Chapter 20
Vine's POV
Hindi ko nagawang makapagsalita sa haba ng sinabi niya. Para akong nalalagutan ng hininga sa bawat pagbuka ng bibig niya. Pakiramdam ko ano mang oras may sasabihin pa siya na mas ikagugulat ko.
"Vine" pagtawag niya, nilingon ko namang muli siya.
"I'm sorry, but you need to know this too."
"Ano yun?"
"Last time, nung umuwi tayo sa bahay ko, may nakita kang bisita ko. Lima sila, tatlong lalaki at isang babae. Nakilala kita nung panahon na nagkahiwalay tayo. Hindi ko alam kung nasaan ka, may nga nakilala rin akong kalahi mo. Naikwento kita sa kanila at iniisip rin nilang ikaw ang anak ng reyna. That you need to be back."
"Pero... ibabalik ka lang nila dahil iniisip nilang may magagawa ka para sa kaharian niyo. Kinuwento nila sa akin na nung oras na isilang ka ng iyong ina, nawala ka. Sinabi nilang tinakas ka ng iyong ina pero ang ina mo ay nanatili sa lugar ninyo. Hindi ako naniwala sa kanila pero pinagpatuloy pa rin nila ang kwento."
"Nais ng ama ng ina mo na ito ang susunod na mamuno pero nang malaman nilang buntis siya nagbago ang ihip ng hangin. Nagalit ang ama ng nanay mo sa kaniya. Humugot ng ibang babae ang ama niya at doon nakipagtalik. Nung oras rin iyon may pagsasalo salo sa lugar ninyo. Tumakas ang ina mo para makipagkita sa ama mo, pero nagkataong napatay ito at siyang araw rin ng pagsilang sayo. Lumipas ang araw nakabuo rin ng babae ang hari. Nalalimutan na ng hari ang apo niya dahil natuon ang atensiyon niya sa bagong silang nuyang sanggol. Yun na ang nais ng hari na mamuno at hindi ang ina mo. Nagalit ang karamihan sa hari, kaya muling sinabi nito na ang ina mo ang magiging reyna. At hindi nga nagkamali. Ang ina mo ang naging reyna ng mamatay ang hari. Naging maayos ang lahat."
"Sinabi rin nilang nais ka nilang muling bumalik sa lugar niyo para ikaw ang maupo dahil nararapat ka roon. Hindi ako pumayag dahil hindi ako naniniwala sa kanila nung oras na yun. Hanggang sa dinala nila ako sa lugar niyo. Nagkataong nung mga oras ring iyon, nagkaroon ng gulo sa lugar niyo. At ang naabutan namin ay ang kapatid ng ina mo sa ama ay siya ng nakaupo sa trono ng iyong ina."
"Hindi rin alam nung mga yun ang gagawin kaya napagplanuhan nilang kuhain ka sa nalalapit na kaarawan mo upang iharap at ikaw ang makipaglaban sa tita mo."
"Alam nila ang tungkol sa kakayahan mo Vine. At sa pagkakataong ito, hindi lang isa o dalawa ang humahabol sayo."
"Hindi pa tapos ang mga manggagaway sa paghanap sa iyo, posibleng tahimik lang sila ngayon pero handa silang patayin ka once na makita ka nila. Ganuon na rin ang mga tapat sa tita mo na bampira. Hindi kanila gustong patayin dahil nais ng tita mo na gamitin ang kakayahan mo laban sa mga iba pang kaharian ng mga bampira."
Ilang saglit pa pilit kong iniintindi ang mga sinabi niya ngayon lang. Para akong sasabog ano mang oras.
Napakarami niyang nalalaman pero nagawa niyang itago lahat iyon sa akin. Sa tagal naming magkasama hindi ko pa rin pala talaga siya kilala. Halos sa kaniya na ako matulog araw araw at lagi ko siyang kasama, nagagawa niya pa ring makapagtago sa akin.
Gusto ko pa siyang tanungin tungkol sa mga nalalaman niya pero ayaw ko na munang mag isip, napapagod na ako. Kada kwento niya pakiramdam ko may pinuprotektahan siya para hindi niya sabihin ang ibang parte sa kwento. Lagi nalang may kulang, lagi nalang hindi sapat, lagi nalang bitin. Nakakaloko, para niya pa rin akong pinaglalaruan sa mga paliwanag niya.
"Lactsvine, is that my real name?" tanong ko sa kawalan.
Naramdaman ko ang gulat kay Tbuce. "Yun ang alam ko, nung makuha kita may nakasulat sa suot mo na Lactsvine, kaya yun ang tinawag ko sayo." Nakahinga naman ako ng maluwag.
Maya maya lang ay nagsipag ayos na kami dahil pare-parehas pa kaming may pasok. May mga damit daw sa bawat kwarto rito. Lumabas na silang dalawa para makapag ayos na rin.
Nang makalabas ako ng kwarto. Nakita ko si Aider na nasa labas ng pinto ko. Mukhang naghihintay.
"You still here?" tumango naman siya.
"I'm sor-" agad kong pinutol ang sasabihin niya dahil ayaw ko munang makarinig ng iba pang paliwanag. Pakiramdam ko nagsinungaling lahat ng taong nasa paligid ko, kahit ang mga taong hindi naman parte ng buhay ko.
"If you have something to say, tell it to me next time"
"Sorry" paumanhin niya.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko at tuluyang sinarado ang pinto at naglakad.
Narinig ko pa ng paglunok niya bago magsalita. "Gusto ko sanang sabay nalang tayong pumunta sa academy".
Tumigil ako sa paglakad at ngayon magkapantay na kami. "Hindi ko alam ang batas sa Lyer kaya sinasabi ko lang sayo na kung mapagalitan ka dahil kasama mo kami at late ka, hindi ko na sagutin pa ang mangyayari sayo." Para naman siyang natakot sa paraan ng pagkakasabi at pagkakatingin ko sa kaniya.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tuluyan ng lumabas. Naabutan namin sila na naghihintay na rin. Nakasakay na sa motor niya si Tbuce at sa sports car ni Nia si Nia. Handang handa ng umalis.
Sumakay na ako sa motor ko at handa ng paandarin ito. Mabuti nalang at nakasakay na rin si Aider. Nilingon ko pa siyang muli kung nakahanda na siya at mukhang handa na nga kasi nakangiti siya ng nilingon ko.
"Tsk" pabulong na angil ko at pinaandar na ang motor. Ganun na rin ang iba pa.
Ang bibilis ng mga patakbo namin, para kaming mga nagkakarerahan sa bilis. Wala namang ibang sagabal sa daan namin at maayos kaming pinapasok ng guard sa school. Humiwalay na ng daan sa amin si Aider dahil sa kabila ang parkingan nila at kami ay sa kanan na malapit sa dorm namin.
"Ayos yun ah" pagkausap ni Tbuce sa sarili. Tinapik pa siya ang sasakyan ni Nia ng maipark ito ng maayos ni Nia. Nang makababa naman siya nilapitan niya si Tbuce upang paluin ang kamay nitong hinahawakan ang sports car niya.
Bumaba na rin ako ng motor at umalis na roon. Sumunod rin naman ang dalawa. Hindi na namin dinaanan ang Lyer ng pumasok kami sa Lier.
Magkakaklase kaming tatlo sa edukasyon sa pagpapakatao. Kung tutuosin hindi namin ito kailangan dahil hindi naman kami mga tao para pagpakatao. Pero dahil parte ito sa pinag aaralan wala rin kaming magagawa kundi ang pumasok sa klase.
Sabay sabay kaming pumasok sa klase at nakakagulat lang na hindi si Sir Quinton ang naroroon sa harap para magturo.
Nilingon nila kaming lahat maging si Derriwon na nagtuturo sa harap. "Cutting huh? sit down" utos niya sa amin.
Wala rin naman kaming nagawa dahil masyadong marami ang nakatingin. He's my crush but i don't feel comfortable na siya ang magtuturo sa amin and worst, ito pa ang unang beses na magtuturo siya sa amin at napagalitan pa kami.
"I'll mark your attendance as cutting" sabi niya sa aming tatlo. Halatang gustong umalma ni Nia pati ni Tbuce. Nilingon ko si Tbuce ng makita kong nakatingin si Derriwon rito. Nakita ko kung paanong dahan dahang nagkasalubong ang kilay ni Tbuce habang nakatingin rito. Muli kong binalik ang tingin at ang ngising gumuhit sa labi ni Derriwon ay nakakapangilabot, parang hindi siya ito o sadyang ito lang talaga ang unang beses na makita ko siyang gawin iyon.
Nilingon ko ang iba pang naroroon ngunit parang hindi nila nakita ang ginawa nito kahit na tutok na tutok sila sa nagtuturo.
Tumalikod ng muli si Derriwon sa amin at muling ipaliwanag ang kaniyang pine-present sa amin.
|~|•|~|
The L&L Academy
YOU ARE READING
The Lier & Lyer Academy
VampireWorld Of Vine Book 1: The Lier & Lyer Academy | COMPLETED The academy that divided into two, the LIER and the LYER ACADEMY, they have different deans but the head dean never been seen. Start: 12.13.20 End: 05.02.22