C15

36 3 0
                                    

Chapter 15

Vine's POV

Wala ako sa sarili ng ituro na nila kung ano at para saan yung mga ginawa namin kanina. Naglilipad ang isipan ko sa nangyari doon sa hangin bridge. Hindi mawala yung boses niya at patuloy na naglalaro sa utak ko ang bawat salita at bigkas niya na parang paulit ulit niya rin itong binubulong ngayon sa tenga ko.

Pilit ko pa ring sinisiksik sa isip ko na hindi totoo iyon, kahit na alam ko na totoo ang nagyari pero hindi ko matanggap at hindi ko kayang tanggapin.

Malalakas na hangin ang sumasampal sa akin nang lumabas ako. Galing ako rito sa isa sa nga room sa school na rito. Pwede naman raw maglibot at may permission rin naman basta babalik sa tamang oras, magkakainan na rin kasi. Yung iba naligo ulit dahil nga sa putik.

Sa pagkakataong ito, kalmado na ako. Payapa akong nakalabas ng building at pumunta na ako sa isa sa room kung saan daw kami tuturuan ng kung ano ano.

Tuloy tuloy ang daloy ng pagtuturo habang ang utak ko naman ay patuloy na naglalakbay. Hanggang sa dumating na ang oras ng pagtuturo tungkol sa mga mitolohiya.

Isang malakas na sigaw ang nagpatigil sa amin na sinundan pa ng pag-ulan. Isang malakas na ihip ng hangin ang nararamdaman namin. Kita din sa pag galaw ng puno kung gaano kalakas ito.

Nag announce ang microphone mula sa mga hallway at mga classroom na ginagamit namin na ang mga tent na tinayo namin ay naayos na nila at sa mga classroom muna kami magsisipagtulog. Maaari na rin daw muna namin kunin ang mga gagamitin namin.

Nagpaiwan ang ilan dahil wala silang dalang mga payong o panakip man lang. Itinabi ko na ang mga nakakalat kong ballpen sa lamesa, at lumabas na.

Hindi ko pa nakikita si Tbuce simula ng makita ko siya kanina sa may likuran ng building.

Madami dami ring naghihintay na tumila ang ulan sa baba, habang ako naman ay patuloy na naglalakad hanggang sa makahanap ako ng mas maluwag na lugar, dito sa malapit sa field. May pagsisilungan naman sa parteng ito ng field. Naupo na ako sa may upuan at ang iba ay tumakbo papunta roon sa pinanggalingan ko.

May payong naman akong dala kaya okay lang. Hindi ganuon kalinaw ang lugar pero kaya ko pa namang makita ang nangyayari.

Medyo humina-hina na ang pag-ulan kaya tumayo na ako at nagpagpag ng damit.

Nakita ko si Tbuce sa kabilang dulo malapit sa gate, papunta na ako sa kaniya ng may humigit sa akin payakap. Kasabay niyon ang muntikan ng pagsunggab sa akin ng isang malaking hayop.

Natigil ang paghinga ko ng maramdaman ko ang pag iinit ng mata ko. Hindi ko na nilingon kong sino ang yumakap at madiin kong ipinikit ang mga mata ko't dumagan sa dibdib niya. Pilit na pinipigilan ang nais ng kung sino mang nasa katawan ko ngayon. Ramdam ko ang pagtigil ng daloy ng dugo ko at paghaba ng pangil ko sa ngipin.

Hindi ko na alam ang nangyari ng biglaang magdilim ang paningin ko at paghina ng katawan kong bumagsak na sa may hawak sa akin.

Tbuce's POV

Nasa tapat ako ngayon ng gate upang  puntahan sana si Maribelle, nung pagkarating palang namin rito ay pinagdududahan ko na siya. Malapit ko na sanang masundan si Maribelle ng bumagsak ang ulan, kasabay niyon ang malakas na tunog.

Napag-isipan kong bumalik nalang sa field kung saan ko sana planong itext si Vine dahil siguradong kanina pa iyon naghihintay sa akin. Paglingon ko sa lugar na iyon ay kitang-kita ko kung paano nagpapalit ng anyo ni Cleosmy, ang kaibigan ni Marrene.

Napupunit ang damit niya at nagiging isa siyang malaking lobo sa gitna ng bukas na parang. Umikot pa ito ng tingin na animong may hinahanap.

Nakita ko na mula rito si Vine, at siya namang pagtakbo ko sa kaniya. Nais sunggaban ng malaking lobo si Vine.

Parang sobrang bagal ng oras ng halos magdikit na ang matatalim na ngipin niya kay Vine.

Hawak hawak ko sa leeg ang lobo at pilit na inilalayo ito kay Vine. May lumapit sa akin at tinalian ng lubig ang lobo, na bigla nalang nahimatay. Kasabay ng pagkahimatay ni Vine.

Dinala na namin si Vine sa clinic habang si Cleosmy ay hawak ni Miss Reque kasama ang mga lalaking kasama niya rin sa pag asikaso nung nakaraan sa dalawang babaeng namatay.

Binaba na ni Aider si Vine sa bed ng clinic upang macheck siya ng Nurse. Bakat rin sa mukha niya ang pag aalala ganuon na rin ang takot sa nasaksihan kanina.

Sinabi ng nurse na mataas ang temperature ni Vine dahil sa pag papaulan nito at posibleng dahil na rin sa sobrang pagkagulat.

Kinunsulta na rin kami ng nurse upang icheck kung may nangyari rin ba sa amin.

"Wala namang ibang nangyari sa inyo, at pwede niyo naman na siyang iwan muna dito para makapagpalit na muna kayo ng damit, baka lagnatin din kayo" sabi ng nurse sa amin.

"Maiiwan na ako rito, nurse, maglilinis lang muna ako diyan sa cr" sabi ko at inilabas ang pamalit ko. Pumasok na rin ako sa cr rito sa clinic.

Tinignan ko ang mata ko mula sa salamin, at nakita kong kuminang ang mata kong nag kulay ginto, mabilis ko itong ipinikit at naghilamos ng mukha. Tinanggal ko ang basa kong damit at pinatong ito sa sink.

Gusto kong suntukin ang salamin na kaharap ko ngayon, kaso siguradong gagawa lang ako ng ingay at baka makarating sa kanila.

Naiinis ako kung bakit sa gantong paraan nila gustong gawin ito. Wala akong magawa sa mga desisyon nila. Pilit kong nilalayo si Vine sa kanila. Ayaw kong bumalik ulit ang mga nangyayari, pero pinipilit nilang ilabas ang kung ano mang meron si Vine.

Naghilamos ulit ako at binasa ang buhok kong nagulo. Kinuha ko ulit ang basang damit at hinugasan ito sa dumadaloy na tubig. Pinunas ko ito sa katawan ko hanggang sa makontento ako. Nagpalit at lumabas na ako matapos yun. Wala na si Aider pagkalabas ko ng cr.

Nilapitan ko ang kinahihigaan ni Vine at naupo malapit rito.

Mapupungay na mga mata, may patulis na hugis ng kilay, at hindi kahabaang mga pilik mata. Matangos at mamula mulang mga ilong. Malambot na mga pisngi at mapupusyaw na balat. Paoval na hugis ng mukha at makikita ang jawline. At mapupula at malambot na mga labi, na sa tuwing bubuka ay kahit na nakakainis ang nilalabas na salita ay mapapangiti ka.

"Sorry" sabi ng boses ni Aider mula sa pinto at lumabas siyang muli.

Hawak hawak ng daliri ko ang malalambot na labi ni Vine, ngunit alam kong hindi pu-pwede.

Tumayo na ako at lumabas upang lapitan si Aider. Kaming dalawa at ang nurse nalang ang naririto pati na rin si Vine na nakahiga sa bed nitong clinic.

Nagsabi ako ritong bantayan muna niya si Vine, dahil may pupuntahan pa ako.

|~|•|~|
The L&L Academy

The Lier & Lyer AcademyWhere stories live. Discover now