Chapter 21
Vine's POV
Naging mabilis ang paglipas ng panahon, madalas kaming nagkakasama nila Nia at Tbuce. Hindi rin namin nakakasalubong o nakikita man si Aider simula nung lunes na magkahiwa-hiwalay kami.
Sa mga lumipas rin na araw na iyon walang lumalapit sa amin na tao o binibigyan man kami ng pansin. Kung may kumausap man nakaiwas pa rin ang tingin nila. Kung ako ang tatanungin mas gusto ko ang ganto para lang rin kaming mga normal na istudyante para hindi lingunin o pagtuonan man lang ng pansin.
Nakaupo kami ngayon nila Tbuce at Nia rito sa cafeteria ng muling umingay ang paligid dahil sa bulong bulungan.
Nakatalikod si Nia sa parte ng pinto kaya nilingon niya ito ng mapansin doon lahat nakatingin ang karamihan, naramdaman ko rin na nakilingon rin si Tbuce sa may pinto na nakaharap sa kaniya. Hindi ko naman na pinagkaabalahang lingunin pa ito kahit na kunting galaw lang ay kita ko na kung sino ang paparating.
Naramdaman ko nalang ang pagsabunot ng kung sino sa buhok ko. Ramdam ko ang panggigil niya pero hindi iyon magiging dahilan para masaktan ako. Napatingala lang ako ng sinabunutan niya ang buhok ko.
Nakita ko ang paghawak ni Tbuce na pulsuhan ng babaeng nakasabunot sa akin.
Inalis naman ito ni Marrene gamit ang isa niya pang kamay. Nakahawak naman si Laciera kay Nia para hindi ito sumagabal sa ginagawa ng kaibigan niya sa akin.
Tatanungin ko palang sana siya kung bakit niya ito ginagawa pero sinigawan niya ako at naririndi ako rito.
"It's your fault, kasalanan mo lahat!" Sigaw niyang muli sa harap ko.
"Anong ginawa ko?" Takang tanong ko rito.
"Kasalanan mo hindi mo alam?" Pasigaw niya pa ring sinabi.
"Ano bang kasalanan ko ang sinasabi mo!," inis na ring sigaw ko. Nakita ko ang paggalaw ni Tbuce upang tumingin sa paligid at labas kung saan naroroon ang mga pinaglalagyan ng mga halaman. Naramdaman ko pa ang pagtayo niya upang pigilan si Marrene. Tinulak naman siya nito.
Nakita ko ng matingilan si Marrene pero hindi iyon ang nakapagpatigil sa kaniya para matanggal ang pagkakasabunot niya sa akin.
"Ano bang kasalanan ko?" mahinahon ko ng tanong kahit na nakatingala pa rin sa kaniya habang sabu-sabunot niya.
"Kasalanan mo kung bakit nagkaganuon si Aider!" Pabato niyang binitawan ang pagkakasabunot sa akin.
"Kaninang umaga lang siya muling pumasok, nakita ko pa siyang nasapak kaninang umaga, at may mga pasa pa siya mula sa last na gulo na pinasok niyo. Kinuwento niya sa amin lahat, at sinabi niya rin na kayo ang huli niyang kasama," sabi niya habang nakakrus ang mga braso at tumingin sa aming tatlo.
"Kasalanan niyo kung bakit ngayon nabugbog na naman siya!" para siyang nasisiraan ng ulo kasisigaw. Nagsalubong naman ang kilay ko kung bakit kami ang sinabi niyang huli niyang kasama e' last week na yun, hindi ba siya umuwi? Sa pagpasok palang ng gate nagkahiwalay na kami then kami ang last? Siya itong nagcucutting, kami pa ang sisisihing dahilan kung bakit siya nabugbog.
Pero... Sinabi ba ni Aider kung ano kami?
Ngayon, hindi lang ako naiinis kay Marrene, kundi pati na rin kay Aider na sa tingin ko hindi lang ito basta inis.
"Ano naman sayo kung kami ang huling kasama, kami ba ang bumogbog para magkaganun siya!" singit ni Nia, natigilan naman siya pero hindi nagpaawat.
"Hindi pero kayo ang posibleng dahilan. Kasi kung sino sino binabangga mo, kaya kahit sinong lumalapit sayo dinadamay ng mga nakaaway mo!" sigaw niya.
Pumikit pa ako sa tuloy tuloy ng sigaw niya at muli siyang nilingon ng matapos. "Pwede ba! Nagsasayang ka lang ng oras kasisigaw sa akin. Hindi ko na kasalanan kung napaaway siya ano man, sabihin mo diyan sa sarili mo wag kami ang sinisisi niya dahil una sa lahat siya ang sumunod sa akin ng puntahan ko siya! Hindi ko siya inutusan dahil nagkusa siya!" sigaw ko at natitigilan siyang tumingin sa akin, punong puno ng pagseselos ang mga mata niya.
"What? pinuntahan mo siya? for what, o baka naman ikaw talaga ang bumubugbog sa kaniya?"
Huminga muna ulit ako at muling nagsalita, binabaliwala ang tanong niya. "At tulad nga ng sinabi mo, dinadamay ng mga nakabangga ko ang lumalapit sa akin, e' bakit ngayon lumalapit ka sa akin? at tulad rin ng sabi mo, diba nakabangga kita? Baka naman kilala mo ang nang bugbog sa kaniya." Sabi ko habang nakatingin ng diretsyong sa kaniya, nakita ko rin ang gulat at panggigigil na gumuhit sa kaniya.
"Huh, the heck?" Mahina niyang pagkausap sa sarili at may tawa na hindi makapaniwala sa simula.
"I already warned you, first day palang. Don't lay your hands on me. Want to reach the red card without having the black one?" nakangising sabi ko. Agad naman gumuhit ang takot sa mata niya pero hindi naaalis ang tuloy tuloy na panggigigil sa mukha niya tuwing magsasalita ako.
"Don't worry, i won't give you that. But i warning you. Don't lay any of your dirty hands on me. Kahit na may kinalaman pa ito kay Aider o kahit sinong kakilala mo, dahil hindi naman ikaw sila. At hindi tulad mo may white card ka na, sila kahit isa wala." Gumuhit ang takot sa mata niya at napaatras pa siya. Nasa likuran na niya ngayon si Laciera na nakadantay sa kaniya at para hugutin na rin siya paalis rito.
Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa makalabas. Nilingon ko ang paligid at ayun na naman ang mga tingin ng mga taong nakikiisyoso sa nangyari ngayon-ngayon lang.
Dahil sa pagsugod ni Marrene, pakiramdam ko muli niya lang binalik ang atensiyong ayaw ko makuha mula sa mga nakapalibot sa akin. Tinatanggalan niya ako ng kapayapaan.
Tinapos lang nila ang pagkain habang ako ay bumalik sa cashier para bumili ng cup noodles. May water dispenser naman rito meron ring button para malagay mo ung level ng lamig o init ang gusto mo, meron rin na tama lang ang lamig. Anything na gusto mo. Since hot water ang kailangan ko yun na ang pinindot ko.
Friday na bukas, kaya matunog na ang ingay tungkol sa kung ano ang mga susuotin nila maging sino ang tatanghaling face of the night. Naeexcite rin sila sa magiging guest namin.
Mamimili kami ni Nia mamaya ng susuotin namin, since parehas kaming wala pang napipili. Habang sasamahan naman kami ni Tbuce dahil meron na siyang masusuot.
Bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming klase hanggang sa matapos ay muli kaming nagsama-sama.
Sa sasakyan kami ni Tbuce sasakay. Bumaba na rin si Nia maya maya lang. May bitbit pa siyang shoulder bag na kumukinang sa puti. Ganuon na rin ang puti ng three inches heels na suot niya, napakalinis. Kulay krema naman ang suot ng dress niya. Hapit ang disenyo nito sa bewang habang nakalaylay naman ang ibaba nito na hindi aabot sa tuhod. May paikot pa itong manipis na tela sa bandang leeg, habang wala naman itong manggas.
"Bibili palang tayo Nia, pero mukhang ready-ing-ready ka na para sa A.P?" Ngumisi nalang sa akin si Nia.
|~|•|~|
The L&L Academy

YOU ARE READING
The Lier & Lyer Academy
VampireWorld Of Vine Book 1: The Lier & Lyer Academy | COMPLETED The academy that divided into two, the LIER and the LYER ACADEMY, they have different deans but the head dean never been seen. Start: 12.13.20 End: 05.02.22