C18

23 4 0
                                    

Chapter 18

Vine's POV

Nasa loob ako ng isang napakalawak na kwarto. May malawak itong higaan na kakasya kahit sampu pang tao. Sa kaliwang bahagi nito ay naroroon ang isang kabinet na kahit luma na ay napakalinis pa rin. Sa kanan naman nito may isa pang pinto na posibleng palikuran ng kwartong.

Sa kanang bahagi ng kwartong, naroroon ang isang napakahabang sofa na nakaharap sa higaan at may isa pang pares ng dalawang upuan at lamesa na diretsiyong nasisinagan ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana.

Lumapit ako sa bintana upang makita ko ang mga buhay na may iba't ibang kulay na bulaklak. Naglalakihan at malalagong puno ng mangga at iba pang klase ng puno. Payapa sa parteng ito ng kwarto kahit pa ang uupuan mo ay nasisinagan ng araw dahil may hatid itong malamig na hangin. Asul na may puti naman ang kulay ng kalangitan, siguradong napakalinis ng hangin na nalalasap nila rito.

Naagaw ang atensiyon ko ng may maramdaman akong nagbukas ng pinto. Agad akong tumayo upang tignan ito at iniluwa nito ang isang babae na sinundan ng babaeng taga bantay.

Mukhang hindi naman nila ako na pansin kaya nanonood lang ako sa kanila.

"Altheria" banggit ng taga-bantay rito.

"What?" tanong ng tinawag niyang Altheria. Hindi na niya pinagkaabalahang lingunin ang taga bantay.

"Pinapatawag ka ng kunseho" sagot naman ng taga bantay.

"Prepare for the night" dagdag na sabi nito, pagkatapos i-abot sa kaniya ang isang baso ng wine, iniwan na siya nito.

Kinuha naman niya baso at naglakad siya papalapit sa direksyon ko. Inakala kong nakikita niya ako ngunit tumagos lang siya sa akin.

Sandali siyang sumilip sa bintana at huminga ng malalim bago isara ito.

Inobserbahan ko ang babae sa kaniyang ginagawa. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil sa ekspresyon ng mukha niya.

Lumapit siya sa kabinet at kumuha ng ilang mga damit at nilagay sa higaan. Pumili rin siya ng ilang mga panakip sa ulo at sapatos mula sa lalangyan niya.

Nang matapos sa pagkuha ng mga gamit lumapit na siya sa higaan at nagsimulang magtiklop. Pinagsama sama niya ang mga damit at inihiwalay ang mga pambaba at mga panloob.

Nang maayos na ito, sumilip siya sa ilalim ng higaan at humugot ng bag mula rito. Pinasok niya rito ang mga kinuha sa kabinet.

Tumayo siya at nagpagpag ng kasuotan at huminga ng malalim. Lumapit siya sa lumang kabinet na malapit sa higaan niya at may kinuha mula sa itaas nito. Isang bagay na nakabalot sa pulang tela.

Nilagay niya ito malapit sa bag ng mga damit at lumapit sa tapat ng higaan niya. May bookshelf siya rito. Parang kinurte talaga ang kwartong iyon para roon dahil sa pader na katapat ng higaan niya sa gitnang parte nito nakatulak ang pakahong istilo kung saan nakapalibot roon ang mga libro. Sa gitna nito naroroon ang isang upuan na bumagay sa mga librong nakapaligid rito.

Pinalandas ni Altheria ang kaniyang mga daliri sa hilera ng mga libro. Natigil siya sa ginagawa at kinuha ang apat na magkakatabing libro. Lahat ito ay magkakakulay. Kulay maroon. Nilapitan ko ito ng mapamilyaran ko ang libro.

Nilagay niya rin ang apat na ito sa kung saan niya kinuha at pumunta sa kama. Maya maya lang ay pumikit na siya.

Hinawakan ko ang librong hawak niya kanina ngunit para lang rin itong tumatagos sa akin. Wala akong lakas para mahugot ito. Nahahawakan ko man hindi ko naman mabitbit o mabigyan ng pwersa para gumalaw.

Sandali lang siyang nahiga ng tumayo ulit. Tulad nga ng sinabi ng taga bantay tinawag siya ng konseho. Naligo na muna siya at hindi pa man lubos na naaayos ang buhok ay tumayo na siya kasama ang bag ng mga damit at ang kinuha niya mula sa kabinet.

The Lier & Lyer AcademyWhere stories live. Discover now