C29

27 3 0
                                    

Chapter 29

I've been with him all day pero nakalimutan kong itanong yung tungkol kay Talsin. If she's the sister of Aider, does it mean na magkapatid kami? Is he aware of that? That thought brought me to thinking what he said to me nung party. 

Moving on, i already with Tbuce, his driving me way to Nia’s house as i’ve requested him sa text, i’m greatful na late niyang nabasa dahil kung nabasa niya agad right after i send my text, kanina pa siya maghihintay sa akin. Nagpasundo na ako bago pa man sumikat muli ang araw.

He look worried ng magkita kami sa baba ng hotel. And remembering how the staffs and other people who saw me earlier look at us, makes me feel weird. Kaya inaya ko na siya na lumabas at dito nalang sa kotse ko ipapaliwanag.

"Magkapatid kayo?" Tanong niya.

"Hindi ko rin sure, pero hindi ko pa naman nakikita yung Talsin. And ang sabi sa sakin kung vampire-monster, kambal ko raw, so i think hindi siya magiging madali for me to identify kung kambal kami dahil i think hindi kami identical, kasi kay Aider palang maiisip niya na yun"

Tuluyan ng sumikat ang araw ng makarating kami sa mansion ni Nia. Nagkataong nasa garden siya at naglilinis kaya natanaw niya agad ang papalapit na sasakyan ni Tbuce. 

She let us in. Nakapanjama pa siya at mukhang ang unang ginawa pagkagising ay maglinis, pero hindi halatang naglinis siya. Or baka tumambay lang siya rito at magsisimula palang maglinis?

"We've been contacting you last friday night, saan ka nagpunta? Bigla ka kasing nawala, tapos itong si Tbuce, hindi niya rin makita yung vision nung mga galing sa cr." Bungad ni Nia pagkapasok namin.

She's way older than me, we have 2 years gap, kaya magkaage sila ni Tbuce. I'm 18, while them, 20 na.

"Somewhere," simpleng sagot ko.

"That’s all?,” nabibitin na tanong niya sa sagot ko, maybe expecting me to tell a long story of me traveling to explain to them. “By the way, nagbreakfast na ba kayo?" Tanong niya.

"Si Vine hindi pa.” Busog pa nga ako eh. “Saan ba yung kusina mo? Ako na mag aasikaso,” presinta ni Tbuce. Tinuro naman ni Nia kung saan siya liliko at pinaliwanag kung saan nakalagay ang mga ingredients na kailangan niya.

Nang makaalis si Tbuce, dinala ako ni Nia sa likod ng garden niya. Isa itong napakalawak na lugar, maayos na maayos ang pag kakapwesto ng mga halaman at bulaklak. Magkakasama ang mga magkakauring halaman maging sa kulay, linya linya ito at may mga distansya, meron rin itong patag kung saan pwede kaming lumakad.

Napaisip tuloy ako kung mag-isa niya lang ba ‘tong ginawa o may hardinero siya para maging ganito kapino at kalinis ang pagkaka-ayos.

Isang puno ang umagaw ng atensyon ko. Hindi siya kataasan, lalo na’t hindi rin ganuon kalago, ito pa nga ata ang pinakamaliit at pinakawalang buhay na puno rito sa hardin niya. 

"That's the place where your twin was born.” She casually said. After hearing what she just said, agad na nagsalubong ang kilay ko. She’s smiling while saying those as if i'm happy about that and happy sa sinabi niya sa aking hindi ko alam.

"You know everything?" Naiinis na tanong ko na obvious na obvious naman. "You know everything but you never tell anything to me? Pinapahirapan niyo lang ba talaga ako?" tanong ko ulit pero siya parang kalmadong kalmado na nakatingin sa akin, maybe trying to figure out what’s on my mind.

Binuka niya ang bibig niya ngunit walang kahit isang salita ang nabuo. "Tell me, ano pa ang meron sa puno na yan? Diyan din ba namatay ang mama ko? O baka naman diyan pinahirapan ang mama ko kasama ang mama mo? Ano pang alam mo? Dali ikwento mo sa akin.” Nanggigigil na sabi ko na halos idiin ko na lahat ng salitang lumalabas sa bibig ko.

"No, hindi namatay ang mama mo, buhay siya, Vine, buhay siya. And i don’t know everything," pag-uulit siya sa salitang buhay si mama.

"Then where? Asaan siya? Bakit wala siya? Bakit kailangan ko pang mapunta kay Tbuce? Bakit hindi niya ako binantayan? Bakit wala siya sa tabi ko? Bakit? Hindi niya ba ako gusto? Tell me, kasama niya ba yung kambal ko? Ano? Isa lang ang kaya niyang protektahan? Ano? ANO PANG ALAM MO?" Ang dami ko pang gustong itanong pero hanggang doon lang ang kinaya ng bunganga ko at nang lakas ko.

"Vine," nawala bigla ang pagiging kalmado niya. Ilang beses niya pa akong tinawag pero parang wala akong naririnig na kahit isang tunog, nakatingin lang ako sa kanya hinihintay ang susunod niyang isisiwalat sa akin na hindi ko alam, maging ang paliwanag niya.

"VINE!" madiin nang tawag niya sa akin, she's looking around, at nang muli niyang ibalik ang tingin sa akin, hinawakan niya ako sa balikat at muling nagsalita. "Vine, please, this place is so important. Please, don't burn every grass, flowers and trees." Puno ng pakiusap niya habang diretsyang nakatingin sa akin.

Hindi ko agad naunawaan ang sinabi niya, hanggang sa maramdaman ko nalang na may tumulong mainit na likido sa mga mata ko. At hinugot ako paharap ni Tbuce.

His looking at me, hindi ko maintindihan ang expression na pinapakita ng mata niya, may nagagalit na parang naiinis, may naawa, nakikiusap at umiintindi. Hindi ko siya maintindihan, para bang pati siya may iba pang nalalaman na have something to do to me na hindi niya pa sinasabi sa akin.

Pakiramdam ko wala akong kakampi sa mga oras na ito, pakiramdam ko napaka wala ‘kong alam sa buhay ko at sila ang kumokontrol nito. Pakiramdam ko ginagawan nila ako ng maze na dapat ako ang makaalam ng mga nalalaman nila.

"Vine, please stop it now, matatawag natin ang atensyon ng mga manggagaway, please. We need to respect Nia's house.” Pakiusap sa akin ni Tbuce, ngunit lumalabas lang sa kabilang tenga ko lahat ng sinasabi niya. Papalit palit ang tingin ko sa mata niya, trying to search for more.

"Sino ba ako?,” wala sa sariling tanong ko, para naman siyang natat*nga sa tanong ko.

"Vine, pwede ba? hindi yan ang importante ngayon. Malaki na ang nasusunog mo, Vine, wake up!,” nagagalit na talagang sabi niya. Nauunawaan ko ang sinabi niya pero nasasaktan ako na parang hindi niya nauunawaan na importante sa akin na malaman ko kung sino ako.

Isang malakas na putok ang narinig ko mula sa biglang liyab ng puno. Nilingon ko ito, realizing that i really made a huge destruction sa mga halaman. It has the same fire, smell and kulay ng apoy sa may panaginip ko ng gabing sinilang ako, at pinana ang papa ko.

"I'm sorry, i'm sorry, i don't know how to stop it, please, patayin natin ang apoy," naguguluhang sabi ko hindi pa rin sigurado kung kasalanan ko ba talaga iyon, for me to say sorry. Kasabay ng pagsasalita ko ang tuloy tuloy na daloy ng luha ko na parang sobrang tagal ng gustong kumawala.

Lumapit ako kay Nia, na nasa malapit ng naglalakihang balde ng tubig. Kinakabit niya yung hose sa may gripo at mabilis ang kilos sa pagbukas nito at pagbasa sa mga halamang umaapoy.

Lumapit na rin si Tbuce sa amin at kumuha pa ng isa pang balde kung saan pwede niyang gamitin pang patay sa apoy.  Nakita ko naman na medyong humina at bumagal ang pagkalat nito ng simulan kong sumalok at mabasa ng tubig. But i felt something weird to feel this in this situation, i’m amazed sa pagiging pareho ng apoy na ito sa apoy na meron noong namatay ang papa ko.

|~|•|~|
The L&L Academy

The Lier & Lyer AcademyWhere stories live. Discover now