Chapter 30
"She's being a huge destruction again" Nia said.
"Yan yung sinasabi ko sayo, kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang bumalik rito at guluhin ang buhay niya. I told you that i can protect her, nang wala siyang nasisira, at hindi siya nasisira," ramdam ang inis sa tono ni Tbuce ngunit prente niyang sinabi ito.
Gising na gising ako pero ayaw gumalaw ng katawan ko simula kanina matapos naming mapatay ang apoy. Hindi ako nawalan ng malay, gising ang diwa ko, pero katawan ko ang kusang nahiga sa lapag. Napaka-contradict no’? Ramdam ko rin ang sakit ng pagkabagsak ko pero hindi makapag-react ang mukha ko pati boses ay walang lumalabas kahit na gustuhin ko.
"Pwede ba?," naiinis rin na sabi ni Nia, para silang magkapatid kung mag usap.
Narinig ko pang huminga ng malalim si Tbuce bago muling nagsalita. "What if..." pambibitin niya, mukhang naghihintay rin si Nia sa kasunod na sasabihin nito.
"What if burahin ko ulit yung memories niya? kahit ito lang? She look so afraid sa ginawa niya na hindi niya alam. She can't control her power, and i'm afraid na baka matakot lang siya sa sarili niya ‘ulit’."
"What if lumayas ka rito sa bahay ko? You know naman na galit siya nang malaman niya na binura mo ang first memory niya? Baka gusto mo pang madagdagan yun, pagdumating na naman yung time na need mong sabihin at ibalik sa kaniya yun?"
"Mas pipiliin kong magalit siya sa akin kaysa nakikita ko siyang ganyan na matakot sa sarili." Natahimik naman silang pareho pagkatapos sabihin iyon ni Tbuce. Narinig ko naman ang mabigat ngunit mahinang pagbuntong hininga ni Nia.
I don’t know what are they doing now, i can’t feel both of their eyes looking at me. Maybe talking to each other thru their minds? But whatever. Ayaw ko na munang isipin sila, hindi ko gusto ang suggestion niya.
Kung ano ako ang tatanungin nila, kung hihingin nila ang opinyon ko bilang ako naman ang may buhay nito, bilang parte ito sa nangyari sa akin, hindi ko rin alam ang gagawin ko pero sigurado akong hindi ako papayag na burahin muli ang alaala ko. Baka mabuhay lang akong paulit ulit na itatanong sa kanila kung sino ako.
"Tbuce, malapit na siyang magbirthday." State bigla ni Nia, hindi naman nakasagot si Tbuce rito.
"I think, we need to train her, kung paano niya kokontrolin yung kakayanan niya o para mas maimprove pa ito, and as far as i know, hindi lang apoy ang kaya niya, may powers pa siyang iba na beyond my knowledge." Sabi niya.
"Asa ka, wala ka ngang kakayahan, paano mo pa siya tuturuang kontrolin yung kakayahan niya?," pang aasar ni Tbuce may Nia. But his playful answer didn’t go well with Nia being serious about the discussion.
"That's why we're going to search for her mother, siya ang mas nakakaalam ng ganito. Or other vampire na mapagkakatiwalaan."
"At yang sinasabi mo ay mahirap gawin. Mahirap humanap ng bampira na mapagkakatiwalaan, hindi mo malalaman kung sino ang sino." Maya maya lang ay umalis si Tbuce, mukhang itutuloy ata ang niluluto niya.
Samantalang ramdam ko ang tingin ni Nia sa akin. Ginalaw ako ni Nia upang gisingin at nagsalita, “I know you’re awake”, nang tumawag si Tbuce na luto na ang pagkain.
Wala akong imik nang makababa kami, hindi ko na rin magawang magrespond sa sinabi niya. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa at kagagaling lang ni Tbuce sa kusina, nagpupunas ng basa niyang kamay.
Iniatras ni Nia ang upuan pangalawa mula sa dulo at pinaupo ako. Siya ang kasunod na naupo, sa tabi ko, una sa dulo. Nasa harapan namin si Tbuce na nagsasalin ng tubig sa baso naming lahat.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng may kumatok sa pinto, hindi ko na ito nilingon pa, busy sa pagkain at pag-iisip ng kung ano anong bagay. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumayo si Tbuce at umalis.
"Buti naman at ipapaalam niyo na kami sa kaniya," sabi ng kararating lang, hindi ko kilala ang boses niya pero masyado akong focus sa pagkain kaya hindi ko na muna siya lilingunin.
"Come, let's eat first." Napaka-welcoming na aya ni Nia sa kadarating lang na bisita.
Naupo ito sa tabi ng upuan ni Tbuce, katapat ko. Tinabingi niya ang ulo niya at halos dumikit na sa lamesa upang tignan ako sa mata, sakto namang pasubo ako kaya inangat ko nalang ang mata ko sa direksyon niya.
I'm looking at him with a 'What?' expression, questioning his weird action, especially kumakain ako.
He show me his biggest smile that he can have, napangiwi nalang ako sa ginawa niya at muling nagtuloy ng pagkain.
"Sino ba yun?" tanong ko kay Nia nang nasa sala na kami at nanonood ng tv na halata namang tinitignan lang namin pero hindi namin iniintindi.
Kaming dalawa lang ni Nia ang nandirito, may ibang pinuntahan ang dalawa, hindi pa rin kasi nila ako makausap kanina, maliban sa nakatingin lang ako sa kanila wala ring pumapasok sa isip ko.
Nakita ko pa sa peripheral vision kung paano agad akong nilingon ni Nia, halata talagang naghihintay siya na basagin ko ang katahimikan.
"That's Terron, he's…," paghinto niya at ginalaw pa ang ulo papunta sa balikat at ibinalik, "a vampire, like you".
"And?"
"And, he will help you," may pag aalangan pa sa boses niya, hindi na ako nagtanong pang muli tungkol sa kaniya.
Maya maya lang ay naalala ko ang text sa akin ni Aider.
Hey! Good afternoon, I didn't see you left this morning but are you free later? Dinner time. My sister keeps on bothering me to invite you, can you go?
- AiderPag-anyaya niya, i already said yes immediately kanina nang tinext niya yun dahil gusto ko na umalis muna ulit. And i need to prepare already, malayo ang city rito.
"Remember my twin?," pumwesto ako paharap sa kaniya at pinatong ang braso sa may sandalan upang itanong iyon habang nasa ganuong posisyon.
Nag aalangan siyang sumagot, kaya muli akong nagsalita. "Stop lying now, naiinis lang ako, you already said that to me earlier. Nakwento na rin naman siguro sayo ni Tbuce yung tungkol sa nangyari nung friday, so now, i think i'm going to meet her later dinner time.” I said as if i'm telling her some chika and assurance.
Nagugulat at hindi naniniwalang dalawang mata ang nakatingin sa akin. "I just want to ask, if alam mo lang, kung may kakayahan rin ba siya? Amm, magkasama ba sila ni mommy?" I asked.
"As far as i can remember, wala siyang kakayahan. Kasi kapag sinilang kayong may mga kakayahan or royalties, unang iyak niyo pa lang o nang sanggol kayo lalabas na, mararamdaman at makikita na namin. But in her case wala, and parang hindi rin siya bampira, tho impossible yun, and very weird. But may theory about twin vamps."
"E' magkasama ba sila?"
"Whom?" She asked, "Your mom?" nang maisip niyang tama siya muli siyang nagsalita.
"No, nawala yung sister mo nang isilang siya. But about sa old theory, every twin vampire, yung isa sa kanila mabilis na tatanda or mag-aadult pero mag-stay na roon. Habang ang isa ay dadaanan lahat ng edad hanggang sa marating niya ang visual ng pang adult. And i think ikaw yung sa pangalawang sinabi ko."
"Bali, kung makikita ko siya hindi kami magmumukhang kambal, at the same time we weren't having the same age, pero same kami ng years na nabubuhay rito?"
"Yes, and her age maybe on 20 or 30." Sabi niya.
|~|•|~|
The L&L Academy
YOU ARE READING
The Lier & Lyer Academy
VampireWorld Of Vine Book 1: The Lier & Lyer Academy | COMPLETED The academy that divided into two, the LIER and the LYER ACADEMY, they have different deans but the head dean never been seen. Start: 12.13.20 End: 05.02.22