C12

35 4 0
                                    

Chapter 12

Vine POV

That was not the first time na mangyari sa akin yun, and i'm hoping na sana hindi na ulit mangyari iyon. Year had past but still I can remember it clearly.

Flashback

Nandirito kami sa school para gumawa ng research paper and my friend Maribelle bring her cute little dog, kahit na hindi allowed.

“Iwan mo nalang yan doon” sabi ko kay Maribelle sabay turo sa waiting shed ng school na ito, at puwede niya namang itali sa puno.

“No way, baka maengkanto pa ito 'no, may mga witch daw dito sabi nila” sabi naman niya.

“Sabi sabi lang yun, and hindi namn totoo iyun” sabi ko naman sa kaniya dahil hindi naman talaga totoo iyon.

“I saw one” sabi niya na parang sure na sure.

“Where?” tanong ko naman.

“There” pagturo niya sa lugar ng mapupuno, I don’t see anything na creepy doon. Ang ganda, maaliwalas and buhay ang mga kulay ng halaman at puno para sabihin niyang may mga witch doon.

Ang naiimagine kong lugar ng mga witch ay iyong parang may apoy sa gitna, patay yung mga dahon ng halaman at kalbo ang mga puno. Malayong malayo sa nakikita ko ngayon.

Hinampas ni Viviete ang kamay ni Maribelle na nakaturo doon.

“Bawal magturo” sita niya.

“Tara na nga” dugtong niya at parehas kaming hinawakan sa pulso para hilahin.

Mag-gagabi na at lalo lang guma-ganda ang lugar dahil sa ma-iilaw na palamuti.

"Ang ganda talaga 'no? magical vibes" sabi ni Mradeth habang nakangiting nakatingin sa mga kumikinang na ilaw.

Nagpaalam si Maribelle na gagamit ng restroom at pina-iwan sa amin ang aso. Nilalaro ni Viviete si Sedyci ng may titigan itong isang direksyon.

Maya maya lang ay tumalon ito at tumakbo papunta sa mapunong lugar na tinuro kanina ni Maribelle, hinahabol naman ni Viviete si Sedyci, kaya naisip kong hanapin na muna si Maribelle.

Sinundan ko sa cr si Maribelle pero wala na siya roon, baka nagkasalisi na kami. Naglibot muna ako ng maisip kong puntahan ang itinuro kanina ni Maribelle na lugar raw ng mga 'witch'.

Madaming buhay na nga halaman kaya ingat na ingat akong nag lakad dito.

May nakita akong maliit na fountain at may katabi itong malaking bato kaya sumandal na muna ako rito pansamantala.

Malinaw ang agos ng tubig na nilalabas ng fountain at kita ang pagiging natural nalinis at amoy nito. Kahit na gabi ay kumikinang ang tubig dahil sa repleksyon ng buwan.

Malamig ang hangin ang dumadampi sa balat ko at naririnig ko ang pag agos ng tubig mula sa fountain.

Marami rin ang matataas na puno ang naroon. Masaya sanang akyatin ang mga iyon ngunit natatakot ako.

May ilang mga lumilipad na alitaptap sa paligid kaya nadagdagan ang liwanag ng paligid na mas nagpaganda rito.

Bilugan rin ang buwan ng tumingala ako, diretsyo sa lugar kung nasaan ako naro-roon.

The Lier & Lyer AcademyWhere stories live. Discover now