C14

29 3 0
                                    

Chapter 14

Vine's POV

Hindi ko pa nakikita si Tbuce simula kahapon. Hindi ko rin napansin kung sumama siya dito sa camping. Kaya niligpit ko na muna yung mga gamit ko dito sa loob ng tent ng matapos akong maligo.

Plano kong mag-ikot muna sandali, para hanapin sana si Tbuce. Pagkalabas ko ay marami na ring gising, three am palang ng umaga pero may mga gising na, may mga nagsiligo na para hindi na sila maghabol sa pagligo mamaya.

Kaiikot ko nakita ko ang mga gagawin namin mamaya. May nakita akong hanging bridge na dadaan siguro namin mamaya at may mga sako ng buhangin ang nakatali ngayon na siguro kasama sa dadaan namin mamaya.

Marami pang exciting team building ang nakita ko, pero ayaw ko na munang i spoil ang sarili ko kaya bumalik na ako sa lugar ng mga tent.

Halos gising na ang lahat at may mga nag-grupo na para magluto ng pagkain ng kanilang grupo.

Kasama ko sa grupo si Velminy at si Leony, mga sampo din kami. Kumuha na ng paglulutuan ang mga lalaki habang kami namang mga babae ang nag hihiwa, naghuhugas, at naghahanda ng mga paglalapagan namin mamaya ng mga naluto ng ulam.

Halos wala din naman akong ambag sa pagluluto kaya tumulong nalang ako sa mga lalaki na kumuha ng kahoy na pwede naming gamitin para makagawa ng apoy kung saan kami magluluto.

Pumunta na kami sa likuran ng building para maghanap. Pero iba ang nahanap ko, nakita ko si Tbuce na tinuturo kung ano yung mga dapat kunin ng mga kagrupo niya. Mukhang hindi niya ako naramdaman ang presensya ko, kaya nilapitan ko siya.

Papalapit na ako nang siya namang pag-alis ng grupo niya. Ayaw ko namang tawagin dahil parang umiiwas siya. Tinignan ko nalang ang paglakad niya palayo.

Ramdam ko ang paglingon ng mga kagrupo niya sa akin, maging ang iba pang naroroon. Kaya bumalik nalang ako sa pagpulot ng kahoy.

Bumalik na kami sa lugar kung saan kami maaaring magluto, halos lahat ay nagsisimula na ring gumawa ng apoy.

Nagsisimula ng makagawa ng apoy ang grupo namin ng umihip ang hangin. Bigla nalamang akong nahilo ng dumaan at naamoy ang usok sa harapan ko.

Naramdaman ko ang paghawak sa braso ng isa sa kagrupo ko. Paglingon ko sa likuran niya ay siyang paglapit ni Maribelle kay Tbuce. Na parang noon pa silang magkakilala. Isang yakap ang binigay ni Maribelle kay Tbuce, ginantihan niya rin naman ito pabalik na yakap.

Nagpasalamat ako sa kagrupo kong humawak sa akin. Maya maya lang ay kumain na rin kami, nang maluto na ang pagkain namin.

Magsisimula na rin ang team building at kada grupo ay binigyan na ng mapa kung saan kami unang pupunta.

Nagsimula ng magtakbuhan ng magbigay ng signal na "go".

Ang unang rutang napunta sa amin ay ang kung saan tatawid kami ng nakadapa sa putikan. Dalawang balik ang gagawin namin.

Kasabay ng grupo namin ang iba pang grupo. Halata ang pandidiri ng iba, maliban sa ekspresyon ng mukha ni Velminy. Para bang okay lang sa kaniya.

Nagsimula na silang magsilusuban sa putik, hanggang sa oras ko na. Masasabi kong hindi talagang magandang experience ito, dahil parang ayaw gumalaw ng katawan ko pero ng lingunin ko ang kasabayan ko halos makalayo na siya sa akin.

Para bang may kumokuntrol sa katawan ko para hindi ako maadjust man lang. Maya maya lang rin ay nakaalis na rin ako doon, matagal nga lang.

May tatlo pa kaming pinuntahan at iba ibang aktibidad ang ginawa namin. Ang hirap ding gumalaw dahil kahit nag hugas na kami ng katawan, ramdam pa rin namin ang putik. Naninigas naman ang mga suot namin. Ganuon rin sa buhok naming nasusobsob sa putik at dahil kailangang nakatungo at may humaharang rin sa ulo namin para hindi ka matingala.

Ang panghuli namin ruta, hanging bridge na hindi ganuon kataas at hindi rin ganuon kalayo. Mga tatlong dipa lang. Kung may malalaglag man sa amin, siguradong hindi siya mamamatay at buhay pa rin. Hindi naman siya masyadong nakakalunod dahil mababa lang ang tubig, sapa kumbaga. Mahirap nga lang sa mga bato. Pabalik naman ay maglalakad kami sa parang bato bato paakyat, pabalik sa kung nasaan kami ngayon..

Dumating na rin ang kasabay naming grupo. Bali tatlo tatlo kada lalakad sa bridge. Isa sa grupo namin sunod ang kabilang grupo at isa pang sa grupo namin pagnakalagpas na ung nasa harapan na kagrupo namin papasok naman ang isa pang kagrupo ng sa kabila.

Nauna ng sumalang ang isa sa mga kasabay naming grupo, sinundan naman siya ni Matthew na kagrupo ko.

Hanggang sa malapit na ako. Sumalang na si Maribelle na kasama sa kasabay naming grupo. Nang makaalpas na ang ka grupo nila, pumasok na ako.

Si Vita ang nasa unahan sinundan ni Maribelle at ako. Nasa bandang gitna na si Vita ng makita ko ang pag aalinlangan sa mga kilos niya at ramdam rin sa taling hinahawakan at tinatapakan namin ang panginginig niya.

Tinakbo ko siya dahil nadulas na siya sa tali. Nang maiayos ko na siya. Bigla nalang hindi kumilos ang lahat kahit ang paglipad ng ibon ay natigil. Ang tunog ng tubig ay natigil rin.

Ipinalibot ko ang paningin ko at naramdaman ko ang pagbulong sa akin.

"Paano mo na gawa yon?" tanong niya kahit na halata namang alam niya ang dahilan.

"Ano pa nga bang aasahan ko? I'm witch Lactsvine, and i know what you are." bulong niya na idiniin ang huling salita na parang may galit siya sa kung ano man ako.

Hanggang sa parang umikot na ang paligid ko at normal na ang lahat. Nasa likuran ako at hindi kinakabahan ang nasa pinakaharap namin. Naririnig na ang tawanan at ingay na gawa ng mga naririto. Pati na rin ang tunog ng mga nagliliparang ibon at pag agos ng tubig.

Natawid na namin ang lahat ng iyon na parang walang nangyari, na parang nanaginip lang ako.

Normal na normal ang ngiti at tuwa ng matapos namin ang lahat ng aktibidad na roon. Kaniya kaniya na rin kami ng takbuhan pabalik, dahil nagecho na sa buong lugar ang pagtunog ng bell.

|~|•|~|
The L&L Academy

The Lier & Lyer AcademyWhere stories live. Discover now