C17

29 3 0
                                    

Chapter 17

Vine POV

Papunta kami ngayon ni Aider sa bahay ni Nia.

Maya maya lang ay tanaw na namin ang sinasabi niyang bahay. May kulay itong welsh flint na parang pinaghalong brown at yellow, at faux fur na parang pinaghalong violet, red, at brown na parehong kamaganak ng kulay crema.

Ang bahay na sinasabi niya ay mansion na. May malalaki itong pinto na siyang kinatok ko na.

Agad rin naman itong bumukas.

Kapansin pansin kung gaano kataas ang celling ng mansion. Napakalinis nito na animong araw araw nililinisan at pinupunasan. Ganuon na rin ang kalinisan ng lapag.

Sa bawat madadaanan namin, ang mga columns ay may mga padahong korte. Iba iba ang pwesto at iba iba ang laki. Pero pare-parehas itong kulay crema.

May iba't ibang painting ding nakadikit sa dingding,  ganuon pa man bumagay ito sa itsura at dating ng mansion. May mga figurines at vases and flowers na nakapatong sa mga lamesa malapit sa pader. Hindi nagkakalayo ang mga kulay nito.

Sa gitna ng hallway na nilalakaran namin ay may archs na nakatapat sa isang malaking statue.

Nakakaagaw pansin ito dahil ito ang pinakamalaking figurine o masasabi kong istatuwa na meron rito sa hall.

Isa itong babaeng nakatingala at nakangiting tinatanaw ang itaas. Ang kamay niya ay malapit sa kaniyang bibig at ang isa naman ay nakahawak sa suot nitong bestidang puti. Ang buhok naman siya ay nakakorteng parang umaalon dahil sa hangin at hanggang bewang nito ang haba. Sa ibaba nito hindi makikita ang paa niya dahil sa haba ng bestida. Pero ang maliit na parte ng daliri niya sa paa ay  makikita dahil ito ang nakatapak sa kinapapatungan nito. May mga dahong nakapalibot sa kaniya at meron rin sa bestida. Nakaukit ito na parang dumudulas sa suot niya.

Nakapatong ang istatuwa sa rhombic hexahedron o rhombohedron o yung padiamond pero pakahon at ang magkabilang vertex ay nakadikit sa lapag at ang isang vertex naman ay siyang kinapapatungan ng istatuwa. Napupunuan naman ng tubig ang paikot na lapag nito.

Sa likuran ng istatuwa nakita kong nakatayo si Nia habang may hawak na inumin.

Nakasuot siya ng jeans na itim at leather na pang itaas. Nakalugay ngayon ang kulay ginto niyang buhok.

Sa likod niya naroroon ang hagdan pataas papunta sa pangalawang palapag.

Nang mapansin niya kami ay agad niya kaming tinawag.

Pinasok namin ang isang kwarto na puro libro ang laman. Pagpasok mo palang makikita na ang malaking lamesa na paoblong ang hugis at siyang kinapapalibutan ng libro.

Matataas ang mga istante ng libro mula sa dingding hanggang sa mga hile-hilerang istante ng libro. Pare-pareho itong kulay maroon at may mga nakaukit na kulay gintong kakaibang letra sa bawat istante.

Nilapitan ni Nia ang pinakadulong istante at may kinuhang lumang libro.

"Sa tingin ko kailangan mo itong mabasa" nilingon ko siya matapos niyang sabihin iyon.

"Basahin mo iyan" sabi niya sabay abot ng kinuha niyang libro.

Kita mo ang kalumaan sa libro ng hawakan ko ito at mukhang naisalba lang ito mula sa sunog.

May nakasulat ritong pa kaligrapiya na "geschiedenis" na nangangahulugang history sa salitang dutch.

Sa unang pahina may nakasulat rito kung sino ang may akda ngunit hindi ko ito maintindihan. Sa sumunod nakasulat na ang mga letra ng pa Latin alphabet.

Nakasulat rito na ang mga bampira ay tunay na nagmula sa mga bansa sa silangang Europa ngunit may mga grupo rin na mula sa western Europe ang nagsasabing mula ito sa kanila.

Ipinaglaban ito ng mga grupo ng bampira mula sa western Europe dahil nais nilang sa kanila manggagaling ang mamumuno sa mga bampira sa buong mundo. Ngunit hindi pumayag mga taga silangan.

Gumawa ng paraan ang mga taga kanluran kaya naglibot ang mga manlalakbay na bampira sa mga karatig bansa na nito at halos libutin na nila ang buong mundo upang mapapayag ang mga ito na pumanig sa kanila.

Nagtagumpay sila na mas higitan ang bilang ng mga taga silangang Europa. Ngunit ang kasalukuyang nararapat na maupo ay mula sa silangang Europa na may kaibigan mula sa mga diyos sa itaas.

Higit ang lakas nito kumpara sa mga bampira ngunit ang diyos na ito ay pinarusahan. Ang diyos na ito ay siyang dapat na pumapagit na at bumabalanse sa pakahon na pamumuhay. Tatlo ang sa itaas at tatlo rin sa ibaba.

Ngunit ang tungkulin ito ng diyosa ay nakalimutan niya dahil sa nais niyang pagtulong sa kaibigan niyang bampira.

Pinarusahan siya ng mas nakahihigit sa kaniya at tinanggalan ng karapatan ang magiging anak niya ng kakayahang mamuno at maging diyos o diyosa.

Sa kabilang banda, ang bampirang namumuno ay nararapat na manganak ng araw na iyon ng biglang sumiklab ang gera sa pagitan ng dalawang bahagi ng europa. Ang ama ng nararapat na mamuno ay naging taksil. Pinatay nito ang kaniyang asawang reyna at nais ilukluk ang ibang bampira na mula sa kanlurang bampira.

Hindi na napansin ng ama ang kaniyang anak na dapat maupo dahil kinukuntrol na ng pinunong babae na mula sa kanluran ang mga bampira maging ang hari ay nakokontrol na niya.

Dahil sa pamumuno ng babae muling nagsiklab ang gulo sa pagitan ng mga lobo at bampira. Nais mawala ng reyna ang mga lobo dahil iniisip nitong nakikihati lang ang mga ito.

Madami pang sinabi ang libro tungkol sa ginawa nga reyna ngunit tinigil ko na ang pagbabasa. Wala na ring sinabi ang libro tungkol sa nangyari sa dapat na maupo, maging sa kaibigan nitong diyosa.

"Bakit meron ka ng ganito?" tanong ni Aider ng isara ko ang libro na mukhang binabasa niya rin ng basahin ko.

May bitbit pangdalawang libro si Nia at parehas rin itong luma na. Hindi na pinagkaabalahang sagutin at lingunin ni Nia si Aider. Nilapag niya ito sa lamesa at inabot sa amin ang tig isa.

Ang librong nakuha ko ay tungkol sa kasaysayan ng mga lobo at ang kay Aider ay tungkol sa mga witch at ang iba't ibang kakayahan nila.

Tumayo ako at nilapitan ang siyang pinagkukunan ng libro ni Nia. May dalawa pang librong nakalagay rito na parang kasing luma rin ng naunang binigay ni Nia. Parehas rin itong mukhang galing sa sunog.

Sa tabi nito nakalagay ang mas malinis at mas makapal na libro. Hindi halata ang kalumaan dahil ang pabalat nito at makapal rin, kakulay siya ng mga istante kaya hindi kapansin-pansin sa malayo.

Nang hugutin ko ito ay walang nakasulat sa pabalat ngunit may mga ginto itong linya na nakadisenyo sa bawat sulok ng libro.

Bubuksan ko na sana ito ng magsalita ang bagong dating lang na si Tbuce.

Muli kong binalik ang libro sa kinalalagyan nito at lumapit sa kanila.

Nilingon ni Tbuce ang buong lugar at tinignan niya kami. Iniwan niya ang tingin sa akin at nagsalita ng "I'm a witch, you're a vampire, and she's the daughter of the curse goddess"

Hindi ko kinakitaan ng gulat si Nia, punong puno naman ng pagtataka si Aider at seryosong-seryoso ang mukha ni Tbuce na nakatingin sa akin.

Hindi ko maintindihan kung nagbibiro siya o hindi. Kadarating niya lang at ganyan na agad ang sinasabi niya. Nakakaloko.

Tumawa muna ako ng ilang saglit. At hindi ko aakalaing pagkatapos kong tumawa at natitigan ko ba ang mata ni Tbuce. Naramdaman ko ang pagdilim ng paligid at ang pagbagsak ko sa sahig.

|~|•|~|
The L&L Academy

The Lier & Lyer AcademyWhere stories live. Discover now