Chapter 10
Unknown POV
Lumabas siya mula sa pinto at naiinis na tinignan kami.
"Chill, bro hindi naman namin siya gagalawin" sabi ni Hebie, na lalong kinasalubong ng kilay niya.
"Anong kailangan niyo?" diretsyang sabi niya sa amin.
"Hindi mo naman lang ba kami iimbitahang kumain ng... ano ulit tawag don?" biglang baling ni Terron kay Liane na sinagot din naman niya "Ah, caramel cake" ngingiti ngiting sabi niya.
"Stop the non-sense, alam mo naman kung ano ang gusto namin diba" sabi ko.
"Gusto mo lang, Black. Hindi nila" sabi niya sa akin na kinangisi ko.
I tap his shoulder three times saka sinabing "You know what i want, time will come" at umalis na roon.
Vine's POV
Nagising ako kinaumagahan na nasa higaan na ako, sa guest room ako natutulog pag dito ako umuuwi kila Tbuce, kaya matik ng meron akong damit rito.
Naligo na ako at nagbihis maya maya at lumabas na ng kwarto.
Minsan lang naman mag karoon ng bisita si Tbuce, imean super rare, ako lang madalas niyang kasama dito.
Pero this morning bumaba na ako at nakita ko si Nia na kumakain.
"Good morning" tumingin lang siya ng matapos niya ang sinabi.
"Morning" pagbati ko rin matapos maupo tapat niya.
Lumabas mula sa kusina si Tbuce at nilapagan ako ng mainit na sabaw. Pagkatapos niyon ay umupo na rin siya.
"Anong nakasulat sa letter?" tanong sa akin ni Nia, patungkol sa verity letter na natanggap ko.
Tinignan ko si Tbuce ng may nag tatanong na tingin, kung sinabi niya ba ang tungkol dito. Dahil wala naman akong natatandaang pinagsabihan pang iba at wala naman nakakaalam tungkol dito maliban kay Tbuce na sa tingin ko ay pati na rin si Nia.
Tinignan niya lang ako at nagbigay din ng expresyong wala akong ginawa o sinabi.
Bumuntong hininga muna ako, at sinuguradong ako ang kausap ni Nia tungkol doon. Nakatingin sa akin si Nia, kung kaya't na siguro kong ako ang kausap nito. Binigay ko na lamang sa kaniya ang papel upang siya ang magbasa.
Pag katapos niyang mabasa ay tinanong niya ako. "You don't know who's your parents right?".
Hindi ko na ito sinagot at nagtanong ulit siya sa akin "their names?".
"My mom's name is Queblissine Meharyega Colays, based on my tita and tito's" tugon ko rito.
"What about your father's name?" tanong ko.
"I didn't know" sabi ko rito.
"You don't know?" tanong niya ulit.
"Hindi ko tinanong" sagot ko na mukhang nakontento naman siya sa sagot ko.
"I have a letter too, but i'm not sure if kasama ito sa clues para sa iyo but i think for you ito" sabay abot ng letter na nakaenvelop.
Binuklat ko na ito at ibang panulat ang ginamit rito. At isang letra lamang ang nakasulat rito.
"Q?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa sulat.
"And ginto ang ink?" tanong ko ulet.
"Favorite color?" tanong ni Tbuce na halatang nagbibiro.
"Really, Tbuce? fav. color? ano naman magagawa non sa letter." sagot ni Nia kay Tbuce.
"Malay mo naman" sabi niya.
"Are you sure na clue ito? or for you talaga 'to?" tanong habang hawak hawak ang letter niya na iniiscan ng mata ko.
Hindi niya ako nasagot kaya nilingon ko siya, pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Walang kasinungalingan ang nakapaligid sa akin at wala akong kailangan malaman. Alam ko ang dahilan ng lahat ng pagkawala ng pamilya ko, kaya mag isa lang ako. Wala ng iba" mahabang paliwanag niya sa akin.
"If no, it means na for me ito? My mother's name is Queblissine and yung letter dito is Q. Possible na sa akin ito, but for what? Alam ko naman na ang name niya" pagkausap ko sa sarili ko.
"I have the list ng mga names na possible na nabigyan ng letter" sabi ni Tbuce.
"Give us a copy" utos sa kanila ni Nia. At inabutan kami ng tig isang sobre, kung saan nakasulat yung mga pangalan namin.
Marami pa kaming napag usapan. Napagkasunduan naming magkita nalang mamayang uwian dahil magsisimula na ang klase.
Nang papatapos na ang pangatlong teacher namin ay may kumatok sa pinto, pinagbuksan ito ni maam.
"What is it, miss President?" tanong ni maam kay Avyny, president ng academy namin.
"May nakita po kasing dalawang istudyante puno ng sugat sa baba. Wala po kasi yung school nurse ngayon" sabi niya.
"Sige sige, susunod na ako. Okay class, class dismissed" pagkatapos sabihin ni maam yun, ay kanya kanya na kaming bumaba.
Nakita ko si Tbuce na nandoon din sa scene, nilapitan ko siya at kasama niya din pala si Nia.
"Hindi ko malaman kung ano yung nangyari, blanko lahat" sabi ni Tbuce.
"Bakit hindi?" tanong ko sa kaniya, habang parehas kaming nakatingin sa dalawa.
"Hindi ko din maintindihan. Yung last lang na memory nila ang nakikita ko, yung papunta sila rito" sabi niya.
Kaya paring pasukin ni Thuce ang isipan ng patay kung nakikita niya ang katawan nito, pero sa ngayon ay parang may mali.
"Pangalan?" tanong ko.
"Friliz Retuer, yung sa right side and Trivaz Reloin yung kasama niya" sabi ni Tbuce.
Nilingon namin siya ni Nia, matapos niyang sabihin yun.
"Kasama sila sa list right?" tanong ko.
"Hindi ako sigurado if may letter talaga sila" dahilan ni Tbuce.
"Sino ang nakakita sa kanila dito?" tanong ko at binalik ang tingin sa dalawang babae.
"Hindi ko din sigurado" sabi ni Tbuce.
"Narinig namin silang sumigaw pero sandali lang yun" sabi ni Nia, na tinutukoy ang mga kaklase niya.
May dumating na tatlong lalaki, na may dalang bag pang patay. Inutos ni ma'am na ipasok na roon ang dalawang katawan, without capturing any of the scene. Nilinis na din ng isang lalaki ang lugar.
Dumating ang iba pang teacher at inutusan na ang lahat na umalis na sa lugar na iyon upang malinis na ng maayos ang area na yun.
Bulong bulungan ang nangyari sa dalawa, kabilaan din ang bulungan kung bakit wala man lang ambulansyang dumating at diniretsyo na lamang nila iyon sa bag.
Wala rin magawa ang mga kaibigan ng dalawa kundi umiyak at yung iba naman ay hindi maipinta ang mukha dahil sa gulat at sa nakita nilang itsura ng dalawang nakahiga.
Nakalayo na kami doon nila Tbuce at Nia, pareparehas kaming dinismissed na ng teacher kaya nakalabas kami at nagpunta ng dorm ni Tbuce.
"Friliz and Trivaz, sila ang una at pangalawa sa listahan mo" sabi ni Nia na ang pinupunto ay iyong binigay ni Tbuce sa aming listahan.
"Impossibleng BBK iyon, hindi sila ganun maglaro" sabi ni Tbuce.
"But still their's a chance" sabi ni Nia.
"Saan sila na kadorm?" tanong ko.
"Sa code I, 413 and 315. Sinarado na agad nila ang room ng dalawa ng ganuon kabilis but pwede naman tayong mag escape para makapasok doon" sabi ni Tbuce.
"Balita ko'y bubuksan daw nila mamaya yung room ng dalawa, si Miss Reque ang may hawak ng susi" sabi ni Nia.
"Snatch the key, 5pm" sabi ko sa kanila at mukhang nagkakasundo naman kami.
|~|•|~|
The L&L Academy
![](https://img.wattpad.com/cover/251909702-288-k749774.jpg)
YOU ARE READING
The Lier & Lyer Academy
VampireWorld Of Vine Book 1: The Lier & Lyer Academy | COMPLETED The academy that divided into two, the LIER and the LYER ACADEMY, they have different deans but the head dean never been seen. Start: 12.13.20 End: 05.02.22