C27

31 3 0
                                        

Chapter 27

I want to ask him kung bakit siya nandito pero i can't do that. I'm already lying on my bed at tamad na tamad ng gumalaw, hindi na rin ako naligo at basta nalang iniwan ang mga gamit sa sofa na nakita ko pagkapasok. Sinigurado ko ring nakasarado ang pinto, pati na rin ang mga bintana bago mahiga.

I just can't imagine na sa dami ng nangyari sa akin kahapon, iyon pang pagconfess ni Aider ang nag pablow ng mind ko. Hindi rin naman ako makapaniwala sa mga nangyari bago iyon, especially doon sa nangyaring pagbabago-bagong anyo ng kung sino man iyon. Mula kay Andrew, the follower, Derriwon, into a vampire monster.

I'm sure he's a vampire, halata sa matalim niyang pangil na kumikinang tuwing natatamaan ng liwanag. And because of the color of his eyes, napakanatural ang pagkapula nito. Ang pag iisip ko tungkol roon ay nagtungo sa sinabi niya tungkol sa kambal ko raw. And her name is Talsin.

'Talsin, Talsin' inaalala ko kung saan ko pa iyon ibang narinig. Her name sound familiar to me now, pero hindi ko pa rin masigurado kung kanino ko nga narinig at kung saan.

Nakatulugan ko ang pag iisip at kinabukasan, nagising ako sa katok mula sa pinto. And naulit muli ito, kaya napatayo na ako at napapunta sa restroom para magmumog at maghilamos. Inayos ko rin kahit papaano ang nagulo kong buhok pati na rin ang suot ko, kahit na magulo naman na talaga ang suot ko.

Binuksan ko na ang pinto ng muli itong kumatok. It's Aider, carrying a two paper bags and one lunch bag.

"Good morning" masayang bati niya at inangat pa ng bahagya upang ipakita sa akin ang bitbit niya. "Can I come in?" Tanong niya pa.

"Ow, yeah, good morning, come in." I said and trying to smile kahit na hindi pa nag sisink-in sa akin ang nangyayari. Masyado na ba akong nas-star stuck sa kaniya. Nakakainis.

"I brought you food and something to wear. Mukha kasing, hindi ka pa nakakapagpalit simula nung party. Bigla ka kasing nawala. And last night i saw you sa elevator, mukhang pagod na pagod ka. Pulang pula pa nga yung paa mo at may mga gasgas ka pa sa braso, kaya bumili na rin ako ng panggamot mo diyan," daldal niya habang pumapasok.

"Parang wala ka sa sarili, and may mga punit na ang suot mo at mukhang ginupit mo pa. And that's why I brought you something to wear too. And of course hindi ka naman siguro lalabas ng ganyan pa din suot mo, may mga sira, baka maloko ka pa sa dadaanan mo. And amm, meron din diyang undies, don't worry si sister ang bumili. I told her na hindi ko rin alam kung anong size at style na gusto mo kaya sinabi ko na siya ng bahala." Kwento niya habang nilalabas ang mga pagkain at pineprepare sa maliit na lamesa.

May drinks din siyang dala at mga tupperware na pinaglalagyan ng pagkain. Kumuha pa siya ng pinggan at nilagyan ng kanin ang plato. May three dish na nakalagay sa lamesa at apat na pirasong cup cakes. May panyo rin pati kutsara at tinidor sa lamesa.

"Tara, kumain ka na." He said. Inalalayan niya pa akong maupo sa circular sofa at inilapit sa akin ang plato na nilagyan niya ng kanin.

I look at him pero nginitian niya lang ako at sinabihang sumandok at kumain na. Wala naman akong ibang ginawa kung hindi sumandok sa ulam na nakalatag at kumain.

While eating, nakita ko si Aider na inaangat at inaayos ang mga kurtina para pumasok ang sinag ng araw. Lumapit rin siya sa higaan at pinagpag at inayos ang comforter nito. Inadjust niya rin ang mga nakalabas na upuan. Ginilid ang pares ng heels ko na naiwan ko lang kung saan kagabi at nilagay sa malapit sa higaan ko. Itinabi niya rin ang bag ko sa ibabaw ng side table.

In short, he's cleaning my room.

I found him responsible for his actions, I might say I'm turned on. Possible ko rin siyang bigyan ng chance if gusto niya, but sinabi naman na niya agad nung nakaraan na pipigilan niya ung nararamdaman niya. Ayaw ko naman sabihin sa kaniya ngayon na may chance siya dahil baka umasa siya at biglang hindi ko siya sagutin, i'm afraid na baka paasahin ko lang rin siya, I still care for his feelings naman.

Siguro kung hindi siya umamin nung nakaraan, iisipin kong crew siya dito sa galing niyang maglinis. Pantay na pantay ang sukat ng kurtinang parehas niyang ginilid, pati na rin ang comforter ko na pareho sa kung paano ako dumating dito kagabi. Ang pagkakalagay niya sa bag at heels ko ay mukhang pinag-isipan kung paano ito bibigyang istilo kahit na hindi naman talaga ito parte ng kwarto.

Napansin siguro niyang pinapanood ko siya kaya nilingon niya ako. "Tapos ka na?" He asked and his smile never left his face simula nang makita ko siya ngayong araw.

"Ah yes." I said and smiled back at him.

"Sige sige, sandali, kukuha lang ako ng water," lumapit siya sa may kusina at kumuha ng baso. Sa harap ng dispenser, pinindot niya ang hot water na nilagyan ng kaunting cold water, para hindi gaanong mainit at hindi nakakapaso.

He came close to me and gave me the water he prepared.

"Thank you," I gratefully said and drank the water. Siya na rin ang naghugas at nagligpit ng pinagkainan ko, even though i told him na ako na, since ako naman ako kumain and siya na ang bumili.

Nagstay pa siya rito at nagkwento kung ano pa ang nangyari sa party nung friday. Sinabi niya rin kung sino ang tinanghal na Queen and king of the night, pati na rin ang mask na napili sa gabing iyon. Ikinuwento niya pa sa akin na halos mainis na daw siya sa ingay dahil sa malakas na tili ng mga taga-Lier. Talong talo daw ang Lyer students.

Kung ano ano pa ang kinuwento at maya maya lang ay nagpaalam na siya para makapag palit na raw ako, may aasikasuhin pa rin daw kasi siya. Hindi ko na tinanong kung ano iyon, dahil kung gusto niyang sabihin, sigurado naman akong sasabihin niya, sa dami ng kinukwento niya.

Nilapitan ko ang paper bag na dala niya at naupo sa higaan. I open the paper bag and the attire he brought is so comfy for me.

I check the other bag and nandoon ang mga undies, parehong may tag-tatlong iba't ibang sukat. I look at it and nakitang may kasya sa akin. I chuckled when i remember kung paano niya pa inexplain na hindi siya ang bumili at hindi niya na ito tinignan.

May nakita pa akong small piece of paper dito. I think it's from her sister, masyado kasing pambabae yung design and sulat.

'Hello Vine,
I brought you 3 pairs of undies with different sizes, since I'm not sure kung anong size mo but sabi naman sakin ni brother, parang same lang daw tayo, so here. I hope you are fine with my choices. Btw I'm Aider's sister, Talsin, i would love to meet you soon!
Fr: His lovely sister'

|~|•|~|
The L&L Academy

The Lier & Lyer AcademyWhere stories live. Discover now