Chapter 19
Vine's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Hindi ko nagawang tumayo agad dahil sa lalim ng pag iisip.
Kagabi pa lang iniisip ko na kung anong dapat gawin o kung may dapat ba akong gawin. Simula ng bumagsak ako kahapon, nakita ko sa panaginip ko kung ano ang mga nangyari. Pero mas lalo lang nagulo ang isip ko ng nung gabi ding iyon narinig kong nagtatalo ang tatlo.
Narinig ko pa ang pagsampal ni Nia kay Tbuce. Dahil sinabi nito na kailangan niya munang burahin ang ibang alaala ko dati dahil pati sa kaniya ay natatakot at nagagalit ako. Ngunit wala akong maalalang natakot o nagalit man lang ako sa kaniya. Kung meron man sana yung parte lang na iyon ang binura niya sa akin.
Sa pagkakataong ito, hindi ko matanggap na nagawa niyang burahin ang alaala ko.
Nilingon ko ang sofa sa tabi ng gilid ng higaan mg maramdaman kong may gumalaw rito.
Nang maimulat niya ang mata niya, gulat ang gumuhit habang nakatingin sa akin. Ganun pa man nawala rin naman iyon.
I bring back my sight at the ceiling and ask him "Did i scare you?"
Nilinis niya ang lalamunan at sumagot "No, i-i'm just-just, nagulat lang ako"
"Bakit?" tanong ko
"Anong bakit?" pagbabalik niya ng tanong.
Muli ko siyang nilingon at tinignan "Bakit ka nagulat?"
"Ah, nagulat lang akong gising ka na" medyo nauutal pa ring sabi niya.
"Nagulat? dahil sa gising na ako? narinig ko lahat ng sinabi mo kagabi habang natutulog ako, ako dapat ang magulat sa pinagsasabi mo" nakangising sinabi ko ang huling tatlong salita.
Nakita ko naman kung paano nanlaki agad ang mga mata niya sa sinabi ko.
Niloloko ko lang naman siya pero mukha ngang kumakausap siya ng tulog."What did you hear?" tanong niya na handa ng magpaliwanag.
Ano naman kayang kalokohan ang sinabi niya sa akin habang natutulog ako? Ngumiti nalang ako sa kaniya na parang nagustuhan ko ang mga pinagsasabi niya sa akin.
Nakita ko naman ulit ang panlalaki ng mga mata niya sa gulat.
"Can i hear it again?" i asked with a smile.
"Eh?" tanong niya, at awkward na tumawa.
Aasarin ko pa sana siya pero bumukas ang pinto at niluwa nito si Tbuce na, diretsiyong nakatingin sa amin. Aatras sana siya ng magsalita si Aider.
"Hey!" nilingon naman ito ni Tbuce.
"Kailangan ko ng umuwi, hindi pa ako nakapagpaalam sa bahay" sabi ni Aider na nakalapit na sa pinto. Nilingon ko naman siya at pinagtaasan ng kilay. Nakita niya naman ito at ngumuso't nag-iwas ng tingin.
Tinanguhan naman siya ni Tbuce. Lumingon pang muli sa akin si Aider at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Nakita ko ang paglunok ni Tbuce at lumapit sa akin. "I'm sorry"
"For what?" tanong ko.
"I'm sorry for erasing you memories" sabi niya at nilingon ko ulit siya.
"Really? yun lang?" tanong ko, natigilan naman siya. Nang makarecover, muli siyang nagsalita "Sorry rin dahil ngayon ko lang binalik sayo".
Napangisi naman ako sa kawalan at pinikit ang mata.
"Why you lied?" i ask.
Hindi naman siya agad na nakasagot. Dahil sa tagal na hindi niya pagsasalita nilingon ko siya at muling inulit ang tanong.
"Why you lied?" pero sa pagkakataong ito halos pa sigaw ko ng sinabi. Nagulat naman ako ng ang halamang nasa tabi ng kinahihigaan ko at biglang naglabas ng apoy.
Narinig ko pa ang mahinang pagmura niya at ang mabilis na pagkilos niya para kumuha ng kung anong pangpatay ng apoy.
Nilingon niya ako ng mapatay niya na ang apoy. "Because of that" naiinis na sabi niya. Nagsalubong naman ang kilay ko sa isinagot niya.
"Hindi ko naman kasalanan ang pag apoy bigla niyan, tulad nga nang sabi mo bampira ako, paano ako makakapaglabas ng apoy? hindi ako katulad mo" gigil na sabi ko.
"That's the thing that i don't know about you! lagi kong iniiwasang magalit ka dahil tuwing nagagalit ka bigla nalang magliliyab ang mga halamang malapit sayo! I first saw you sa labas ng Academy. I brought you in our place ng maisip kong wala kang pupuntahan o kukuha man lang sayo, without knowing who and what you are." Bumuntong hininga pa siya bago muling nagtuloy.
"Wala pa akong idea tungkol sa kung ano ang kaibahan natin. Pero alam kong isa akong witch at may malaking galit ang mga katulad kong manggagaway sa katulad niyong mga bampira. Nang inuwi kita, tinago muna kita sa amin. Ang ama ko ay madalas na wala, samantalang ang nanay ko ay matagal ng namatay."
"Inalagaan kita dahil gusto ko ring may kasama habang wala si Papa. Ngunit habang tumatagal halos wala pang anim na buwan mabilis kang lumalaki hanggang sa natuto ka ng maglakad ng pakunti kunti. Pero tuwing nasa bahay ka lagi nalang may nakapalibot na makakapal na hamog sa labas ng bahay."
"Simula nun, may mga naghihinala ng yun ang kakayahan ko bilang isang mangagaway dahil hindi nila alam na nag eexist ka roon sa lugar na yun. Pero hindi ko maipakita iyon sa kanila o mabura man lang ung alaala nila dahil nung mga edad ko na iyon hindi pa tuluyang lumalabas ang kakayahan ko wala akong nagawa. Pinilit nila akong pasukin sa bahay."
Salubong ang kilay niya ng muli niya akong nilingon at parang nakikita niya muli ang mga nangyari.
"Doon, nakita ka nila. Natuwa sila ng makita ka. Pero..."
"Pero yung mga mata mo biglang pumula at nasunog ang mga halaman, puno at damo na nakapaligid sa iyo. Nagulat ang mga manggagaway sa nangyari. Nais ka nilang patayin ng oras na iyon, pero nagawa kitang itakas noon. Dahil naisip kong ako ang nagdala sa iyo sa lugar na iyon. Sa totoo lang tatanggapin ka nila kahit naglabas ka ng apoy o nang dahil sayo kung bakit nasunog ang mga puno, pero dahil sa mata mong pumula napagtanto nilang hindi ka katulad namin na isa kang bampira."
"Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang matakot sa iyo noong oras na iyon. Siguro dahil mas natakot ako sa gagawin sayo ng mga sumugod sa bahay. Nung oras rin iyon dumating si papa. Humingi ako nang tulong para sa iyo pero tulala siya. Nakatingin siya sa bahay namin, nasama sa sunog yung bahay namin. Ramdam ko ang galit sa akin ni papa noon. Pero alam kong mas marami ang may galit sa amin nung oras na yun. Wala akong magawa ng makita kong kuhain ng mga manggagaway ang papa ko. Gusto ko siyang takbuhin, pero kumapal lang ang hamog na nakapalibot saiyo. Tinatakpan nun ang paningin ko. Nagulat ako ng maramdan kong bitbit mo ako at may kakayahan kang tumakbo ng mabilis."
"Nakiusap ako sayong balikan ang papa ko pero wala kang ginawa. Hanggang sa nagtalo tayo, lumikha ka na naman ng kakaibang apoy. Nang magtapat ang mata natin nakita ko yung takot at galit sa mata mo na parang may kasalan akong ginawa sayo. Nung oras na iyon hiniling ko sa isip ko na sana mabura nalang lahat ang alaala mo tungkol sa nangyari. At doon nga nabura ang alaala mo, nahimatay ka noon. Nawala rin sa paligid mo ang hamog at apoy."
"Pero kala ko tapos na ang problema ko. Plano kong iwan ka nalang ulit sa lugar kung saan kita nakita pero alam kong sa mga oras na iyon hahanapin at papatayin ka nila habang hindi mo alam kung ano ang mga dahilan nila." Napakahabang paliwanag at kwento ni Tbuce, hindi ko rin namalayang naroroon na pala si Nia na nakadantay sa may pinto at nakikinig rin.
|~|•|~|
The L&L Academy
YOU ARE READING
The Lier & Lyer Academy
VampireWorld Of Vine Book 1: The Lier & Lyer Academy | COMPLETED The academy that divided into two, the LIER and the LYER ACADEMY, they have different deans but the head dean never been seen. Start: 12.13.20 End: 05.02.22