C39

19 2 0
                                    

Chapter 39

Naglakad lakad lang kami sa paligid ng fountain, trying to think kung anong posibleng koneksyon nito kay mama o memories na meron ito para magpunta rito si mama noon at mapunta si ate kay Amidos, and bakit kailangan pang palakihin ni Mr. A si Talsin, wala naman siguro siyang mapapala kung walang kakayahan si Talsin.

Talsin and Aider are together sitting at the circular edge of the fountain. And both of them are touching the water. Tbuce is looking up at the sky while I am sitting on the branch of a tree. 

Nia show me her hand, signing me to reach her para makaupo rin siya rito. “Do you think babae talaga ang kakambal ko?” Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kung saan. 

“Puro libro ang source mo diba?” tumango naman siya, “Paano kung nagkakamali yun? Paano kung ung sumulat nun is part lang yun ng imagination niya o nagkakamali siya ng impormasyon?” I look at her and continue to ask, “Uso ba detective sa panahon nila?”

She look worried ng simulan kong magtanong ngunit hindi niya maiwasang matawa sa huling tanong ko, kahit ako ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko basta ang gusto ko lang ay lumuwag ang pakiramdam ko. Masyado na akong nas-stress.

Marami akong nakikilala, masyado na rin akong madaming nalalaman sa paligid ko, baka nga sa susunod nito alam ko na lahat ng istorya ng buhay nila maging ang lahat ng laman ng libro ni Nia.

Pakiramdam ko pwedeng pwede na akong mawala pero alam kong hindi ko naman talaga lubos na alam ang mga nasa paligid ko maging lahat nang kung sino ako, sadyang nagkaroon lang ako nang impormasyon tungkol sa iba na walang kinalaman sa pag-aaral. 

“Tara na,” ramdam ko ang pagtapik sa balikat ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa balikat ni Nia. Madilim na ng dumilat ako, talaga bang hinintay lang nilang mag reflect ang liwanag ng buwan sa fountain?

Wala sa mood akong tumalon sa baba and while looking at them parang ayos lang sila, hindi napansin ang tingin ko. Naistop sila sa paglalakad dahil sa ginawa kong paghinto. “Sigurado kayo na yun na yun?” Tanong ko ng humarap sila.

“Anong yun na yun?” Tanong naman ni Tbuce.

“Na nagpalipas lang tayo ng buong araw rito.”

Para silang mga nagugulat na tumingin, “Ano ka? Dapat nga kanina pa tayo umuwi. Kaso sabi mo nung ginigising ka namin mamaya na.”

I look at Nia and sumasang-ayon naman siya sa sinabi ni Tbuce, ganun na rin si Talsin. “Bakit hindi ko maalala?” tanong ko at pinangliitan ng mata si Tbuce.

“Hoy, napakamapanghusga mo naman, hindi ko naman ginawa yun. Atsaka tinulak mo pa kaya ako ng pilitin ko na umuwi na tayo dahil nangangalay na rin si Nia.” Pagtatanggol niya sa sarili, mukha namang totoo ang sinasabi niya. Naiinis lang ako sa sarili dahil hindi ko maalala.

“Ang ingay niyo, magsiuwi na kayo,” biglang sulpot ng kung sino mula sa likuran nila at harapan ko. Sabay sabay naman naming nahugot ang mga hininga dala na rin ng gulat. Baka gwardiya siya rito sa Wiccan.

“Yes po pasensya na po, naligaw lang ho kami rito hindi po namin alam paano makauwi.” Sabi ni Talsin.

Manong told us paano kami makakalabas kahit na alam namin ang daan. Laking pasasalamat naman ni Aider na hindi kami namukhaan ng guwardiya.

We’re using the same direksyon kung saan kami dumaan kanina but nararamdaman ko ang pagod ng katatalon. Hindi lang ako ang nakaramdam nito but also Nia, and Aider na kahit hindi naman siya ang tumatalon at nakayakap lang siya sa akin ay nararamdaman ko ang hingal niya. 

“I think, we’re being played,” sabi ni Nia. Ito siguro yung sinasabi nila noon ng dito pa ako nag-aaral na itong mapunong bahagi ng Wiccan ang siyang lugar ng mga Witch. Witches na walang pakialam kung sino ka pa at walang iniintindi kundi ang sarili. Dirty Witches.

The Lier & Lyer AcademyWhere stories live. Discover now