sa field kahapon. Super natural ng mga ngiti at daldalan ng iba, may mga nagtatanong pa bakit napaaga daw ang alis namin imbis na mamayang hapon pa.

Sinabi sa akin ni Tbuce na hinimatay raw ako kahapon sa field dahil daw nagpaulan ako at tinamaan ng bola mabuti nalang raw at nasalu niya agad ako. But the thing is, hindi ganun ang naaalala ko. At alam kong hindi siya ang nakasalo sa akin.

Naaalala ko na nakita ko siya malapit sa may gate, hindi ganuon kalayo mula sa lugar ko pero impossibleng siya ang makasalu. Nakita ko pa ang pagsunggab sa akin ng malaking lobo, at naaalala ko pa kung ano ang pakiramdam na mag-init ang mata ko, at paglabas ng pangil ko.

Siguro nga totoo yung sinabi niya. Walang nakakaalala ng nangyari sa field kahapon, maging si Tbuce man na may kakayahang magmanipula at magbura ng alaala.  

Sandali akong natigilan sa pag iisip ng maisip ko na may kakayahan rin siyang magbura ng alaala. Posible kayang kasama siya sa nagbura ang alaala tungkol roon at nagsinungaling siya sa akin tungkol sa nangyari sa akin na sinabi niya kanina o nabura rin ang alaala niya.

Pero…kung sa akin hindi tumalab ang spell, bakit sa kaniya na magkaya ring kumontrol ng isip e’ hindi niya nagawan ng paraan para walang mawala na memory sa kaniya.

I felt someone touch my shoulder bago pa ako makahakbang sa bus. It was him.

“Aider” sabi ko pagkalingon ko sa kaniya.

“Hi” tugon niya at sinabayan ng ngiti.

“Bakit?” tanong ko.

“I think you lost your way, kanina pa kita napapansin na malalim ang iniisip. And diba sa bus three ka?” nakangiti niyang sabi, isa pa ‘tong taong ‘to. Siya ang sumalo sa akin sa field kahapon. Hindi ko lang mapansin kung saan siya nanggaling, pero parang wala lang yung nangyari kahapon.

Nilingon ko ang sticker na nakadikit sa may harap ng bus, at nakumpirma na mali nga ang sasakyan ko. Umatras ako para makadaan na ang susunod na sasakay sa bus.  

Lumapit ako kay Aider para magpasalamat sa ginawa niya kahapon.

“Wala lang yun” nakangiti niyang sabi.

“Hindi, salamat sa pagsalo mo sa akin kahapon sa may field at paghatid sa akin sa clinic” sabi ko.

“Kahapon? Pagsalo? Hindi naman kita sinalo kahapon, and wait, galing ka sa clinic? Okay ka na ba?” tanong niya.

“Ah oo” sagot ko nalang, mukhang wala nga talaga silang maaalala.  

“Thanks” dugtong ko pa at umalis na roon. Hindi na ako nagsabi pa ng iba dahil mukhang kahit ikwento ko sa kaniya yung pagsalo na naaalala ko baka iba pa iisipin nun.

Sumakay na ako at hinintay nalamang makompleto na kami sa bus para makalarga at makauwi na.

Umakyat na agad ako sa room ko. Hindi ko na pinuntahan pa si Tbuce o tinawagan man hanggang sa magising ako kinabukasan.

Walang klase ngayon dahil linggo. Naisipan kong puntahan si Aider sa lugar niya kaya dali dali kong hinanap ang telepono ko at tinipa ko na ang mga letra rito para itext siya at itanong kung nasaan siya. Mabilis rin naman itong sumagot at tinanong kung bakit.

Wala na akong balak pang magreply kaya nagbihis na ako. Sayang rin naman kasi yung load at itatanong niya rin naman pagkadating ko roon kung bakit.

I paired my jade green cropted cardigan with this high waist black jeans and black combat boots na madalas ko ring suotin. I will go their using my motorbike na mabilis ko nang pinahaharurot at maya maya lang ay naroroon na ako.

Basketball court. Pinarada ko na ito rito at natanaw ko na si Aider na naglalaro sa ibaba. Tumigil na siya sa shot ng bola ng makita niya ako. Nakasuot siya ng putting sando at plain dark blue na short.

Lumapit muna siya sa gamit niya para magpunas at uminom, at tinanong ako kung kamusta na raw ako. Inaya niya pa ako kung gusto ko daw sa bakery ng tita niya nalang kami. Pero tumanggi na ako dahil hindi na rin naman ako magtatagal.

Tinanong ko kung nasaan na yung papel na nakuha niya sa locker niya bago pa magkaroon ng camping.

“Wait, dala ko ata” sabi niya at binuksan niya na yung isa sa mga zipper sa bag niya. Dali dali niyang inabot sa akin yung papel ng makuha niya.

Hindi na ako nagtataka kung maging siya ay hindi na rin matigil ang kuryosidad simula ng makatanggap kami ng liham.  

“Para saan ba yan?” Tanong na naman niya.

“For me” sabi ko at binalikan nang muli ang aking motorbike para umalis.

|~|•|~|
The L&L Academy

The Lier & Lyer AcademyWhere stories live. Discover now