C26

31 3 0
                                        

Chapter 26

May mga gasgas na ang suot ko sa bandang laylayan, dahil ilang beses na siyang sumasabit sa mga halaman na madalas ay matatalim dahil sa pagtakbo ko. Hindi ko rin maiwasan mapatid dahil sa mga bato.

I'm running for no reason, walang humahabol sa akin pero pakiramdam ko may nakasunod sa akin sa bilis ng tibok ng puso ko. I’m running to go far away from hall, pero parang sobrang layo ko na ata.

Ayaw kong intindihin ang mga isinalita niya sa harap ko pero patuloy na nagpapaulit ulit yun sa isip ko. Parang sirang plaka na nagpapaulit ulit, halos wala na akong ibang marinig na ingay dahil roon. Kahit nga busina ng sasakyan kanina, masira na, kapipindot ng driver dahil ang bagal ko raw maglakad, kaya ito, ngayon tumatakbo na ako ng mabilis.

Ayos rin ito, para may masabi akong dahilan sa sarili ko kung bakit bumilis ang tibok nitong heart ko, pati na rin yung bagay na gumagalaw sa kalamnan ko. Nang marating ko ang tuktok, isang malakas at mahabang sigaw ang inilabas ko. Para akong nagwawala sa hindi ko malamang dahilan.

Napapikit ako ng tumama sa gilid ng mata ko ang mga nagsisinagang araw. Hindi ko na nabatid na inabot na ako ng umaga ng dahil sa katatakbo at kaiisip ko rito, hindi ko kayang isipin na siya ang nagiging dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.

Tuloy pa rin ang pagtibok ng puso ko pero ngayon mas kalmado na. Naupo ako sa bato, at pinapayapa ang sarili. Huminga ako ng malalim at isang malakas na hininga palabas naman ang aking ginawa.

Ramdam ko ang hingal ng lingunin ko kung gaano kalayo ang tinakbo ko hanggang dito sa tuktok ng pinakamalapit na bundok sa Academy. 

"Hindi ko alam kung bakit kailangan ko yun makita. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko 'to maramdaman, ni hindi ko nga maunawaan kung bakit ganto yung tibok ng puso ko, especially dahil iba ka... bampira ka and that makes me feel that you are forbidden to be loved. Cause in the first place wala naman kayong puso, wala kayong nararamdaman, and wala kayong ibang ginawa kung hindi sumipsip ng dugo at pumatay ng tao... But still, my heart keeps beating so fast, everytime i'm with you or just thinking about you... Vine, i think i like you... Don't worry no one will know what i feel about you, dahil mali 'tong nararamdaman ko. I'll try to stop my feelings, no, no, i'll make it stop."

"I think I like you.” His words and everything just happened, keep on playing in my mind. 

Nagpalipas ako ng umaga hanggang sa malapit ng lumubog ang araw, hindi ko inakala na aabutin ako ng ganun katagal para lang magpahangin at tuluyang patigilin ang isip ko sa pag iisip ng kung anu-anong bagay.

I look back again at napagdesisyunang sasakay nalang ng taxi pagkababa ko ng bundok para pumunta sa hotel sa may city.

I powered on my phone to check the time. It's already 3 pm, and now my phone keeps on vibrating dahil sa dami ng missed calls and text from Tbuce and Nia. I check their text and reply to both of them with the same exact typings and words, i mean kinopy paste ko lang.

Chineck ko pa ang ibang text and find a next from Aider. I don't remember giving my number to him, pero dahil may history sa phone call, i'm pretty sure, nakuha niya ung number ko nung tinawagan ko siya dati.

"Thank you, Sir." I said after paying my taxi bill and finally got out of the car.

The smell of a soup interrupt me from entering the hotel. Naramdaman ko pa ang pagkulo ng tiyan ko, i think the guard also heard it. Kaya umatras muna ako at lumapit sa restaurant kung saan nanggaling ang naamoy ko.

There's a lot of humans here. And a lot of them are also looking at me, maybe dahil naka formal dress ako? Sa suot ko palang talaga halata ng galing sa party, but the thing is may mga part sa dress na nasira. I might cut it na lang siguro pagkatapos kong kumain.

I breathe before i continue walking palapit sa counter. I ordered the soup that interrupted me pati na rin steak na napapaligiran ng green peas, carrots and kung ano ano pa. I also asked for a scissor sa counter, gladly they let me borrow their free scissor. Pinahiram na niya agad yung gunting niya at doon na sa harap niya ako nagcut ng lower part ng dress. I’m thankful na hindi bonggang gown at sobrang kapal na tela, pati hindi ganuon kadami ang layer ng dress na napili namin nung nakaraang gabi.

'Finally' sabi ko sa isip ko ng makaupo ako. Ininom ko naman agad ang tubig na hiningi ko at sinandal ang ulo ko.

I can feel na napagod at nasaktan ang paa ko katatakbo, dala na rin ng pagtakbo ko ng nakayapak. Sinuot ko nang muli yung heels na suot ko nung party, dahil hindi naman magandang tignan kung magpapaa ako dito sa city, baka isipin nilang namamalimos ako at nasisiraan ng bait. Ang malala pa ay baka hindi pa ako papasukit sa kung ano anong establishment meron dito.

Isang tango at ngiti ang ginawad ko sa nagserved ng pagkain ko ng maihatid ito ng waiter sa akin. Tumango rin naman siya ng matapos.

I immediately cut the steak and eat it. I get my spoon and taste the soup, and talagang hindi nito binigo yung naamoy ko dahil sa lasa. I continue eating, hanggang sa maubos ko yun.

Sandali pa akong nanatili roon bago naisipang tawagin ang waiter para magbayad at umalis.

Eight na and pagod na rin ako kaya hindi ko na binalak pang bumili ng pamalit at kung ano ano pa. Dumiretsyo na ako sa hotel na binabaan ko kanina. When I already got my key, I take off my heels and walk sa hall, at least i’m sure na, na may matutulugan ako ngayong gabi na maayos.

Tamad akong sumandal sa pindutan ng elevator ng makita kong nasa pinakataas pa itong floor pero pababa, samantalang ang isa ay paangat palang at kasasarado lang. It means mahaba habang hintay pa ang gagawin ko.

I opened my phone again and texted Tbuce.

'I'll be there at home on monday. Let's just meet at Nia's house. Contact Aider too.'

  - Vine

While typing, bumukas na yung elevator na hinihintay ko at pumasok na without looking kung kasya pa ako. Pero kasya naman.

Pinindot ko na kung anong floor ako at tinignan ang sarili sa reflection ko sa mirror dito sa pinto ng elevator.

Hindi ko maiwasang mapahikab sa antok. Napatakip ako ng bibig at hindi pa man natapos ay napatingin ako kay Aider na kasama ko pala sa elevator, dalawa nalang kami hindi katulad kanina na parang nasa lima o pito siguro, kaya hindi ko siya napansin. Inakala ko pang mag-isa ako rito.

Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya at parehas pa rin sa posisyon ko. Hindi sana ako nagkakamali dahil baka dala lang ito ng pag-iisip ko kanina. Pero nang ngumiti siya napatunayan kong siya nga iyon, and we're on the same hotel, exactly at the same elevator right now, and dalawa lang kami, and mukhang same floor pa. Dahil isa nalang ang nakailaw sa pindutan ng floor.

I keep wishing na sana hindi kami magkaparehas ng dadaanan ng room. Help me grant my wish!

|~|•|~|
The L&L Academy

The Lier & Lyer AcademyWhere stories live. Discover now