Chapter 11
Vine's POV
4:30 pm na at hindi na ako mapakaling umalis ng klase ni sir Benurito. Matagal siyang magturo lalo na't math teacher siya.
Nabigla na lang ako sa inakto ko, nang itaas ko ang kamay ko at nagpaalam na c-cr.
"Go ahead" pagpayag sa akin ng aming guro.
Ang bilis kong lumabas ng pinto at pinuntahan ang office ni miss Reque.
Hindi ko na nagawang kumatok pero nagawa ko namang ikalma ang aking sarili ng maabutang wala roon si Miss Reque at possibleng may klase pa ito.
Nilapitan ko ang mga nakasabit na mga susi sa bulletin board ni Miss. Mabuti nalang at mabilis kong nahanap ang mga susing kailangan ko, room 413 and 315.
Hinanap ko na rin sa office ni miss ang ibang mga file ng mga istudyanteng nasa listahan ni Tbuce.
Mag pa-five na ng magulat akong biglang bumukas ang pintuan.
Nilingon ko ito at nagpapasalamat akong sila Tbuce at Nia lamang ito.
"Nasayo na yung susi?" tanong ni Nia.
"Yes, yung files nalang ng lima ang wala ako" kinuha ni Nia ang mga bitbit kong papel at nilapitan ang xerox at printer ni miss. Iniscan niya ito para magkaroon kami ng copy, habang si Tbuce naman ay pinipicturan ang mga files na nahansp ko.
"Ito pa yung tatlo" sabi ko sabay abot ng tatlong set ng folder.
Matapos mascan ni Nia ay binalik niya na din ang ibang files ayon sa mga kulay at numero nito. Kinuntinue ni Tbuce ang pag picture ng tatlong folder at pag xerox.
Tinulungan na muna ako ni Nia na hanapin ang dalawa nalang na folder.
"Done" sabi ni Nia ng mahanap ang folder ni Amethyst Paveng.
Nilapitan na ni Nia ang scanner at iniscan na ang files ni Amethyst ganun din ang ginawa ni Tbuce.
Isang folder nalang ang kailangan ko pero hindi ko parin mahanap.
Nabalik na nila ang mga nahanap at nailabas namin folder, pero failed ang paghahanap ko sa files ni Derriwon.
"Papunta na rito si Miss" sabi ni Nia.
"We need to clean all of this" tukoy ko sa mga naxerox ni Nia.
"Hati hati tayo, i brought my bag and may dala din si Nia na book case doon nalang natin pag kasyahin sa dalawa" sabi ni Tbuce.
Hawak hawak ko ang susi at isa isa kaming lumabas ng pinto. Huli si Tbuce na nakalabas at nauna naman si Nia.
Napagkasunduan naming sa dorm nalang ni Nia dalhin,mas malapit kasi ito sa room nila Friliz and Trivaz.
Nang mailagay na namin sa room ni Nia ang mga bag of papers ay iniwan na namin siya doon. Habang kami naman ni Tbuce ay pumunta sa room nila Friliz at Trivaz.
Pumasok na ako sa room 413 at nagpapasalamat ako dahil hindi ganoon kadami ang nakadorm dito sa code I. Si Tbuce na ang bahala sa room 315.
Pagkabukas ko ng pinto ay sobrang ayos nang mga gamit. Simple ang design na may kulay puting pader na binagayan ng kulay asul na may maroon na kurtina at kama. Kulay maroon din ang aparador niya na tinabihan ng body size mirror.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras na tumingin sa salamin dahil kasing linaw naman ng hangin ang makikita kong reflection ko rito.
May nakita akong picture frame sa side table niya at akin itong nilapitan. Picture ito ng dalawang baby at may nakasingit sa likod ng picture frame na piraso ng papel.
YOU ARE READING
The Lier & Lyer Academy
VampireWorld Of Vine Book 1: The Lier & Lyer Academy | COMPLETED The academy that divided into two, the LIER and the LYER ACADEMY, they have different deans but the head dean never been seen. Start: 12.13.20 End: 05.02.22